A/N: Annyeong! Yung chapter 41 po pala ni-revise ko, I mean mali ata yung na-update ko dati? Hehe, sensya na. Ito na, finally may fourty-two na, sana magustuhan nyo. Baka hindi po ako maka-update next week dahil exam week po namin. Goodluck & god bless sa'kin!
H I
✿ ☮ ∞ ✿ ☮ ∞ ✿ ☮
Chapter 42
Jess POV
Dalawang lingo na ang nakalipas mula ng magsimula akong magturo dito sa BHS Academy. Okay naman ang mga estudyante ko, mukhang mababait naman sila at matatalino pa. Ang mga kasamahan kong mga guro naman ay mababait din kaya masasabi kong okay naman ako dito. Si Jai naman ay medyo naging busy sa pag-aaral niya, talagang bini-busy niya ang sarili niya dahil sa pangungulila sa Dada niya.
Ngayon ay Sabado naman kaya naisipan naming magpicnic sa Rose Park sa tabi ng Mall. Ako, si Jai, si Jairon at si Jasper lang ang kasama namin dahil si Papa, busy sa palayan niya dahil mag-aani ata sila ng mais at si Jeric naman ay may lakad daw sila ng bago niyang barkada. Kaya kami-kami lang ang nandito.
Nilapag ko na sa damuhan ang malaking kumot para pag-upuan namin. Habang hawak naman nina Jasper at Jairon ang mga dala naming pagkain at kung ano-ano pa. Pagkalatag ko naman sa kumot ay umupo na silang tatlo, umupo din ako.
"Haaaay!" mahabang buntong hininga ko.
"Ate, wala ka pa bang balita kay kuya Prince?" biglang tanong ni Jairon na napatingin kami sa kanya. "What? Masama bang magtanong?" tanong ulit niya dahil sa mga tingin namin.
"I really miss Dada, Momma." Malungkot na saad naman ni Jai saka humiga sa binti ko. Naalala ko tuloy si Prince, ganitong-ganito din siya kapag nagpipicnic kami dati, mahilig humiga at gawing unan ang mga binti ko.
"Maghintay lang tayo anak, wag mawalan ng pag-asa. Babalik din sa'tin ang Dada mo." sagot ko lang sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.
"Kaw kasi, tignan mo nga. Nalungkot tuloy ang bata." Rinig ko namang saad ni Jasper kay Jairon sabay siko sa kanya.
"Jai! Tara laro tayo. Sali tayo sa habulan nila oh." Saad ni Jairon saka tumayo na para pumunta sa mga naghahabulan na mga bata sa palaruan. Sumunod naman agad si Jai sa kanya.
"Wala pa rin bang balita Ate?" tanong naman ni Jasper nang nakaalis na ang dalawa.
Umiling lang naman ako saka yumuko para tignan ang phone ko kung may balita nga pero wala pa rin. Pero nagulat nalang ako ng bigla itong tumunog ang hawak kong cellphone. Si Kate ang tumatawag, dali-dali ko itong sinagot.
"Kate." Sagot ko.
"Jess! Kumusta ka na? si Jai? Kumusta na kayo jan?" diretso niyang tanong.
"Okay naman, ikaw? Si Steph, si BJ? Teka, kabuwanan mo na ah." Saad ko sa kanya.
"Ah oo, ayos lang kami, ito excited sa pagdating ng bagong anghel namin." Saad niya, napangiti nalang ako. Masaya ako para sa kanya, sa kanila.
"Ah Jess." Pauna niya ng hindi na ako umimik.
"Hmm?" maikling saad ko.
"Si Prince. Nagkamalay na daw." Pauna niya na biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Ku-kumusta na daw siya?" tanong ko.
"Okay naman daw. Pero Jess may isang problema." Saad niya na kinabahan ako ng tuluyan.
"Ah-ano yun?" pilit kong tanong.
"Hi-hindi siya nakakaalala. Sabi ni BJ ng bumisita siya doon ay parang bumalik ang utak niya sa college stage niya." Saad ni Kate.
Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Bakit? Babalik na naman ba kami sa umpisa? Pano si Jai? Anong gagawin ko?
"Ahm Jess, maybe next month he will coming back here sa Manila at balita ko ima-manage na niya ang company nila dito. Jess anong balak mo?" saad ni Kate.
"I-I don't know. Hindi ko alam Kate." Mahinang saad ko.
"Jess pumunta ka dito, magpakilala ka sa kanya, isama mo si Jai para mas medaling makaalala." Saad niya. Napaisip ako sa sinabi niya pero..
"Hindi ata magandang ideya 'yun Kate. Pano kapag hindi niya pa rin kami maalala, masasaktan lang si Jai. Ayos lang na ako lang ang masaktan basta wag lang ang anak ko, wag lang ang anak namin." Naiiyak kong saad.
"Okay, I get it. I get it. Pero anong balak mo Jess?" tanong ulit niya.
"Hi-hindi ko pa alam." Sagot ko nalang.
"Basta kung anong magiging pasya mo, susuportahan kita. Magiging maayos din ang lahat Jess. Maayos din!" saad niya.
"Salamat Kate. Salamat sa balita." Saad ko.
"Ano ka ba, wala 'yun. Teka Jess, may naisip akong ideya. Pano kung mag-apply ka sa companya nila dito sa Manila?" bigla niyang tanong.
"Kate wala sa business ang natapos natin." Sagot ko agad, pero napaisip ako sa suggest niya.
"Jess ano ka, may parte din ang asawa ko sa companyang papatakbuhin ni Prince. Si BJ na ang bahala doon." Sagot din niya.
Oo nga, tama siya.
"Sige pag-iisipan ko pa. Salamat." Saad ko ulit.
"Sige, balitaan mo nalang ako kung anong magiging desisyon mo." saad niya.
"Sige, pakumustahan mo nalang ako kay BJ at kay Steph." Saad ko.
"Sige, pakumustahan mo nalang din ako sa mga kapatid mo at kay Jai." Saad din niya.
"Sige. Salamat ulit. Bye!" saad ko saka binaba na.
Napatingin naman agad sa'kin si Jasper matapos kong binaba ang phone ko. Napansing niyang malungkot ang mukha ko kaya binigyan ako ng tubig. Kinuha ko naman ito saka inimon.
"Anong balita Ate?" tanong niya. Kwinento ko naman sa kanya ang lahat ng mga pinag-usapan namin ni Kate.
"Wag mo munang sabihin kay Jai ate, masasaktan lang yung bata. Ate maganda yung ideya ni ate Kate, magtrabaho ka sa companya nila, makakasama mo na si kuya Prince, susweldo ka pa ng malaki.." Saad naman ni Jasper.
"Pero nasa'yo naman ang huling desisyon Ate pero Ate isipin mo si Jai, kawawa naman yung bata kung lalaking walang ama." Saad niya.
"Sige." Payag ko din sa huli. Oo nga, tama sila.
to be continued...
-----
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...