Aki
"Masarap ba ang pagkain?" Singit ng isang lalake habang sarap na sarap ako sa pagkain.
"Obchus ba? Kita mo nang puno pa ang bibig ko e!" Sabi ko bago ko nilunok lahat ng nasa bibig ko.
"Hi! Ako nga pala si Andrei. What's your name?" Tanong nya at umupo na sya sa katapat kong upuan.
"Pasensya ka na pero di ko trip ngayon ang makipagkilala e." Walang gana kong sagot.
"Okay. Pero pwede bang makipag-usap sayo?"
"Nag-uusap na nga tayo di ba?"
"Sabi ko nga. Hehe!" Sabi nya sabay labas ng dimples nya.
Anong tingin nito? Maaakit ako sa dimples nyang pagkalalim lalim? E abnormal kaya ang may dimples! Sira ang bungo!
Tinuloy ko na lang ulit ang pagkain ko.
"Kaano-ano mo si ate Loren?" - Andrei
"Ate ko."
"Imposible!"
"Bakit? Masama na bang maging ate ko sya?"
"Hindi naman sa ganon. Kaya lang, di ka kasi namin kapatid kaya imposibleng mangyari yang sinasabi mong ate mo si ate." Nakangiti nyang sagot.
"Ate ko sya. Di nga lang sa dugo. Okay na ba yun sayo? Pero kung tutuusin nga, mas gusto ko syang maging totoong ate." Nakangiti kong sabi habang nakatingin kay ate Loren na kasama si Arnold.
"Wag!"
"Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Kapag naging kapatid ka namin, di na kita maliligawan!" Paliwanag nya.
"Pasensya na pero di na sya available e. Taken na sya." Biglang singit ni Bakulaw sa gilid namin.
Anong taken na daw ako? Kelan pa?
"Ayos lang. Wala namang forever kaya maghihiwalay din sila ng kung sinomang yun!" Confident na sabi ni Andrei.
"Fiancée na nya, actually. Wala pa lang singsing kasi baka kuyugin sya ng reporters kapag nalaman nila kung kanino sya engaged." Paliwanag pa ni Bakulaw.
Ang daming alam ng hinayupak na Bakulaw na to a? Ano to? Kwento ng buhay ko pero imbento? Hanep sa pagkaadik sa teleserye ang lalaking to!
"E sino bang FIANCÉE nya?" Inemphasize nya talaga yung Fiancée.
Hinawakan bigla ni Bakulaw ang kamay ko. Nagulat sya kaya binitawan nya agad tapos kinuha ulit.
"Ako."
"Ano?!" Andrei and I chorused.
Anong pinagsasabi nito?! Gago! Sa lahat ng inimbento nya, ito na ang PINAKA-IMPOSIBLENG MANGYARI!
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...