Chapter 39

1.9K 38 1
                                    

(Guys! Sorry kung natagalan ako sa pagu-UD. Naging busy lang talaga ako sa umpisa pa lang ng pasukan. Tapos yung cp ko pa, hiniram ng kuya ko kaya wala tuloy akong mapagtypan ng draft ko. Sira rin po ang computer namin at higit sa lahat, di naman kami mayaman para magkaroon ng wifi o kahit anong internet connection. Hirap ng dinanas ko 'no? Pero wala pa rin yun sa dinanas ni Aki date at sa dadanasin pa nya. Haha! Please! Subaybayan nyo pa rin po sana ito kung meron mang sumusuporta dito. Hehe!!

Medyo napapahaba na po ang aking dialogue kaya ako'y dadako na sa kwento. ^_^)

_____________________________________________________________________________________________________________________

Aki

"Anong gusto mong kainin? Steak? Bologna? O dinuguan?" Tanong ko kay Bakulaw.

"Pinaarte mo lang. Anong tingin mo sakin? Di alam ang street foods? Steak ka pa jan pero barbeque lang naman! Tapos bologna pero isaw naman! At dinuguan? Wala kang maisip na putaheng pangmayaman na may dugo ng baboy, no?"

"Para lang sosyal pakinggan. Malay ko ba kung nakain ka nyan o hindi? Ang alam ko kasi, madidirihin ang mayayaman sa street foods e. Madumi daw o mapait." Paliwanag ko.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon