N I H A O
Chapter 3
Jessie POV
"Booogsh" hindi ko namalayan na talo na pala ako. In one swift motion I literally went on the floor. This is the first time that they beat me.
"You're losing your focus Jess." Rinig kong sabi ng nanunuod sa'min. I know it's Mark. Sino pa ba?
"Sorry" sabi ko nalang.
"No need to say that. You're excused for today" sabi lang nya.
Hindi na ako tumanggi dahil alam kong hindi talaga ako makaconcentrate ngayon. Agad akong pumunta sa locker at nagpalit. At nagpaalam muna ako sa kanila bago umalis.
Pagkalabas ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maaga pa para umuwi sa bahay. Tapos na ang klase ko at hanggang alas syete sana ang taekwondo practice namin ngayon.
Umupo ako sa unang nadaanan kong bench.
Kasalanan talaga nang lalaking yun ang mga nangyayari sa'kin. Si Miss Nobody nagigiging popular dahil sa kanya, asar! nasa state of shock pa din ako hanggang ngayon. Kung mamalasin ka nga naman oh. Kaya pala ganun nalang makatingin ang mga estudyante sa'kin.
Ayaw man pumukit ng aking mga mata, kusa na 'tong pumikit at bumalik ang pag-uusap namin ng lalaking yon....
Flashback
"Ano ba bitawan mo nga ako!" pilit kong binabawi ang aking mga kamay sa pagkakahawak nya pero hinigpitan lang nya ito. At tuloy tuloy lang ang pagkakaladkad sa'kin.
Tila bingi ata 'tong lalaking 'to at hindi ako pinapakinggang ah.
"Sinabi nang bitawan mo ako eh" I used all my strength to let go of my hand. Pero hindi parin sapat yun.
"Isa, bibilang ako ng tatlo. Pag hindi mo binitawan ang—" hindi ko natapos ang mga sasabihin ko dahil tumigil sya sa paglalakad at humarap sa'kin habang hawak hawak pa din ang kamay ko.
"If you wont shut up, im going to kiss you to silence that mouth of yours." And take note nakatingin sya sa mga labi ko habang sinasabi yan.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. tumingin sya sa'kin while grinning. "yon lang pala ang makakapagtahimik sa'yo eh" sabi nya. nagkatitigan kami ng ilang segundo, kaya napatingin ako sa mga labi nyang sadyang perpekto at nakakaakit.
Nanlaki ang mga mata ko nung narealized ko kung anong sinabi nya. and again he grinned. At tumalikod na sya at nagsimula ulit maglakad habang hila hila pa din ako.
Wala akong magawa kung hindi magpatangay sa kanya. Napansin kong tumigil na pala kami sa paglalakad at nasa ilalim kami ngayon ng puno ng mangga. May mga duyan pa dito na ngayon ko lang napansin. Kasi in the first place, ito naman ang una kong pagpunta dito. May ganito din pala dito? I just wondered why no one stayed in this place when it was so beautiful and peaceful.
"Ano bang kailangan mo sa'kin?" tanong ko nung nahimasmasan na ako at salamat naman at binitawan na nya ang kamay ko.
He smirked, bakit ba ang gwapo ne'tong kumag na 'to kapag gumaganon sya? "Have you forgotten what you did to me?"
"Bakit ano bang ginawa ko?" matigas kong tanong
And he just laughed on what I said. "Wow, Lady, you're incredible. In case you forgotten, I'll remind you then. You just humiliated me in front of many people. That's just it. Nothing much really" sabi nya.
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...