Aki
Bakit nandito ang bakulaw na to? Binantayan ba nya ako magdamag?
Sinundot ko yung ulo nya para gisingin.
"Huy! Huy!" Panggigising ko pa.
Kinuha naman nya ang kamay kong pinandudutdot ko sa ulo nya.
Hala?? May sapi??
Inagaw ko na ulit yung kamay ko. Kaya lang, mahigpit ang hawak nya.
Bwisit!! Baka magising yan ng tuluyan at isipin nito na ako pa ang humawak sa kamay nya!!
Bigla naman syang nagising dahil sa likot ko.
"Bakit mo ko ginising? May kailangan ka ba?" Tanong nya habang kinukusot pa ang mga mata.
"Yung kamay ko." Diretso kong sagot.
"Anong meron sa kamay mo?" Tanong nya at tiningnan ang kamay kong hawak nya.
O_O - sya
Napabitaw naman sya agad sa gulat.
"Pasensya na... Di ko alam..."
"Wow??? Kelan ka pa natutong humingi ng pasensya?? Congrats a?" Pang-aasar ko.
"Magaling ka na ata e?! Nang-aasar ka na e!"
Hinawakan nya ako sa noo ko.
"May sinat ka pa." - sya
"Ayos na ako. Makaka-alis ka na. Salamat sa pagpapakain sakin at pagbabantay."
"Nagpapasalamat ka ba talaga o nananaboy?"
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Both." - ako
Teka?? Bakit iba na ang damit ko??
"I-ikaw ba a-ang??"
"Wag kang mag-alala. Hindi ako ang naglinis at nagpalit ng damit sayo. Nagpunta dito si Rache kagabi. Tinulungan nya ako."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya.
Binatukan naman nya ako.
"Aray ah!! May sakit pa nga ako, sabi mo!" Reklamo ko.
"Wag kang mag-isip na pagnanasahan kita. Walang kaakit-akit sayo no!"
"May sinabi ba akong ganon?! Nagtanong lang naman ako a?!"
Bumuntong hininga na lang sya habng umiiling.
"Anong gusto mong kainin? Ipapadeliver ko." - sya
"Himala ng langit at ang bait mo sakin? Sobrang concerned ka naman ata sa kalagayan ko? Mamamatay na ba ako?" Tanong ko at sa ikalawang pagkakataon, binatukan na naman nya ako!
"Hoy! Kahapon, kota ka na sakin sa pasasalamat, ngayon, kota ka na sakin ng batok!" - ako
Ngumiti lang sya tapos tumayo na at naglakad palabas ng kwarto ko.
Hala?? Anong nginingiti ngiti nung bakulaw na yun?! May sapi nga talaga sya!!
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...