[Twenty-seven]

3.6K 97 5
                                    

N I H A O

Chapter 27

Jess POV

"HONEYPIE HERE!" napatingin lang ako sa may pintuan.

And there he is smiling to his wife. Napatingin lang ako sa kasama niyang nasa likod. It's him. Its Prince.

Nagyakapan ang mag-asawa at naghalikan pa bago tumingin sa amin. Ngumiti at tumango sa akin si BJ kaya ginaya ko din ang ginawa niya. Lumapit naman si Prince kay Kate at binigyan ng beso. Nang tumingin siya sa akin, hindi alam kung anong gagawin o sasabihin. At sa huli "Hi!" yan lang ang saad niya, blanko ang makikita mo sa mga mata niya

At tanging "Hello" ang ang naisagot ko dahil feeling ko nalunok ko na ang aking dila.

Tumikhim lang si Kate. "Ah upo tayo." Saad niya. Dahil apat lang ang upuan na napili namin ni Kate dahil ang alam namin ay kaming dalawa lang. Tumabi naman agad si BJ sa kanyang asawa kaya, no choice si Prince na tumabi sa tabi ko.

"So Kailan ka pa dumating Prince?" tanong ni Kate at sumubo ulit sa spaghetti niya.

"Kahapon lang." sagot naman ni Kate.

"Kahapon? So how's US?" tanong naman ni BJ habang iniis-slice yung malaking Pizza sa harap namin.

Ganoon pa din ang expresyon sa mukha niya. "Good. There were a lots of hot chicks." Maikling saad niya tsaka uminom sa pineapple juice na nasa harap niya.

Napakunot ang noo ko sa narinig ko, naiinis ako pero, pero wala akong karapatan na mainis.

"So may girlfriend kang naiwan doon?" tanong naman si Kate, tsaka sumubo ulit.

"Nah. I don't go for serious commitments. Just casual relationships." Saad niya. Kahit papano ay gumaan ang kalooban ko sa sagot niya.

Nilagyan ni BJ ang plato ko and I just murmured 'thanks' to him. Pero habang kumakain kami walang imikan ang naganap. Nang matapos ay ang mag-asawa na naman ang mga parating nagtatanong kay Prince ng kung ano-ano. I'm very thankful to them dahil sa ginawa nila.

"Ahy Honeypie. May sasabihin nga pala ako sayo." Masayang saad ni Kate tsaka ngumiti sa akin, ngumiti lang din ako at tumango sa kanya. "Im pregnant." Nakangiting saad pa din niya.

Napatulala lang naman si BJ ng mga ilang Segundo sabay hablot ng kanyang juice saka nilaklak 'yon. "Seriuosly?" hindi makapaniwalang tanong niya. At tumango-tango naman si Kate. And there they is, kissing like there are no people here.

Napatingin nalang ako sa kabilang banda tsaka kukunin sana ang juice ko nang may kamay din na pumatong sa kamay ko kaya napatingin ako.

"Sorry." Sabay naming saad.

Awkward..

Maya-maya pa ay nagpaalam na ako na mauna na sa kanila. Sinabi kong magtataxi nalang ako. Pero nang paglabas ko ng A&B Shopping centre, tila ayaw ko pang umuwi. Kaya naglakad-lakad muna ako sa Nara Ave.

Hindi pa rin ako makapaniwa na nakita ko siya. Matagal kong hinintay ang pagbabalik niya pero hindi ko naman alam kung saan ako mag-uumpisa kapag nanjan siya. Malaki ang pinagbago niya. Gwapo pa rin siya pero parang lumaki ang katawan niya at may eye-glasses na siya. Nagbago din ang mga mata niya, kung dati ang kumikislap ito, ngayon ay ang lungkot-lungkot tignan.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad. Napangiti nalang ako nang may madaanan akong street food. Lumapit ako sa nagtitinda, I just close my eyes for a while remembering Prince' face way back then. Nagulat pa ako nang may dumaloy na mga luha sa pisngi ko kaya agad kong pinunasan ito. Nginitan ko lang ang tinder na tila nagtataka sa akin.

Umalis nalang ako doon at hindi bumili. Napagpasyahan ko nang umuwi bago pa ako humagulgol dito. sumakay ako sa taxi pabalik sa Gym.

---

(BJ and Kate at the right side..)

Gusto niyo ba ang POV ni Prince?

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon