B O N J O U R
Chapter 33
Jess POV
Isang lingo na ang nakalipas at nagkasundo kami ni Prince na magsimula ulit. I had never been happier like this. He's back to the same old Prince I had known before. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko ang mga pinag-gagawa niyang kalokohan. Araw-araw siyang nasa Gym at naggi-gym din. Minsan ay naabutan niya kami ni Blake na nagku-kwentuhan at nagtatawan. Bigla bigla nalang niya akong hahablutin papalayo kay Blake although nasabi ko naman na kay Prince na kaibigan ko lang si Blake ganun pa din. Seloso pala ang boyfriend ko.
Hindi ko pa din nasasabi kay Prince ang address kung saan kami lumipat. At hindi ko pa din nasasabi sa kanya ang tungkol kay Jai. Nasabi ko sa mga kapatid ko na nagbalikan kami ni Prince at tuwang-tuwa naman sila pati si Papa. Naalala ko pa ang mga sinabi nila...
Flashback...
"Ate pakasalan mo na si Kuya Prince bago pa matauhan." Biro ni Jeric at inambagan ko ito ng sapak.
"Seriously Ate. Kailan kayo magpapakasal?" hirit naman ni Jasper. Tulog na kasi si Jai nang napag-usapan namin 'yan.
"Anak, alam na ba niya ang tungkol sa anak niyo?" seryosong tanong ni Papa.
"Hindi ko pa po nasasabi." Mahinang saad ko. "Pero sasabihin ko din naman po" dagdag ko. tumango-tango lang naman si papa.
"Kapag nagpropose siya Ate tanggapin mo agad ah. Huwag mo na kaming alalahanin Ate, malalaki na kami eh. It's time for yourself to make you and Jai happy and we all know na si kuya Prince lang makakapag-pasaya sa inyo." Sabi ni Jairon. Kung makapagsalit talaga ang bunso namin oh. Siya ang bunso namin pero siya ang pinaka-mature mag-isip sa amin.
"Aaaaaah..." at sabay sabay naming sabi tsaka naggroup hug.
"hindi niyo naman ako pinagtatabuyan ano?" birong tanong ko.
"Slight lang." hirit ni Jeric at nabatukan ko ulit at nagtawanan kami.
I am the luckiest sister and daughter in the whole world.
End of Flashback...
Kasalukuyan akong nandito sa Gym Fitness ko ulit nang biglang tumunog ang cellphone ko. napangiti nalang ako nang mabasa kung sino ang tumatawag.
"Hello?" casual kong sagot.
"Hi there my beautiful girlfriend." I just giggled.
"Why did you call?" pilit ko pa din na itanong.
"Why? Don't you miss your handsome boyfriend?" lalo akong napatawa sa tanong niya dahil sa labis na kilig.
"Hmmm, yeah. A bit." Rinig ko ding tumawa siya sa kabilang linya.
"I'm coming over you babe." Saad niya.
"As usual." Tila sasabog ang puso ko sa labis na kaligayahan at kilig.
"Lagot ka sa akin kapag nakarating ako diyan. May parusa ka mula sa akin." Natawa lang ulit ako dahil sa sinabi niya. Tsaka niya binaba.
I just couldn't help not to smile. If I could make the time stand still, then I would. Ibabalik ko sana ang cellphone sa bag ko nang bigla ulit tumunog. Napakunot ang noo ko at nagtayuan ang mga balahibo ko kung sino ang tumatawag. 'Witch' sinave ko talaga ang number ang number na 'to and this is the same number who called me years ago. All hopes that I have right now sank once again.
---
(Sensya short update :(( Jess at the right side...)
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...