Chapter XIV

2.3K 61 0
                                    

Aki

May isang family reunion dito sa restau ngayon. Ang dami ngang tao. Parang pamilya ng isang barkada.

Kahit mayayaman sila, ang saya nila tignan. Di ganon ka-arte o ka-sosyal gaya ng ibang mayayaman.

Ang mga anak nila, barkada din. Lahat sila nag-e-enjoy. Ganon din siguro ako kasaya kung may mga kaibigan at barkada akong gaya nila... Pero mahirap makahanap ng totoong kaibigan.

Natapos ang shift ko at umuwi na ako. Napagod lang ako sa paglilinis ng mga kalat na naiwan nila. Ang kalat lang naman nila ay yung mga natapong wine at champagne sa sahig.

________________

Pumasok ako sa school. Nakita ko na naman na may pinahiya sya pero kahit anong gusto ko na ipagtanggol yung babae, nag-iwan ako ng mga salitang di na ulit sya aawayin kaya tinignan ko na lang sya ng masama mula sa malayo. Nakita nya naman ako pero umiwas ako ng tingin at naglakad na lang palayo.

Nag-lunch na at nagpunta ako sa food court. Nakita ko ang barkada nila malapit sa binilhan ko ng pagkain.

"Huy! Aki! Dito ka na!" Tawag sakin ni James.

Kasama nya sa table ang barkada nya plus sina Rache at Arlene.

I just shook my head and started to walk again.

"Aki! Samahan mo na kami dito!" Sigaw naman ni Rachelle.

Tinignan ko sya at nakita ko si bakulaw na parang tinatanong sa kapatid nya kung ano bang ginagawa nya.

I shook my head on the second time.

I know, I may look like a feeler for everyone here in the cafeteria because I'm refusing those guys. But I'm just avoiding myself to be hurt...

Pumunta ako sa serenity garden. Ang aking bagong tambayan. Ang aking peaceful place. Ang lugar kung san ako nakakapag-isip at nakakapag-i--

"Aki!"- Arlene

--sa... Lagi na lang.. Kapag sinasabi kong mag-isa ako dito, may darating...

"O, Arlene. Bakit andito kayo?"

Kasama nya kasi si Rachelle.

"Ayaw mo ba kaming kasama?" Nag-aalalang tanong ni Rachelle.

"Hindi naman. Iniiwasan ko lang makihalubilo sa maraming tao ngayon. Pasensya na kayo kung tinanggihan ko yung offer nyo sakin kanina." I said apologetically.

"Okay lang yun. Naiintindihan kita. Sinabi sakin ni kuya yung problema mo." - Arlene

"Yeah... And sorry kasi si kuya ang dahilan nyan." - Rachelle

"Wag kang humingi ng tawad sakin. Wala kang kasalanan sakin. At kung pwede lang, wag nyo sana akong kaawaan sa kalagayan ko noon at ngayon."

"You have a point. Kaya si kuya Rey dapat ang mag-sorry sayo at hindi ako o kahit na sino. Sasabihin ko sa kanyang mag-sorry sayo." Sabi ni Rachelle na parang naka-isip ng bright idea.

"Wag na. Di rin sya papayag at kung mapapayag nyo man sya, baka di naman bukal sa loob nya. Mas mahirap lang tanggapin yun. Isa pa, baka isipin nun na ginagamit ko kayo para mapagawa sa kanya yung mga bagay na gusto ko. But thanks kasi naiintindihan nyo ako."

"Aww..." They chorused and they both hugged me pero mabilis lang naman.

"You are really kind and true to everyone." - Arlene

"We really like you!!" - Rachelle

"Gusto ko rin naman kayong kaibigan... But maybe... Not this time.... I want to prove something to everyone... By my own. Baka isipin pa ng iba na ginamit ko pa kayo para lang dito sa gagawin ko."

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon