Chapter XXXV

1.8K 42 0
                                    

Aki

"Kasi Aki... I like you." Sabi ni Arnold.

E? Alam ko naman yun.

"Alam ko na yun. Like mo ko kasi friends tayo. Naiintindihan kita." Sabi ko at may pagtango pa.

"Ha? Hindi mo ko naiintindihan, Aki." Sabi nya at may pag-iling pa. "I like you as a girl. As a lady. I like who you are. I like the way you're being yourself. I like your personality. I like the whole 'you'." He explained.

Ako naman, natulala lang sa litanya nya.

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Hey... Are you okay?"

Nagulat ako sa ginawa nya kaya binawi ko yung kamay ko at yumuko sa hiya.

Di ko alam ang gagawin ko sa ganito e...

"Sorry." - Arnold

Napaharap naman ako sa kanya.

"O-okay lang! Wag kang mag-sorry!" Sabi ko at winagayway ko pa ang dalawa kong kamay sa unahan ko.

I sighed.

"Arnold... Sabi mo, 'like' mo lang ako. Mawawala rin yan. Baka nga yang 'like' na yan ay dahil gusto mo lang din ako maging best--"

"Hindi nga e. Magseselos ba ako kung hindi?" Bumuntong hininga sya. "Hindi mo naman kailangan akong sagutin. Alam kong ako palang yata ang naglakas loob umamin ng feelings ko sayo. Pero please... Please lang. Wag mo akong iiwasan pagkatapos nito. Okay lang kung wala na tayong tutorial. Patapos na rin naman ang 3rd year kaya pwedeng tigilan na natin ang tutorial."

"Wala naman akong balak iwasan ka. Ganon ba dapat ang ginagawa pagkatapos ng ganito?"

"H-hindi naman. Naninigurado lang."

"Wag kang mag-alala. Di ko gagawin yun. Magkaibigan pa rin naman tayo di ba?" Paninigurado ko.

"Oo naman! Syempre." Sabi nya at ngumiti.

Pagkatapos non, hinatid na nya ako pauwi.

Hindi ko naman sya kailangang iwasan. Ni hindi ko nga alam ang gagawin ko. Iisipin ko na lang na wala syang sinabi at hindi kami kumain sa restaurant.

__________________

Rey

Pagkauwi ko sa bahay, tinunton ko kaagad ang office ni mama sa bahay. Kakausapin ko kasi sya tungkol sa sinabi nung babaeng plastik na yun.

"Manang, anjan na ba si mama?"

"Wala pa po, young master."

"Di pa sya nauwi mula sa office nya sa Manila?"

"Nakauwi na po sya galing office pero may pinuntahan pa po sya. Dun po sa best friend nya noong college."

Haist!! Pumunta na sya kina Rose! Baka nga pinaplano na nila! So, totoo nga ang sinasabi ni Rose. Damn! I didn't thought na kaya akong ipagkasundo ni mama! Hello! Modern na po ngayon!

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon