[Fourty]

3.6K 88 4
                                    

N I H A O

Chapter 40

Jess POV

"Gisingin mo na kasi si Jai para makakain na tayo at makabyahe ng maaga, para maaga din tayong makarating doon." Saad ko kay Prince na nakayakap lang sa may likuran ko habang nagluluto ako ng sopas para sa almusal namin.

"Mamaya na hindi ka pa naman tapos magluto eh." Mahinang sabi niya saka hinalikan ang leeg ko.

"Prince stop it." Pigil ko. Gosh, baka mamaya kung saan pa mapunta 'tong paglalambing niya.

"Why? I just miss you so much, maraming araw, buwan at taon ang nasayang." Pagpoprotesta niya.

"Magpakasal muna kaya tayo dito bago tayo umuwi. Kahit sa Huwes lang." marahan niyang tanong.

Tumigil ako sa paghahalo ng niluluto ko tsaka ko yun tinakpan at pinatay ang apoy. Saka ko siya hinarap. "Hindi ka na ba talaga makapag hintay? Sa Manila nalang, nandun lahat ang pamilya at mga kaibigan natin diba? Tsaka pagbalik natin doon, aayusin agad natin ang kasal." Malambing kong sagot tsaka siya niyakap.

He just kissed my hair. "Okay! Ikaw ang bahala. Basta ako, kahit saan at kailan basta ikaw lang ang papakasalan ko." saad niya na napangiti ako. Alam na alam niya talaga kung pano ako pakiligin at pasayahin. Kahit ano ang mga sinasabi niya at mga banat niya sa akin kahit corney, kikiligin pa din ako basta galing sa kanya. Bakit ganun?

Magkayakap lang kami ng mga ilang minute hanggang sa narinig naming may umiiyak sa kwarto. "Sabi ko naman kasi sa'yo puntahan mo na yun eh." Taranta ko tsaka dumiretso sa kwarto.

"Momma... Momma.." ayan umiiyak na ang anak ko. Hindi kasi siya sanay na sa paggising niya ay walang kasama, nasanay na siya na may kasama sa pagtulog hanggang sa paggising kaya ganyan siya.

"Ssssshhh... Momma's here na." saad ko tsaka siya niyakap. Tinignan ko lang ng masama si Prince na nakatayo sa may pintuan.

Nang okay na si Jai ay kumain na kami at nag-empake. Ngayon na kasi kami uuwi ng Manila. Maya-maya pa ay umandar na ang sasakyan. Nandito kami sa harap ni Prince habang si Jai ay nasa gitna ng backseat habang busing-busy sa paglalaro sa kanyang Apple Ipad 3 na regalo ni Prince sa kanya.

Napangiti nalang ako nang maalala ang mga nangyari ngayong nakaraang araw sa akin at sa anak ko. Buong buhay ko ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito. Akala ko kasi dati nang iwan ako ni Prince hindi na ako sasaya. Akala ko mabubuhay kami ni Jai na kami lang. Ganito pala ang pakiramdam, grabe, parang ayaw ko nang magbukas dahil baka paggising ko bukas ay hindi pala totoo ang lahat.

"Bakit ka ba nakangiti jan?" pasulyap-sulyap na tanong sa akin ni Prince habang nagda-drive pa rin.

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Na ang isang Prinsipe na tulad mo ay mahal ako. Na dati ang akala ko lang pinagdadasal ko lang na sana bumalik ka ulit sa akin. Hindi ko akalain na magiging ganito ulit tayo." Maluha-luhang saad ko.

He just giggled and..."Now, believe it. This real love. Not a fantasy, You, Me and our son. This is real, and this is our life." Saad din niya tsaka hinawakan ang isa kong kamay.

"Mag-drive ka na nga." Sabi ko nalang tsaka pinunasan ang mga luha kong tutulo na naman sana. Nagiging emosyonal na naman tuloyako.

Nakita ko lang naman siyang ngumiti.

Maya-maya pa ay nagulat ako nang sumigaw siya...

"JESS COVER JAI NOW." Malakas niyang saad tsaka ako napatingin sa harap. May nag overtake na truck sa lane namin. At ang option lang namin ay banggahin ang truck o turn sa bangin 'tong sasakyan namin.

God, katapusan na ba namin 'to? At isa pang Sh*t, pababa ang truck at mukhang wala pang preno dahil panay ang busino nito.

Agad-agad kong inalis ang seatbealt ko tsaka hinarangan si Jai. Pero bago pa kami bumangga ay hinarang din ni Prince ang katawan niya sa amin.

SH*T..NOOOOO...



-----------



Mye's NOTE: Ahem. Anong nangyari? Pasensya na waley. Salamat po sa mga sumusuporta ng aking kwento kahit napakaraming maling spelling at grammar. Hehe, pasensya na po, no time to edit na eh. Itutuloy ko pa po ba?





soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon