[Nine]

4.7K 120 2
                                    

N I H A O

Chapter 9

Jess POV

"I'm pretty sure na magsaswa rin ako sa'yo after a couple of dates more, so let's make the most out of it. lalo ka na." sabi nya na ikinakunot ng noo ko at ikinakulo ng dugo ko. Pilit kong ina-absorb ang mga sinabi nya pero kahit pagbalik-baliktarin mo man, 'yon pa din ang punto nya, hindi naman ako bobo para ipaulit sa kanya, tsaka kung pinaulit ko, lalong sasama ang loob ko.

Binaba ko lahat ng mga hawak kong mga paperbag sa harap nya at sinampal sya ng pakalakas-lakas. Kung hindi lang sana ganito ang suot ko, baka hindi lang yan ang aabutin nya, matitikman nya ang bago kong karate technique ng wala sa oras, pero pasalamat sya at nakaganito ako ngayon.

"Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi sa'yo na layuan mo na ako. I promise I'm going to kill you with my bare hands if you go near me!!" galit na galit kong sabi "Wag kang mag-alala, ibabalik ko sa'yo ang damit na 'to bukas na buksa din." Gusto kong isauli din 'tong suot ko pero, alangan namang uuwi akong hubut-hubad? Tsaka ako naglakad papalayo sa kanya.

Buti nalang dala ko pa din ang sling bag ko na nakasabit ka may balikat ko, may mapapamasahe pa ako pauwi.

Inalis ko ang heels na suot ko at naka-paa-paang naglalakad, wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa'kin. Hindi naman nila ako kilala ah, aakalahin lang nila na modelong kakatapos ang photoshoot. Hanggang sa pagsakay ng jeep, nakatingin sila lahat sa'kin, at hindi ako sanay sa mga ganyang bagay. Pero hindi ko lang sila pinansin.

Bakit ba hindi ko agad naalam ang pakay ng lalaking 'yon. Sinasabi ko na nga bang hindi dapat ako sumasama sa lalaking 'yon dahil walang maidudulot ang lalaking 'yon sa'kin. Sirang-sira ang gabi ko dahil sa lalaking 'yon.

Hanggang sa nakarating ako sa bahay...

"Ate nandyan ka na pa---" napanganga lang ang bunsong kapatid kong si Jairon nang pagkakita nya sa'kin.

"Nakapagluto na ba kayo?" tanong ko lang sa kanya at nilagpasan siyang nakanganga sa may labas ng bahay.

"Mano po Pa" nagmano ako kay papa na nakatitig lang din sa'kin. Nilapag ko ang maliit na bag ko sa sofa kasama ang isang pares na heels na hawak-hawak ko tsaka dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Tsaka ako bumalik sa kanila at umupo sa sofa.

"Nandoon ang TV oh" turo ko sa kabilang side, dahil nakatingin at nakanganga silang lahat sa'kin. Sinasabi ko na nga bang magtataka ang mga ito. Bukod sa mukhang mamahalin ang suot ko at ni minsan ay hindi pa ako nagsuot ng ganitong uri ng damit.

"Anong nangyari sa'yo anak?" tanong ni Papa.

"Ate, saan galing ang damit na 'yan ha?" tanong ni bunso Jairon.

"Ate, diba sabi mo masama ang magnakaw?" sunod naman tanong ng isa kong kapatid na si Jeric.

Binatukan ko lang sya "hindi ko 'to ninakaw noh!" sabi ko nalang.

"Aray naman Ate" reklamo lang nya.

Nagtawan lang ang iba kong kapatid. Apat kasi kaming magkakapatid. Ako lang ang babae at tatlo silang lalaki, ika-apat si papa.

"Saan nga ba galing ang mga 'yan anak?" tanong ni Papa.

"May nagpahiram lang po, isasauli ko din po bukas" sabi ko nalang

"Uuy, siguro bigay 'yan ng boyfriend mo Ate noh?" hirit pa ni Jairon.

Akmang kukutusan ko na naman sya nang biglang umawat si Papa.

"Tama na 'yan, tigilan nyo na ang Ate mo Jairon, kung ayaw mong pumasok ng nakasaklay bukas" sabi ni Papa na nagtawanan lang kami.

"Kumain ka na jan Jess, kumain na kami kanina eh. Mauna na akong magpahinga sa inyo" sabi ni papa..

"Kumain na po ako 'Pa. Akyat na rin ako sa kwarto ko" sabi ko nalang.

"Ganoon ba? O sya sige. Kayo rin matulog na maya-maya ha?" sabi ni Papa tsaka sya nagtungo sa kwarto nya.

Paakyat na ako nang muling humirit ang makulit kong kapatid.

"Aha! Sinasabi ko na nga ba, kumain na si Ate kasama ang boyfriend nya at nagdate pa sila sa ---" tinakpan naman ng pinakamatanda sa kanilang tatlo na si Jasper ang bibig nya tsaka kinikiliti naman nung isa.

"Sige na Ate, akyat ka na. kami na ang bahala dito" nakangising sabi ni Jeric.

Napailing-iling nalang ako habang nakangiting papunta sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko habang napapaisip. Pano kung magkikita kami ulit nung hambog na 'yon. Oo nga pala, magkikita pa kami bukas dahil dito sa isasauli kong damit.

---

(Meet Jess' brothers at the Multimedia.. Aren't they all adorable?)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon