Chapter LIII

1.9K 46 0
                                    


Aki's POV

Hindi natapos ng grupo namin on time ang pictorial sa main building ng Kingdom Highs. Kaya itutuloy namin ang trabaho bukas. Ang dami kasi nilang amenities.

At pag natapos na kami dito, ang susunod na destination namin ay sa Singapore. Pero sa ngayon, may isang problema pa akong kinahaharap mula pa kaninang umaga. Mali pala, mula pa nung nalaman kong sya ang kliyente namin.

"Kuhanan mo na rin ang visitor's lounge namin. Pati na rin yung kada counter ng bangko namin." Dagdag nya sa mga pinapagawa nya sakin.

"Mr. Salazar, may bukas pa po. At tapos na po ang oras namin sa pag-stay namin dito sa hotel and bank nyo."

"Engr. Fajardo, alam nating pareho na hangga't may oras at pwede pa, tapusin na natin ang trabaho para mas mabilis."

"Kung ako lang naman ang gagawa ng lahat ng 'to, okay lang sakin kahit 24 hours pa akong nandito. Kaya lang, may grupo akong kasama. At kailangan din nila ng pahinga." I explained.

"Kung ganon, magpaiwan ka na lang dito at pauwiin mo na ang grupo mo."

"Okay lang sana sakin kung hindi ikaw ang makakasama ko." I whispered.

"What are you whispering there?"

"Nothing. And about your suggestion, I'll accept it. I'll stay here and continue our job. Pero kung pwede, isang staff nyo na lang ang mag-tour sakin. Sa kaniya na rin ako kukuha ng infos na ilalagay ko sa commercial."

"And why? Are you not at ease when I'm around?" Taas kilay nyang tanong.

"Kinda."

"Dahil ba affected ka pa rin sa past natin?"

"Don't think of it like that. At wala tayong 'past'. Hindi lang ako sanay na magtrabaho kasama ang mga kakilala ko noon."

"Is that it?" Paninigurado nya.

"Bakit? Ano ba sa tingin mo? Na affected pa rin ako sa mga nangyare satin noon?"

"Base sa sagot mo kanina sa tanong ko kung sa tingin mo, nagawa mo na ang misyon mo, masasabi kong affected ka pa rin sa nakaraan nating relationship."

"Wala tayong naging relationship, Mr. Salazar. Can we just go back to work? Mas nasasayang ang oras natin. Especially my time."

"At para hindi na masayang pa lalo ang time mo, ako na ang magtu-tour sayo. Kung may kailangan kang malaman, sakin mo na lang itanong."

"I guess I have no choice." I just shrugged my shoulder.

_______________

Pinauwi ko na ang grupo nina Jasper at naiwan ako para ipagpatuloy ang trabaho. Nagsabi pa nga sila na tutulong na rin daw sila kasi nakakahiya daw na ako pa ang gagawa ng trabaho nila. Pero sinabi ko na lang na kailangan din nilang magpahinga para sa pagpunta namin sa Singapore at para may time pa sila para magpaalam sa pamilya nila at makapaghanda. Pumayag rin naman sila in the end.

At ngayon nga, tapos ko na ang lahat ng kailangan naming trabahuhin dito.

"Aalis na ko, Mr. Salazar. At dahil natapos ko na ang pictorial sa lahat ng amenities nyo dito, bukas na agad tayo mag-book ng flight to Singapore." I said while packing my things.

"It's almost midnight. I'll drive you home." He offered.

"No need, Mr. Salazar. It's beyond our business contract. I can handle myself."

Sinakbit ko na sa balikat ko ang shoulder bag ko at nag-text kay Charc.

"Charc, kung hindi mo kasama mo si Kelly, pakisundo naman ako dito sa Kingdom Highs. Tawagan mo agad ako kapag masusundo mo ako ngayon mismo." Yan ang text ko.

It's payback time!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon