[Thirthy-nine]

3.8K 89 1
                                    



H E L L O

Chapter 39

Jess POV

Nagising nalang ako nang may maramdaman akong mabigat na nakadagan at nakapulupot sa bewang ko. Alam kong si Prince 'yon dahil hindi naman ganoon kabigat ang anak namin. Napamulat agad ang mga maya ko at hinanap agad ng mga mata ko si Jai sa buong kwarto at nandun nga sa may paanan namin, nakatayo at nakangiti habang hawak-hawak ang cellphone ko at parang kinukuhanan kami ng mga pictures.

"Ahy Good morning Momma." Nakangiting saad niya tsaka tinago ang hawak niyang cellphone ko sa likuran nya.

"What are you doin'?" tanong ko agad habang marahan na inaalis ang kamay ni Prince sa bewang ko. nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa ko iyon at hindi naman siya nagising sa ginawa kong 'yon.

"Hehe, remembrance lang Momma. You'll not gonna delete it right?" tanong niya na nakalagay pa din ang mga kamay niya sa likuran niya.

"No baby." Saad ko lang tsaka naman siya lumapit sa kinaroroonan ko saka binigay sa akin ang phone ko. Nilapag ko lang naman 'yon sa table.

Nagpakandong lang siya sa akin dahil nakaupo ako pa din ako dito sa kama.

"Are we not going to wake Dada up?" tanong niya, napatingin lang naman ako kay Prince na tulog pa din.

"Wag na, baka magalit. Tara, let's make some breakfast." Sabi ko kay Jai. Tumango lang naman ito.

Sakto namang nakahanda na ang almusal saka lumabas si Prince sa kwarto. Kumain na kami ng sabay sabay tsaka naligo dahil susulitin daw namin ang pag-iistay namin dito sa Baguio. Lumabas na kami ng resthouse tsaka nagtaxi nalang. Ayaw gamitin ni Prince ang sasakyan niya dahil baka traffic daw, tsaka mas magandang maglakad-lakad dito sa Baguio kasi malamig ang panahon.

Nagpunta muna kami sa Right Park para maghorse-back riding. Pagkatapos ay nagpunta kami sa The Mines View Park at The Mansion, wala lang picture-picture lang. Tapos nagtaxi ulit kami papunta sa Burnham Lake Park para sumakay ng boat. Enjoy na enjoy naman sila dahil sila ang nagsasagwan habang ako ay natatawa din sa mga pinagagawa nila dahil nakakabangga sila ng mga ibang boat. Nang napagod sila sa pagsagwan ay nai-stock na kami sa gitna kaya, to the rescue naman ang pinanghiraman namin ng Bangka dahil tapos na ang oras namin.

Kumain muna kami sa KFC tsaka nag-take out ng tag-iisa kaming Krushers saka dahan-dahan kaming naglakad sa Session Road papunta sa SM Baguio. Halos lahat ng mga nadadaanan naming tao ay nakatingin sa amin. Sa kanila palang dalawa. Magkahawak kamay kasi silang naglalakad habang naka-shades pa. baka akala ng mga tao ay artista sila. Hahaha.

Nang makarating kami sa SM ay umupo muna kami sa bench dahil napagod kaming naglakad. Maya-maya pa ay nag-elevator kami papunta sa pinaka-taas ng SM. Nagpunta lang kami sa gilid dahil madaming tao doon tsaka parang maganda ang view. At napaka-ganda nga, kita mo ang... hindi naman buong Baguio, pero kita mo ang mga pine trees, ang mga buildings, ang napakaluwang na field.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng tila tinatawag ako ng kalikasan. "Hmmm, CR muna ako." Paalam ko sa kanilang dalawa. Tumango naman silang dalawa kaya hinanap ko na agad ang Restroom. Natagalan pa ako sa paghahanap dahil hindi ko naman kabisado dito.

Nang pagbalik ko doon ay hindi mahagilap ng dalawa kong mata ang aking mag-ama. "San naman kaya sila nagpunta?" bulong ko sa sarili ko habang kinukuha ang cellphone ko sa bag.

"Hello? Asan na kayo?" tanong ko agad nang sagutin niya ang tawag ko.

"Restroom." Tipid naman na sagot ni Prince.

"Ah, okay. Andito pa din ako sa gilid ah." Saad ko lang.

"Hmmm." Sagot niya tsaka ito binaba. 'weird' sabi ng isip ko.

Lumapit ako sa may metal na fence tsaka ko sinandal ang dalawa kong kamay habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kapaligiran. Nang may biglang kumalabit sa akin tsaka inaabot sa akin ang isang pulang rosas.

"Ako?" takang tanong ko pa, tumango lang naman siya kaya kinuha ko nalang. "salamat" sabi ko nalang tsaka ngumiti. Maya-maya pa ay lumapit ulit tsaka nagbigay ulit ng isang pulang rosas at isa ulit. Panay 'salamat' lang ang mga sinasabi ko hanggang sa hindi ko na nabilang kung ilan ang nagbigay. Marami na ding mga taong nanunuod sa akin at tila kinukuhanan na din ako ng video ng mga iba.

Maya-maya pa ay si Jai ang paparating sa akin. Hawak ang tatlong putting rosas "MOMMMAAAA..." sigaw lang naman niya habang papalapit sa akin. Binigay niya sa akin 'yon tsaka siya tumingin sa likod niya na tila sinasabing 'ayun ang pasimuno Momma.' Kaya napatingin naman ako agad sa likuran niya.

At napakalaking puting teddybear lang ang nakita ko habang may paa sa likuran na siyang nagbubuhat. Sumilip ang mukha nang taong 'yon at hindi nga ako nagkamali, its him. My Prince. Lalong nagbulungan at dumami ang mga tao sa paligid pero wala akong paki.

Lumapit siya sa akin tsaka iyon binigay, nagulat lang ako sa sinunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harapan ko saka kinuha ang isang kamay ko.

"Alam kong naka-'OO' ka na sa proposal ko dati. Dahil wala akong dalang singsing dati, kaya uulitin ko ulit. Will you take me and stay with me forever? Will you marry me Jessie May Navarro?" tanong niya. Habang ako ay pulang-pula na dito at hindi ko alam ang gagawin dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya ito.

"At kahit alam mo na ang sagot ko, sasabihin ko pa din kahit paulit-ulit. Yes, I'll mary you my Prince Raven Aguilar and stay with you forever." Sagot ko nalang tsaka niya sinuot ang singsing sa daliri ko saka niya ako niyakap at hinalikan sa labi.

"Yeeeey.." .tumatalon habang pumapalak naman si Jai pati ang mga tao ay pumapalakpak din.

Makalipas ng mga ilang segundo panay 'Congratulations' at 'congrats sa inyo' ang mga nariring mo na hiyaw ng mga tao bago tuluyang umalis.

Naging palabas tuloy kami dito sa SM, kaya naisipan na din naming umuwi dahil maggagabi na. Nagpa-order nalang kami ng pagkain namin dahil tinatamad na akming magluto at isa pa ay wala naman talaga kaming lulutuin dito sa Resthouse.

---



soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon