[Five]

6.7K 163 3
                                    

K O N I C H I W A

A/N: sabi ko kasi sa'inyo eh, very very slow update 'to, haha. Kung may nagbabasa man jan, Hello sa'yo ^_^

---

Chapter 5

Jess POV

Nagulantang nalang ako sa tili ni Kate na halos mabasag ang eardrums ko. napatingin nalang ako sa mga ilan-ilan na mga tao na nakatingin sa kinaroroonan nya na papalapit dito sa pwesto ko. nasa cafeteria ako ngayon dahil lunch break namin at buti nalang nasa gilid ng labas ng cafeteria ako. Kung nasa loob lang sana, kaguluhan na kami dun.

Napabuntong hininga nalang ako at napapikit. Itong babaeng 'to talaga kahit kailan oh.

"Ano na ngayon ang gagawin mo, hah? 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!" sabi lang nya habang papaupo sa tapat ko.

Tinawagan ko kasi sya kahapon pagkatapos kong iwan si..si..ano ulit pangalan nung prinsipe? Oo nga pala,, Prince. Tama. At kwinento ko lahat ng nangyari at pati yung mga ginawa ko sa kanya.

Hayyyy,,problema nga naman oh..

"Hoy Jess, nakikinig ka ba, hah? Kanina pa ako daldal ng daldal dito ah, hindi ka man lang sumagot sa mga tanong ko" ayan dakdak na naman ng dakdak ang lola nyo. And take note, mukhang mas nagpapanic pa sya kaysa sa'kin, samantalang ako dapat ang mag-alala sa kalagayan ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hindi ko man lang maramdaman yon?

"Sigurado akong gagantihan ka nya dahil sa mga pinaggagawa mo sa kanya. Alam mo bang kalat na halos sa buong campus na most wanted ka kay Prince?" imbes na pagaanin nya ang kalooban ko, mukhang tinakot pa ako ng babaeng 'to. Psh.

Ayan na nga ang isa kong kinakainis, sa apat na taon ko dito sa paaralang ito. Ngayon lang ako napapansin ng mga estudyante dito. Mas okay naman na ako sa hindi nila ako pinapansin eh, sanay na kasi ako tsaka ayoko talaga ng pinapansin ako.

"Tigilan mo na nga 'yan! Hindi nya gagawin 'yang mga bagay na iniisip mo." Sabi ko lang at tinuloy ang pagkain ng lunch ko.

"Pa'no ka nakakasiguro, hah? At bakit parang hindi ka man lang ata nag-aalala sa pwedeng mangyari sa'yo?" kaibigan ko ba talaga 'to?

"Subukan lang nyang gawan ako ng masama, sisiguraduhin kong may kalalagyan sya sa'kin" matapang na sabi ko at nag smirk pa. haha.

At mukhang na-gets naman ni kate ang ibig kong sabihin na tila lumaki ang mga mata nya. "Jessie Mae Navarro!"

"Pwede ba, joke lang 'yon. Kumain ka na nga lang jan. 'wag kang mag-alala sa'kin, I can handle this, okay?" sabi ko nalang.

"Pero Jess—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil kinuha ko ang fried chicken nya at diretsong sinubo ko sa bunganga nya. Ang kulit kasi..

At napatingin nalang kami sa babaeng umupo sa table namin.

"Oh Janna, ikaw pala. Anong problema?" tanong ko agad. Kaklase din namin yan. Kaibigan din namin ni Kate pero matalik na kaibigan ni Kate yan. Dahil unang una, marami silang pagkakaparehas. Tulad ng may kinalaman sa fashion at kay BJ.

Bumuntong hininga pa sya na halata mong may problema tsaka nagsalita. "Hi Jess" yon lang pala sasabihin nya. hindi ko talaga alam kung pa'no ko naging kaibigan 'tong dalawang weird na 'to.

"Hello" maiksing sabi ko nalang at sinamahan ko ng pagkunot ng noo. Ewan ko ba 'tong mga taong 'to.

"Pwede makiinom?" hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na nya ang pineapple juice ko at dali daling tinungga. Napangiti nalang ako. Napatingin din ako kay Kate na lumalamon sa ngayon. Pero kahit ganyan 'yang dalawang 'yan. I treasured them, sila lang ang mga tunay kong kaibigan na laging nanjan kahit medyo may pagka-weird sila.

"Thank you" sabi nya sabay bagsak lapag sa ubos na pineapple juice ko.

"Ano ba 'yon Janna?" 'yan si Kate na ang nagtanong sa kanya.

"May nabalitaan ako tungkol kay BJ." Bulong nya. pero kahit bulong yan basta pangalan ni BJ, maririnig ni Kate 'yan.

"Ano yon?" tila lumiwanag na parang Christmas light pa ang mga mata ni Kate nung narinig ang pangalan ni BJ..

"Sabi ng source ko, may date daw si BJ mamayang hapon sa Ice cream parlor." Sabi ni Janna.

"WHAT?" napamulagat naman ang mga mata ni Kate. Habang ako gusto nang matawa sa mga itsura ng dalawang 'to dito.

Biglang uminom ng softdrinks naman itong si Kate at tumayo sabay hila si Janna. "Jess, we have to go. Emergency. Let's go Janna." Sabi nya at mabilis nang naglakad papalayo sa'kin.

Sanay na ako sa dalawang 'yan. Basta si BJ ang pinag-uusapan. Sinisira nila ang date o nandun naman sila kung lakad si BJ. Haay, ewan ko ba sa dalawang yun. Si BJ daw ang first love, one true love, love of their life at love for all time ng dalawang 'yon. Ewan ko ba kung hindi sila nag-aaway eh iisang lalaki ang gusto nila. ang sabi nila ay, 'may the best lady win' daw. Kaya ganun. Kung wala lang naman sa kanila ang magustuhan nya eh, sisirain nalang daw nila ang lovelife ne'tong si BJ. Kawawang BJ.

Tumayo na din ako at naglakad papunta sa CR dahil tinatawag na ako ng mother nature. Pagkatapos, pumunta na ako sa susunod na klase ko dahil pinaghahandaan namin ang finals. Na sana makapasa ako dahil 'yun lang ang pangarap ko ngayon. Ang makatapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho para matulungan ko ang mga kapatid ko.

Uwian na at salamat naman at hindi ko nakita ngayong araw na 'to si Prinsipe ng kayabangan. At mabuti naman kung ganon. Pumunta ako sa locker ko para iwan muna 'tong mga gamit ko at para makapagpalit ng uniform ko sa Karate. I'm a Brown belter na eh, at malapit na akong mag-black belt. At Ganado akong mag-praktis ngayon.

Pagkapasok ko sa gym pumwesto na ako dahil alam ko naman na ang gagawin. "Hi Rod" matipid kong bati sa partner ko ngayon. Ngumiti lang naman sya, matagal ko na syang partner. Sa lahat ng lalaking kilala ko, sya na ata ang pinakamahiyain sa lahat. The exact opposite of that—

"Hi" I took a deep breath. There went to my imagination again. Bakit narrinig ko ang boses nya?

"Miss me Jess?" marahas na napabaling ako sa kaliwa. It must my awesome imagination. Kanina boses lang, ngayon naman nakikita ko na rin sya. Pinagmasdan ko sya, tutal imagination ko lang naman ito eh. Awesome talaga 'tong imagination kong ito, akalain nyong naka-uniform pa sya ng pang-karate?

Lumapit sya sa'kin. ayos pala 'tong hallucination ko eh, kahit dito gwapo pa din sya. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at kung bakit ba hindi ako maka-react sa isang hallucination? Baka isipin ng ibang members na nakakakita sa'kin, nababaliw na ako.

I just stood still. Kaharap ko na si Prince ngayon. Tumingala ako para Makita ko nang bahagya ang buong mukha nya. napalunok ako ng wala sa oras.

"Judging the way you look at me, I can say that you miss me so badly, sweety." He flashed a lopsided smile. Pati pala ngiti nya ay kuhang kuha. He was so handsome that close. Lahat ng babae mahihimatay sa lapit at bango nya.

"Bakit napipi ka na ata ngayon?" tanong nya at unti-unting bumaba ang mga labi nya papunta sa'kin. was my hallucination going to kiss me?

"Close your mouth Honey, at baka pasukan ng langaw." Laking gulat ko nung nakahawak sya sa baba ko and he kissed me on the right check.

Napasinghap ako ng wala sa oras sa ginawa nya. Gosh! Totoo sya, hindi sya imagination at hallucination. Naisahan na naman ako ng lalaking 'to.

My body automatically moved to throw him, and then attacked hin in a neck lock technique. Napaubo na lang sya ngayon na nakahilata sa sahig na hindi makakilos sa ginawa ko, at pilit pa rin nyang hinihiwalay ang kamay ko sa leeg nya.

"Jess, you'll gonna kill me! Everybody, please help me!" pilit nyang sigaw pero parang walang nakarinig sa kanya. Hahaha, kawawa ka naman.

To be continued...

---

(Prince at the right side)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon