Aki
"Ayos ka lang ba? Samahan ka na namin ni Rache sa clinic." Nag-aalalang tanong ni Arlene.
Hanggang ngayon kasi, masama pa rin ang pakiramdam ko at namumutla daw.
"Kaya ko pa. Wag kayong mag-alala. Konting tulog lang to mamaya, gagaling din ako. Buti nga at walang pasok bukas."
"Pero, Aki, kailangan, ngayon pa lang, maagapan na natin yang sakit mo." - Rache
"Ayaw ko kasing uminom ng gamot. Pakiramdam ko, lalong lalala ang sakit ko. Ayaw ko rin sa clinic o sa hospital kasi ayaw ko ng purong puti." Paliwanag ko.
"Kung di mo talaga kaya, Aki, wag ka ng umattend sa tutorial natin mamaya. Wala namang pasok bukas kaya pwedeng mag-self study na lang ako." - Arnold.
"Oo nga. Tapos ipagpapa-alam ka na lang namin kay Rey." - James
"Asan na nga ba si Rey?" - Z
"Baka nag-iisip isip." - Ced
"Sige. Hahanapin ko na si Rey para maipag-paalam kita. Kayo naman, Arlene at Rache, ihatid nyo na sya sa boarding house nya. James at Ced, samahan nyo sina Arlene para may aalalay kay Aki. Z, ipagpaalam mo na si Aki sa mga susunod na subjects nya." - Arnold
Wow? Ganito ba ka-big deal na may sakit ako? Parang may misyon lang silang gagawin e??
"Guys. Wag kayong OA. May sakit lang ako."
Tumayo na ako dahil baka alalayan pa nila ako. Kaya ko pa naman e.
"Sige. Papayag akong umabsent sa mga susunod kong subjects. Pero kayo, maiwan na lang kayo dito. Kaya ko pa naman mag-commute mag-isa. At ayaw kong umabsent kayo dahil lang sakin." - ako
"Wag nyo na syang pigilan. Pumasok na kayo sa klase nyo. Malapit ng mag-time." Biglang singit ni bakulaw.
"Kuya!! Pababayaan mo lang na ganyan si Aki?!" - Rache
"Ako ang maghahatid sa kanya." - Bakulaw
"Sasama ako." - Arnold
"Tara, guys. Hayaan na natin sila. Kaya na nila yan." - Ced
Umalis naman sina Ced. Ang naiwan na lang dito ay kami nina Arnold at Bakulaw.
"Ikaw na magmaneho. Ako ang aalalay kay Aki." - Arnold at hinawakan ako sa balikat ko.
"Tss." Mabilis namang tumalikod si Bakulaw at lumakad.
"Problema nun?" - ako
Nagkibit balikat lang naman si Arnold.
Ano ba yan?! Naiilang ako sa tayo namin. Ayoko kasi ng may napakalapit na contact sa lalake.
"Arnold. Kaya ko naman maglakad ng ayos e."
"Para sure na hindi ka matumba."
Sasabihin ko bang naiilang ako? Kaya lang, concerned lang naman sya sakin kaya ganon.
"Lalo ka atang namutla? Gusto mo, buhatin na lang kita?"
"W-wag na. Baka lalo lang sumama ang pakiramdam ko kapag di ako nakatapak sa lupa."
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...