Chapter XLIX

1.8K 35 0
                                    


Rey's POV

After nung reunion namin with Hannah, nagpahatid na lang sya sa hotel na pag-aari nila. While me, pumunta muna ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Aki date.

"Good evening, sir. Any reservation?"

"Wala."

"Okay. May aantayin po ba kayong kasama for us to prepare a table for two?"

"No need. I'm alone."

"Okay, sir. This way."

Hinatid ako nung receptionist sa isang table. Nilapitan din ako ng isang waiter to ask my order. I just ordered a bottle of wine.

Habang umiinom ako, pinagmamasdan ko ang lugar kung san ko sya unang nakita. Hindi naman kasi sa school ang una naming pagkikita.

Napansin kong may babaeng naka-shades ang pumasok.

Gabing-gabi naka-shades? Lakas din ng trip ng babaeng 'to a? Baka naman yung shades lang ang nagpapaganda sa kanya kaya ganon?

Hinatid sya nung receptionist sa second floor nung restaurant. At nung tumagilid ang view ko dun sa kaniya, I felt my heart beats fast. I placed my hand on my chest.

Who's that? Hindi naman sya si Aki para makaramdam ako non? Don't tell me, nakahanap na agad ng kapalit ang puso ko?

I immediately get my bill from the waiter and pay. Then I started the engine of my car and went home.

Pwedeng sinasabi ng puso ko na yung babaeng yun na lang ang gustuhin ko para matapos na ang paghihirap nya. O kaya, wala na talaga akong nararamdaman para kay Aki. Pero ayoko! Si Aki lang talaga ang para sakin.

Aki's POV

"Charc, pupunta lang ako sa restaurant na pinagtrabahuhan ko date ha? I'm not asking for your permission. Pinapaalam ko lang." I told Charc on the phone.

["Anong pakialam ko kung nasan ka? Busy ako. Wag ka ngang tawag ng tawag para lang sabihin ang mga gagawin mo. Di ka rin naman papapigil."]

"Alam mo palang ganon ako? At tsaka tinatawagan talaga kita para bulabugin ka sa trabaho mo. You told me before that too much work is not healthy. You need to take a rest and eat. Uwian na po kaya."

["I know that! Pero paano naman ako makakatapos on time kung lagi mo na lang akong binubwisit sa mga tawag mo?!"]

"Ito naman! Dapat nga matuwa ka kasi naalala pa kitang tawagan!"

["Bakit hindi na lang si tita ang tawagan mo?!"]

"Busy sya e."

["Bakit ako, hindi?!"]

"Kalma lang, best friend. Andito na ko sa restaurant. Ibababa ko na 'to. Pampalipas oras lang ang tawag ko sayo habang nagmamaneho."

["Don't you know na bawal gumamit ng phone while driving?!"]

"I know. Gusto ko lang lumabag ng rules. Bye!" Then I ended the call.

Sarap talagang asarin ni best friend. Haha! Pikon kasi sya. Tapos, yung binigay ko sa kanyang number ni Kelly, hindi pa rin nya magawang i-text o tawagan. Hayy nako... Habamuyhay na atang torpe 'tong si Charc.

I put my shades on and went inside the restaurant I miss for almost a year. Pero syempre, mas na-miss ko yung mga taong nakatrabaho ko dito.

"Welcome, ma'am. Any reservation?"

"Pupuntahan ko lang sana si ate Loren. Sya pa rin ba ang manager dito?"

"Yes, ma'am. May appointment po ba kayo sa kaniya?"

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon