Aki's POV
"Aalis ulit ako. Matagal pa bago ako magkakaroon ng oras ng pagpapakasaya. Hindi mo na naman ako makikita o makakasama. Kaya sana, makahanap ka na ng iba." Payo ko kay Arnold.
"Ganon ba ko kahirap mahalin?"
"Hindi sa ganon, Arnold... Ayaw lang kitang--"
"Masaktan? Pero sinasaktan mo na ko ngayon pa lang." Pagputol nya sa sinasabi ko.
"Kung nasasaktan ka na, sumuko ka na. Hindi mo kailangang lalo pang saktan ang sarili mo. Matuto kang mahalin ang sarili mo. Mahal kita bilang kaibigan ko kaya sana mahalin mo rin ang sarili mo."
"Sobrang mahal ko nga ang sarili ko kaya wala na akong ibang maisip na mahalin kundi ikaw. Gusto ng puso ko ay ikaw. At dahil mahal ko nga nang sobra sobra ang sarili ko, susundin ko sya."
"Arnold, hindi ganyan ang tamang pagmamahal sa sarili. Pagtaya yang ginagawa mo! Paano kung hindi ko naman masuklian yang nararamdaman mo sakin? Mas masasaktan ka lang sa huli! Kaya mas maganda kung ngayon pa lang masaktan ka na. Kesa yung mahalin mo ko ng sobra tapos umasa ka lang sa wala." Medyo nawawalan na ako ng pasensya.
Ang hirap kasi nyang kumbinsihin. Ayoko lang naman syang masaktan at umasa sa wala. Mahalaga rin kasi sya para sakin. Hindi nga lang kasing halaga ko sa kanya.
"Hindi pa ba kita mahal ng sobra sa pag-aantay ko sayo? Sa pagmamahal ko sayo kahit mahigit isang taon kang hindi nagpakita o nagparamdam sakin? Sa pagmamahal ko sayo kahit wala kang nararamdaman sakin?... Aki, ayoko nang masaktan... Pero kahit anong pilit kong ipasok sa utak ko na hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko sayo, andito pa rin ako, nagpapakatanga."
Halata na rin sa kanya ang frustration pero pinipigilan nya. Hindi ko lang alam kung sakin ba sya naiinis o sa nararamdaman nya para sakin. Kasi ako, both. Naiinis ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko si Arnold. At naiinis ako dahil hindi nya magawang hwag akong mahalin.
"Aki, ito na ang chance na hinihingi ko. Hindi na ako aasa na tinuruan ka nga ng pinsan ko kung paano ang gagawin kapag may nanligaw sayo. Dahil alam kong pinahulog nya lang ang damdamin mo sa kanya. Wala akong pake kung anong gawin o ipagawa mo sakin. Kahit anong sabihin mo tatanggapin ko. Hindi kita susukuan." Sabi pa nya.
"Arnold, aalis nga ako. At matagal pa bago ako makabalik."
"At kasama mo pa ang pinsan ko." Dagdag pa nya.
"Kliyente ko sya so I don't have a choice."
"Sasama ako."
"No, you won't."
"Bakit? Para hayaan ko na naman na agawin ka nya sakin?"
"Hindi ako sayo, Arnold." Natigilan sya sa sinabi ko. Pero mas maganda nang matauhan sya ngayon. "At hindi nya ako aagawin kahit kanino dahil bukas na bukas na ang isip ko."
"Oo, sinabi kong susundin at tatanggapin ko lahat ng sasabihin mo. Pero pagdating kay Rey, hindi ko matatanggap yan."
"Don't act as if you are my boyfriend, Arnold! Ano pa bang gusto mong sabihin o gawin ko para tigilan mo na ang pag-torture jan sa sarili mo?! Para tumigil ka nang umasa sakin!"
"What's happening here?" Biglang dating ni Salazar.
Nakatalikod ako sa kanya at si Arnold lang ang nakakakita sa kanya.
"It's none of your business." I said--trying to calm myself.
"Yes it is." Biglang sabi ni Arnold.
"Ano?" Tanong ko.
Lumakad si Arnold palapit kay Salazar at tumapat sa kanya. Humarap din sya sakin gaya ni Salazar at pinanood lang namin sya.
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...