K O N I C H I W A
Chapter 11
Jess POV
"Aha!' at tilang may lumiwanag na ilaw sa isipan ko. At tila nakaramdam din ako nang gutom nang makita ko ang bagong lutong kikiam at kwek-kwek. Tama, nasa may daanan nga ako ng mga nagtitinda ng mga street foods.
Pumunta lang ako sa nagtitinda at kumuha ng stick at nagsimulang kumuha. Nang mapansin ko sa kaliwang bahagi ko na papunta dito sa kinaroroonan ko si Mr Yabang aka Prinsipe Prince.
"What are you doing?" tanong nya agad nang makarating sa tabi ko.
Tinapunan ko lang sya ng nakakamatay na tingin ko "Bulag ka na ba?" gusto ko nang matawa sa kanya dahil mukha syang naiirita na ewan...
"Are you really going to eat that? That's gross!" sabi lang nya, ang arte talaga ng prinsipeng 'to.
"Psh, malinis 'to noh. Tsaka ano bang pinoproblema mo? Hindi naman ikaw ang kakain ah, ako kaya!" sabi ko lang at naglagay ng matamis na medyo maanghang na sauce, at nagsimulang lantakan ang kwek-kwek.
"That's not safe to eat. You shouldn't ate that" eh gutom nga po ako eh.
Pagkatapos kong lunukin ang kinakain ko, tumusok ulit ako ng isa at sinawsaw 'yon sa sauce tsaka isusubo sa kanya "Oh, tikman mo."
Tinignan lang nya ako ng parang nandidiri "You want me to eat that?" prinsipe nga naman oh. Hindi pala sila kumakain ng mga ganito, pero sana man lang matikman nya.
"Wag ka nang maarte. Hindi ka naman mamatay agad pag kinain mo 'to eh. Hindi mo lang alam kung anong mawalala sa'yo pag hindi mo kinain ito" sabi ko tsaka pilit na sinubo sa kanya ang kwek-kwek.
Naisubo ko na sa kanya pero hindi pa rin nya ito nginunguya "Libre ko yan sa'yo kaya kainin mo na" sabi ko, at nagsimula na syang ngumuya, and take note, nakapikit pa sya habang ngumunguya na parang nandidiri pa rin ang nakapikit nyang mga mata.
I just found myself looking at him while chewing and I found it so adorable. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking diring-diri sa pagkain ng kwek-kwek. He was a true-blooded rich kid then. Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata nya kaya napaiwas ako nang tingin.
"So how is it? mamatay ka na ba?" asar ko.
"Well, honestly.... It's good." Eh di nagustuhan nya, parang nahihiya pa syang aminin dahil napakamot sya sa batok nya.
I just couldn't help but smile. He was like a little boy. He smile back and pinched my cheek. I instantly felt the electricity that came from his hand. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang mga oras na 'yon. There was that strange feelings once again. Tumikhim lang ako para mawala ang tension na bumabalot sa akin.
"This is the very first time you smiled at me." sabi nya habang ngumunguya ng pangalawang subo nya. Dinilaan pa nya ang gilid ng labi nya dahil sa kumalat na sauce doon.
Napalunok lang ako nang wala sa oras sa ginawa nya. at parang nanunuyo ang lalamunan ko. He was so sexy when he did that. Parang bigla ata akong nauhaw, at parang mauubos ko lahat ng buko juice ni manong nang wala sa oras.
"Hey, hindi ka na nagsalita dyan." Nagulat lang ako sa kanya at lalo akong nagulantang nang pahiran nya ng hinlalaki nya ang gilid ng labi ko.
"Ahm...Ano... Uuwi na ako." Sabi ko at nilapag ang bayad sa kinain namin na hindi ko na kinuha ang sukli. Halos tumakbo ako papunta sa sakayan ng jeepney. Lalamunin na ata ako dahil sa sobrang kahihiyan.
I just couldn't accept the fact that I was acted stupid a while ago. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Nailagay ko lang ang dalawang palad ko sa mukha ko dahil sa nararamdaman ko ngayon...
"You run very fast honey" my jaw totally dropped when I heard a voice beside me. I turned to my side and I saw Prince sitting beside me in the jeepney. Parang gusto kong bumaba nang wala sa oras para matakasan lang sya pero umaandar na ang jeep. Ano bang problem ang lalaking 'to at sinusundan ako?
"Anong ginagawa mo dito? Talaga bang hindi mo ako titigilan?" pabulong kong inis na tanong sa kanya.
