Aki's POV
"Wow... Just... wow..." My jaw almost dropped when I realized where we are.
We're here at the comic alley. Ang daming collectibles at action figures ng anime na nandito. Hindi ko halos malaman kung saan ako unang lalapit. Pero syempre, dahil I'm a very big fan of Fairy Tail, yun ang una kong nilapitan.
Halos maglaway na ako sa mga nakikita ko ngayon. Mangga, key chains na susi ni Lucy Hearfilia, posters, kwintas ni Gray, logo ng Fairy Tail, DVD ng kada season nila... oh my gosh. Gusto ko nang tumira dito!
At jackpot ako kasi may nakita akong poster ni Zeref na solo! Meron pang magkasama sila ni Mavis! At tsaka si Zeref, Natsu, Igneel at Acnologia sa iisang poster! Sh*t! Kinuha ko agad yun kasi baka masunggaban ng iba.
"Sabi ko na nga ba't magugustuhan mo rito. Pumili ka lang jan ng kahit ano. My treat." Sabi sakin ni Salazar.
I didn't mind what he said. I just focused on what I am seeing. Lumipat naman ako doon sa One Piece collectibles. As in! Monkey D. Luffy... Portgas D. Ace... Gold D. Roger... Monkey D. Dragon... oh my...
Tapos pati doon sa Naruto! Si Neji, Hitachi, Sasuke, Madara, Pain, Kushina, Naruto, Kurama, Hinata... laglag panga lang talaga ako. Para lang akong batang ngayon lang nakakita ng laruan at candies!
Tiningnan ko rin yung sa Charlotte, Rokka no Yusha, Gate, Ano Hana, Kuroko! Oh my gosh lang talaga! Lahat ng crush ko nandito!
"Andito ang destiny ko..." Sabi ko.
"Andito nga ako di ba?" Sabat naman ni Salazar.
"Tumahimik ka. Hindi ikaw ang kausap ko o ang tinutukoy ko."
"Ha? E sino?"
Nilapitan ko ang isang stuff toy na kamukhang kamukha nya. Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Si Zeref 'to! Tapos, may Hibari Kyoya na stuff toy din!
"Tara na nga! Nabubulag ka na yata. Andito ako pero sa iba ka pa nagkakagusto. Sa hindi pa talaga nag-e-exist!" Sabi ni Salazar at hinila na ako sa wrist ko.
"Noooo!"
"Bibilhin na lang natin yang mga posters na nakuha mo."
"Panira ka talaga, alam mo yun? Andun na e! Si Zeref at Kyoya yun e! Mahal ko sila!" Pagmamaktol ko pa.
"Mahal ka ba?" Sabi nya na may halong inis.
"E ano ngayon kung hindi? E ano ngayon kung hindi rin sila nag-e-exist? Mas maganda nga yun para hindi ako nasasaktan."
Inunahan ko na sya sa paglalakad. Ako na rin ang nagbayad ng mga posters. Ako lang rin naman kasi ang makikinabang sa mga 'to.
"Hindi mo rin naman magagawang sumaya kasi hindi ka nila kilala. Wala silang paki sayo kasi sa kanila, hindi ka rin nag-e-exist. E ako? Andito ako, buhay na buhay. Pilit kitang pinapasaya pero nire-reject mo lang." Habol pa nya habang palabas na kami.
"Sayo na mismo nanggaling. PI-LIT. Kailan ba naging masaya ang isang tao dahil lang sa pinilit nya ang sarili nya? Try mong piliting huwag akong lokohin at guluhin, baka mas matuwa pa ako."
"E di ako naman ang malulungkot kasi mawawala ka na naman sakin? At sinong tanga ang kusang lalayo sa taong mahal niya kung alam niyang parehas silang masasaktan?"
"At bakit naman ako masasaktan, aber?" I asked him.
"Mahal mo pa nga ako di ba? So kapag umalis ulit ako, baka pagsisihan mo ang pananaboy mo sakin. Sabagay, ikaw naman ang hahabol sakin. Okay din pala yun?"
"In your dreams." I said as I rolled my eyes on him.
____________
"So, saan mo gustong kumain?" He asked while we were in his car.
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...