Chapter XII

2.4K 54 0
                                    

Rey

Asan na kaya yung babaeng yon? Wala na sya sa bahay kanina nang magising ako. Lagot talaga sya sakin kapag iniwan nya ako dito mag-isa!

"Where are you?!" I texted her.

"On the way na us."

"Sino kasama mo? Bilisan nyo kasi nilalapitan na ako ng mga matatandang babae dito!"

"Excuse me... May date ka ba, ijo? Kung wala, samahan mo na lang ako.." Sabi nung matanda.

"Sorry po pero meron na po akong date. Nasa banyo lang po sya ngayon."

"Ah.. Ganon ba? Okay. But if you have time, I'm just here."

Ano ba tong kagwapuhan ko?! Pati matanda di in-excempt!

Lumakad ako papunta sa may entrance ng venue. Don ko na lang iintayin ang babaeng yon. But a message came so I opened it.

"Sorry kuya! I forgot to tell you na si kuya Cedrick na pala ang date ko ngayon. You can get another date naman jan di ba?" From my great sister.

Nice one, sis! Nice timing ka! Maitext na nga lang ang tropa para matulungan nila ako.

"Guys, help me. Wala akong partner and I need to have one."

Nagreply naman sila kaya lang, puro bad news.

"Sorry, gf ko kasi ang date ko e." Reply ni Z.

"I can't afford to let my date be with other guys tonight. Sorry." Si James.

"Ayaw ka daw makadate ng kapatid mo kaya I have no choice. Sorry." Si Cedrick naman yan.

Ano?! Sya yung ka-date ng kapatid ko?! Nakakainis na babae yun o! Palibhasa, crush nya si Cedrick kaya ganon!

"If you want, sayo na lang ang date ko. Pwedeng di na ako umatend jan kasi di naman aatend ang parents ko." Text yan ni Arnold and my face lightened.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon