H E L L O
A/N: Hello sa mga nagbabasa, kung meon man :(( Nakakatamad kasing mag-update kung wala man lang nagvovote and comment jan. paramdaman naman jan?
Chapter 20
Jess POV
Kanina pa ako hindi mapalagay sa aking kinauupuan habang nagpa-practice kami para sa nalalapit na Graduation Day. Tapos na ang practice teaching namin at sa susunod na lingo na ang Graduation Day namin. Pero may malaki akong problema ngayon. Isinugod namin si Papa kagabi sa ospital. Hindi naman alam na may iniindang sakit sa puso pala si Papa, nalaman lang namin kagabi 'yon. At malala na pala.
Sa kagustuhan niyang makapag-aral kaming lahat ay ginawa niya lahat ang trabaho para makakita at mapag-aral kaming magkakapatid. Ni isang reklamo ni Papa ay wala kaming narinig mula kanya. Ngayon ay kailangan niyang maoperahan.
Naalala ko ang pag-uusap namin ng doctor kagabi...
"Iha, kailangan nang maoperahan ng Papa niyo bukas na bukas din. Kung hindi ay manganganib ang buhay niya." Sabi ng doctor at tinapik ang likod ko at marahan na naglakad papaalis.
Napatingin naman ako sa tatlo kong kapatid na nasa likod ko na labis ang pag-aalala at pangamba sa mukha nila. At hindi dapat ako maaaring panghinaan ng loob.
"Huwag kayong mag-alala. Gagawa ako ng paraan." Saad ko sa mga kapatid ko.
"Pero pa'no Ate?" tanong ni Jasper
Humarap ako sa kanila "Magtiwala lang kayo kay Ate. Walang mangyayaring masama kay Papa. Malalagpasan natin ito." Nagyakapan lang kaming magkakapatid.
Pagbitaw namin sa isa't-isa ay nakaramdam naman ako ng kaba at takot, pero ngumiti lang ako para hindi nila mahalata.
Six hundred thousand pesos ang kailangan sa operasyon ni Papa. Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaa? Wala akong mauutangang kamag-anak o kaibigan.
Binigyan kami ng break sa pagpa-practice. Nang biglang nag-ring ang cell phone ko. Dali ko itong kinuha sa bag ko. Napakunot-noo lang ako nang unregistered number iyon. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko o hindi.
Pero sa huli ay sinagot ko din. "Hello? Sino po sila?" nagtatakang tanong ko.
Ilang beses na akong napalunok dahil sa kaharap kong tao ngayon. Nanditi kami ngayon sa Italian Restaurant na isa sa pagmamamay-ari daw nila, dito din ako dinala ni Prince dati.
Kung isang prinsipe si Prince, halatang-halata mo na reyna ang nanay niya. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan at may kutob ako na hindi maganda ang pag-uusapan namin. Kung tignan kasi niya ako ay tila napakaliit kong nilalalang. Takot din ang mga empleyado sa kanya dito.
Mga ilang minute na kaming nakaupo dito pero wala pa rin nagsasalita saamin. Maya-maya pa ay...
"Hindi na ako magpaligot-ligoy pa Miss Navarro. Yes, I know you." Dagdag pa niya na tila nabasa ang aking iniisip. "I had you investigated. And based on what I have gathered, I don't like you for my son." Seryoso niyang saad habang nakatingin ng napakalamig sa akin habang sinasabi niya iyon.
Tila natakot ako sa sinabi niya pero pinilit magpakatatag. "Nagmamahalan po kami ng anak niyo Ma'am." Pormal at maganda kong saad sa kanya.
"Nagmamahalan?" nanununuyang ngumiti ito "Of course you love my son. I believe that. Who would not? He has everything a girl could ask for." Maanghang na saad niya.
"Kung gusto niyo pong hiwalayan ko siya, hindi ko po magagawa 'yon." Matatag kong wika
"I don't like you. You're almost a beggar. Marami pa akong pangarap para sa anak ko at hindi ang katulad mo ang sisira sa lahat ng iyon. I'm planning to send him to States to continue his study, but surelu he wont agree because of you. So I'm getting rid of you as early as possible." Sunod sunod niyang saad.
Gusto ko siyang buhusan ng tubig na nasa harapan namin dahil sa labis na pang-iinsulto niya sa akin. Para ba akong insect na gusto niyang tirisin ano mang oras dahil sa mga titig niya sa akin.
"Ayoko kong mawalan ng respeto sa inyo dahil kayo ang ina ng lalaking mahal ko pero wala po kayong karapatan na insultuhin ako." Matapang kong saad.
"I'm not insulting you. I'm just stating a fact." Saad niya sabay irap. May tinawag siya na lalaki at napatingin lang ako sa pinatong niya sa table namin ang isang case. Napakalakas ang kabog ng aking dibdib.
"That's six hundred thousand. 'Wag ka nang magmatigas pa dahil alam kong kailangan mo 'yan. Nasa ospital ang iyong ama, hindi ba? Kunin mo na ang perang 'yan bilang kapalit na layuan mo ang anak ko." Tila ba siguradong-sigurado siya na tatanggapin ko ang alok niya.
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko matatanggap ang pera niya at hindi nabibili ang pagkatao ko lalong-lalo na ang pagmamahal ko. Handa na akong sabihin ang mga iyan nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Answer it!" sabi niya na tila bang alam kung sino ang tumatawag.
Sinagot ko lang ang cellphone ko at umiiyak na Jasper ang unang boses na sumalubong sa akin. "Ate... Kailangan nang maoperahan ni Papa." Gumagaralgal na boses ni Jasper.
"Wag kang mag-alala, papunta na ako jan" pinatay ko agad ang cellphone at tinago sa bag ko. Napatingin ako sa case na nakapatong sa mesa. Nakita ko din ang nakangiting mga labi ni Mrs Aguilar.
"Inuulit ko, tanggapin mo na ang perang 'yan kapalit ng paglayo mo sa anak ko. Break up with him. Break his heart so he won't come after you. Umaasa akong tutupad ka sa usapan at hindi mo ako dadayain." Sabi niya na naka-ngiti. Evil witch!
Pikit mata kong kinuha ang case tsaka tumayo dahil anumang oras tutulo na ang aking mga luha. "Pinapangako ko po na babayaran ko rin ito baling araw." I said determinedly.
Umismid lang siya "No need to sugarcoat your words yung Miss." Saad niya.
Tulala lang akong naglalakad papalabas sa restaurant. Hindi ko din napansin na tumutulo na din apala ang aking mga luhang kanina pa gustong lumabas. Kahit anong pahid ko ay lalong dumadami. Pumara ako ng taxi at dumiretso sa ospital. Kailang ako ng mga kapatid ko, kailangan ako ni Papa.
---
(Jess' crying at the multimedia..)
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...