"Whoa! Relax sweetheart." Sabi lang nya.
"Don't sweetheart me, you moron!" nanggigigil kong bulong sa kanya.
"Honey then." Sabi lang nya at kumindat pa.
"Bumaba ka na o ihuhulog kita?" hindi na ako nakapagpigil, sinigaw ko na kanya 'yan, na tila naagaw namin ang atensyon ng mga tao sa loob ng jeep.
Tumawa lang sya na ikinakunot noo ko at ikinapula ko dahil ano mang oras sasabog na ako sa inis at hindi ko alam baka totohanin ko ang paghulog sa kanya dito sa jeep, nandito pa naman kami sa dulo..
"This is a public vehicle Jess so you cannot make me go away, and honey. Look!" sabi nya at tumingin sa labas. Oo, alam kong umaandar, at gusto na kitang ihulog nang wala sa oras.
Minabuti ko nalang ang manahimikk dahil nakatitig na sa'min ang lahat ng mga kasakay sa jeep. Pumara na ako kahit medyo malayo pa sa'min. Halos lundagin ko ang pagbaba sa jeep para makababa na agad, nakasunod pa rin sya sa'kin.
Pa'no ako makakauwi sa'min ne'to kung sunod ito ng sunod? "Oh, Prince, yung sasakyan mo 'yon diba?" Halos kumaripas ako ng takbo habang palingon-lingon. Pero sa kamalasan, sumusunod pa din sya sa'kin. ikumpara mo nga naman ang mga binti nya sa binti ko?
Kaya nga ako bumaba kahit medyo malayo sa sa'min para iligaw sya, pero mukhang sadyang makulit ang lolo nyo. Malapit na ako sa bahay namin kaya kailangan ko nang makalayo sa kanya. Tumakbo na talaga ako nang napakabilis, pumasok ako sa isang kanto at nagtago sa isang gilid ng pader. Isang tindahan ito na malapit sa bahay namin. Napangiti ako nang makitang nalampasan ako ni Prince na hindi nakikita.
Napangiti ako ng wala sa oras. 'Ha-ha-ha' nagtagumpay ang plano ko. pero hindi pa ako maaaring lumabas hangga't hindi pa ako nakakasigurado na wala na sya. Pinahid ko ang pawisang noon ang marinig ko ang boses ng kapatid ko na si Jairo.
"Anong ginagawa mo dyan Ate?" nakakunot na tanong nya. parang gusto ko syang hilain dito sa pinagtataguan ko pero medyo malayo sya at baka makita ako ni Prince.
"Wag kang maingay. Umuwi ka na!" medyo pabulong na medyo pasigaw kong sabi sa kanya.
"Bakit ka nga kasi nagtatago dyan Ate ha?" tanong ulit nya.
Kahit kailan talaga ang mga kapatid ko oh, ang kukulit. Nang napansin kong may anino na paparating sa'min napatingin ako at inaabangan ito. Alam kong sya 'yon. Nakangisi sya at sabing "akala mo hindi kita mahahanap noh?" tsaka nya ginulo-gulo ang buhok nya at nagwisik wisik ang pawis nya.
Nanghaba ang nguso ko sa pagkayamot at papadyak-padyak na umalis sa pinagkakataguan ko. "Tigilan mo na'to at umuwi ka na sa inyo.! Tara na Jairon." halos kaladkarin ko ang kapatid ko pauwi sa bahay.
"yon ba yung boyfriend mo Ate?" pabulong na tanong naman ng kapatid ko.
"Hindi ko sya boyfriend!" inis kong sagot.
Nakarating kami sa gate ng bahay at halos ipagtulakan kong makapasok ang kapatid ko sa loob "Pumasok ka na." sabi ko .
Susunod din sana si Prince pero tinulak ko lang sya at pinagsarhan ng gate. Hanggang dibdib lang nya ang rehas ng gate namin kaya kita pa rin nya ako.
"Umuwi ka na sabi eh! Bakit ba ang kulit mo?" inis kong sabi sa kanya.
"Excuse me lang iho, makikiraan." Lalong lumaki ang problema ko nang marinig ko ang boses ni Papa sa labas. Problema nga naman oh.
"Good afternoon po Sir. Kayo po ba ang Papa ni Jess?" at talagang feeling close ang lolo niyo ah.
"Ako nga iho. Ano ba ang sadya mo sa anak ko? Sino ka ba?" mataray na tanong ni Papa. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh
---
(Jess at the Multimedia...)
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
Storie d'amoreBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...