Aki
Nakarating kami sa isang malaking bahay. Bahay daw nina Arnold. Dumiretso kami sa sala ng bahay nila at umupo don.
Ang ganda ng bahay nila! Ano pa nga bang aasahan mo sa bahay ng isa sa mga tagapagmana ng isang sikat na kompanya.
Biglang may bumaba sa hagdan na babaeng version ni Arnold. Para ngang si Arnold lang na nag-wig! Ang ganda talaga nya! Matangos ang ilong. Maputi. Matangkad. Sexy. Mahabang buhok. Nang-aakit na mga mata. Sya na talaga!
At dahil kapatid nga sya ni Arnold, di na nagulat ang mga lalaking to sa kagandahan nya. Sanay na e. For sure, gabi-gabi, may magagandang babae silang kasama.
"Hi! Sya na ba yung sinasabi nyo sakin? She's prettier without a make-up." She said smiling.
Kahit alam kong joke lang yung sinabi nya, parang kapani-paniwala kapag sya ang nagsabi.
"Hindi naman. Ikaw na ba yung magme-make-up sakin? Pasensya ka na sa abala ah?" I said apologetically.
"No. Its okay. I volunteered to do this because I want to meet you."
"Talaga? Bakit naman?"
"Because my brother keeps talking about you. And I got curious to know you." She answered.
Ako? Laging kinukwento ni Arnold? Siguro dahil sa pang-aaway ko kay bakulaw? Never mind.
"Tara na sa taas?" She said at hinila nya ako papasok sa isang kwarto sa taas.
Girly na girly naman ang room na to! Ano nga bang aasahan mo? Babae sya at mayaman kaya ganyan ang kwarto nyan. But someone caught my attention.
"It's you!" I said pointing at the girl I bumped on the comfort room before.
"Yes! It's me! Nice to see you again! Remember my name?" She asked happily.
"Rachelle Salazar, right?" I asked and a realization sunk in my mind.
Kapatid daw ni bakulaw ang kasama dito ng kapatid ni Arnold? At Salazar din ang apelyido nya? That make sense.
"By the way, I'm Arlene Salazar Ramirez. Nice to meet you??"
"Akira. Akira Fuentes." I said and we shook our hands.
"So, magkwento ka naman samin kung anong meron sa inyo ni kuya kaya lagi ka nyang kinukwento." Arlene said while smiling.
"I'm sorry girls, but I can't tell you the details but one thing's for sure. That we are making someone angry."
"Why are you making someone angry? I thought you will make someone happy because of what kuya told about you!" Arlene said while pouting.
"Kasi ganito yan, ang sabi nila sakin, galitin ko daw ang isang tao para masabi nya ang mga hinanakit nya sa mundo nang sa ganon, magawan nila ng paraan na mapagaan yung loob nung taong yon. Ako lang yung instrument nila para galitin yung taong yon." I explained.
"Pero kahit na! I thought mabait ka kaya gusto kitang makilala!" She shouted.
Parang bata naman to? Ang hirap naman mag-explain ng ganito! Parehas pala sila ni James na parang bata kaya bagay sila.
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...