Aki's POV
Binuksan ko na ang pinto at walang lingon-lingong umupo sa upuan malapit kay mama.
"Okay. Now that we're all here, you may tell us your purpose kung bakit nanghingi ka ng meeting with me... Mr??..." Sabi ni mama.
Okay, kung ganon, ganito pala ka-intense si mama kapag nasa meeting. Kailangan fierce, sabi nga ni Charc. Kailangan, looks and presence pa lang intimidating na. Okay.
"Salazar. Reymund Salazar from Kingdom Highs...." Sagot naman nung ka-meeting namin.
I don't know if I heard it right. Maybe namali lang ako.
I lightly shook my head. Still not looking sa ka-meeting namin.
"I want your company to produce a commercial about our company." Pagdudugsong nya.
"So, you want us to make an advertisement? Ang alam ko, kilala na ang company nyo worldwide. Bakit nyo pa ka kakailanganin ng commercial?"
Hindi ko na tanda ang boses ni Bakulaw kaya hindi ko sure kung sya nga 'tong ka-meeting namin. Hindi naman sa natatakot akong lumingon at tingnan kung sino 'tong kausap ni mama, pero biglang naubos ang lakas ng loob ko. Ultimo yung pinakatatago-tago kong kapal ng mukha, nawala.
"We want to have a brand new image for our company. And we chose your company to produce it because we know your very much influential around the world."
"Actually, matagal tagal na rin kaming hindi nakakagawa ng commercials. Nagpapadala na lang kami ng mga artists sa iba't ibang networks at sila na ang bahala sa gagawin nilang commercials."
"I'm willing to pay any amount."
"If you're really willing to pay any amount and you really want to have an advertisement for your company, then why don't you try asking different networks to do so?" I interrupted and got my will to look at our client.
He smiled at me when our eyes met. I did not show any emotion.
Kung ganon, sya pala talga 'to. Ang sabi ko noon, dudurugin ko sya sa muli naming pagkikita. Nag-uumapaw ang galit at poot ko sa kanya. Naalala ko na naman ang katangahan ko noon sa pagkahulog sa laro nya. Pero hindi ko dapat ipakita sa kaniya na affected pa rin ako hanggang ngayon.
He's still smiling at me and his stares are burning me. Titig na titig sya sa mukha ko at parang sinasaulo nya mula sa malayo.
I raised my brow. "Mr. Salazar. I'm asking you."
Mukha naman syang natauhan at umayos pa ng upo.
"W-we want this commercial to be made by your company. As what ms. Farah said, matagal na kayong hindi nagpo-produce ng commercial. If this will be your comeback to advertising, mai-intrigue ang mundo sa unang commercial na gagawin nyo. And this will also help our company to have a new look for our clients and customers." Salazar explained.
"Who told you na babalik kami sa paggawa ng commercials? Do you think na dahil lang sa offer mo babalik na kami sa pag-a-advertise?" I coldly asked.
"It's not what I'm thinking. Naisip ko lang na makakatulong din ang company nyo sa image ng Kingdom Highs."
"I'm sorry, mr. Salazar, but we are not taking this project. Hindi lang decoration at pabango ang company namin para pagandahin ang image ng company nyo." Giit ko.
"Interesting." Sabi bigla ni mama.
"Which one? The project?" I asked.
"No. Your competence." Sagot sakin ni mama. Napayuko naman ako at what she said.
BINABASA MO ANG
It's payback time!
Teen Fictionthis is about how you move-on in a relationship and stand again with dignity and pride; that you've changed for the better and withstand the hardships and trials of life and prove something to those who rejected and left you that they will regret th...