[Sixteen]

4.1K 153 9
                                    

B O N J O U R

Chapter 16

Jess POV

I had been avoiding Prince for the past few days since that incident inside the cafeteria. Kung pwede lang na hindi ko siya makita pa kahit kailan. Pero naiinis pa din ako sa sarili ko dahil malapit na ang graduation day namin at hindi na talaga kami magkikita kahit kailan. At ngayon palang ay parang nalulungkot na ang puso ko kapag naiisip ang bagay na 'yon.

Ilang araw na din siyang nangungulit sa akin. Sending a flowers, chocolates, teddy bears and a lot of things that went directly inside the trashcan. Nagpalit din ako ng mobile number para hindi niya ako makontak. Hindi ko na papayagan ang sarili kong mapalapit uli sa kanya. Hindi ko din malaman sa sarili ko kung bakit ako galit na galit sa kanya kung gayong wala naman kaming relasyon. I just don't want to get close with him again.

Naging usap-usapan na din ako dito sa buong campus at hindi ko iyon gusto. Nagulo at naging maingay ang tahimik kong pamumuhay nang dahil kay Prince. Naging sikat ako at hindi ko yon gusto, mas gusto ko pang hindi napapansin kesa sa maraming nagpapansin para makipag-plastikan.

"Are you sure you won't give him a chance to explain himself?" marahas akong napatingin kay Kate sa tanong niya. Nandito kami ngayon sa field habang nagpapalipas ng oras.

"Don't say that again!" medyo galit kong tugon. Alam kong nag-aalala lang sa'kin ang bestfriend ko dahil sa kalagayan ko ngayon.

"Okay." Sabi lang niya.

"Hey, may isusuot ka na ba para sa graduation ball?" tanong niya ulit.

"Hindi ako pupunta." Agad kong sagot sa tanong niya.

"Ano ka ba naman? Hindi pinapalampas ang mga ganoong pagkakataon. Once in a life time lang mangyari iyon! Ako na ang bahala. Wag ka nang mag-alala." Sabi niya. Hindi na ako nagprotesta dahil may point siya. At sabi nga niya, once in a life time lang iyon at gusto ko ding maranasan ang ball na iyon.

At isa pa, siya ang maganda ang taste sa mga damit. Fashionista kasi 'yan, hindi tulad ko na walang pakialam kung ano ang isusuot ko.

Nang naglalakad na kami papunta sa faculty room ay may tumigil na lalaki sa harap namin kaya napatigil din sila sa paglalakad. It's him!

"Hi Jess!" bati niya sa akin. Si Kate naman papalit-palit ng tingin sa'min.

"Hello!" bati ko din. "Ah Blake si Kate pala, best friend ko. Kate, si Blake a new friend of mine." Pakilala ko sa kanilang isa't-isa.

"Hi Kate, I'm Blake" pakilala ni Blake sa sarili niya at nakipag-kamay kay Kate.

"San mo nakilala 'tong cutie na 'to. Ikaw Jess ah, pinagpalit mo na agad si Prince." Siniko ako ni Kate tsaka binulong 'yan.

"Tumigil ka nga." Inis kong bulong sa kanya.

"Hello Blake. Bago ka ba dito? ngayon lang kasi kita nakita dito." tanong ni Kate sa kanya habang hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ni Blake.

"Ah hindi, sa kabilang department kasi ako tsaka nagpunta lang ako dito para itanong kay Jess kung may date na siya sa graduation ball." Nahihiyang tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Diba hindi ka ga-graduate ngayon?" tanong ko agad. "Sorry, hindi ko sinasadya." Nang marealize ko kung anong nasabi ko sa kanya.

"It's okay! Kasama kasi ako sa banda na tutugtog sa ball kaya pupunta din ako." Sagot niya. Tumango-tango lang din ako. "So payag ka?" tanong ulit niya.

Luminga-linga ako sa paligid, hinahangad na baka dadating siya at sasalo o makiki-agaw para maging date ko. Pero nalungkot lang ako dahil wala akong makitang Prince sa tabi.

"Ah cge." Sa huli 'yan lang ang naisagot ko.

"Yes! Kita nalang tayo sa ball Jess. Gotta go!" sabi niya kaya tumango lang ako tsaka siya umalis.

"Ahy nauna ka pang nagkaroon ng date ah." Kinikilig na saad ni Kate habang sinisiko ako. "Ah teka! Mauna na ako, hahanapin ko lang si BJ, yayain kong maging date ko sa ball." Sabi niya sabay nauna nang maglakad.

Hay, basta kay BJ talaga!

---

(Pahingi naman po vote and comment, nakakawalang mag-update po kasi :(()

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon