Chapter XXXVIII

1.9K 44 0
                                    

Aki

Buong klase akong lutang at kahit anong pagpupursigi ko sa pag-focus sa klase ay lagi na lang akong nabalik sa pagkatulala. Naaalala ko kasi lagi yung paghatid sakin ni Bakulaw. Lalo na yung paghalik nya sakin kanina.

"Dismissed. And don't forget to prepare for your finals. I will base your final grades on it. So study well. You may go." Paalam ng prof.

"Yes, sir..." Walang ganang sagot naman ng mga kaklase ko.

"Aki! Aki! Aki!" Tawag sakin ng isa kong kaklase. Di ko sya kilala kasi dito sa subject lang na ito ko sya kaklase.

"Bakit?"

"May relasyon ba kayo ni Rey? Nakita ko kasi kayo kanina na kiniss ka nya sa noo tapos hinatid ka pa nya. Kayo ba?" Pag-uusisa naman ng isa pa nyang kasama.

"Ha? O-oo..." Sagot ko.

Kailangan pa kasing ipaalam sa campus e. Baka kasi matunugan kami ni Rose.

"Kelan pa?" Singit naman ng isa pang babae.

"Ha? A-ano... N-nung isang linggo ata?? Kung di ako nagkakamali." Kakamot kamot sa ulo kong sabi.

"Kailan ka nya niligawan?" Mataray na tanong naman nung isa pang nakisingit.

"Pano ka nya niligawan?"

"Sweet ba sya sayo?"

"Inakit mo ba sya?"

"Ginayuma mo ba sya?"

"May napkin ka jan?"

Napatingin kaming lahat dun sa nagtanong tungkol sa napkin.

"Bakit? Meron ako ngayon e, kaya kailangan ko ng pamalit." Pagkikibit balikat nung nagtanong.

Napairap naman sila saka bumalik sa pagi-interrogate sakin.

"Ano?!" Di makapaghintay na sigaw nung maarteng babae at hinampas pa ang desk ko.

Nagulat naman ako sa ginawa nya kaya napakurap ako ng ilang beses at tahimik pa rin.

Bakulaw~ Kailangan na kita dito~ kinakanta ko yan sa isip ko.

"Sumagot ka! Napakadali naman ng mga tanong namin a! Siguro inakit mo lang sya? O kaya binlackmail. O kaya ginayuma mo nga? Sagot!" Pamimilit pa nya at mas lumapit pa ang mga mukha nila sakin at abang na abang sa sasabihin ko.

"Leave her alone. If you want an answer, ask me." Sabi ng isang lalake sa likuran nila. Pero base sa boses nya, sa tingin ko, sya si Bakulaw.

Napaharap naman silang lahat sa likuran nila at mga nanigas sila. Sinilip ko naman sya patagilid at tama nga ang hinala ko.

"R-rey..." Nangingig na sambit nung babaeng nanghampas sa desk ko.

Tiklop pala kayo kay Bakulaw e. Tsk. Di lang ako makaimik kasi bukod sa nagulat ako sa biglaan nilang pag-approach sakin, tulala pa rin nga ako at ayaw pang mag-function ng utak ko ng maayos kanina pa kaya di ko sila masagot agad.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon