[Seven]

5.7K 135 0
                                    

A N N Y E O N G

Chapter 7

Jess POV

Nandito ako ngayon sa library kasama ko si Kate. Naghahanda kami para sa final demo namin. It was almost a month before our graduation. Kaya kami nandito...

But my eyes can't help to secretly roamed around the hall. Na tila parang may hinihintay na makita.

"Hinihintay mo si Prince noh?" napalundag lang ako nang sundutin ako ni Kate sa tagiliran ko ng lapis nya sa sobrang gulat.

"What? No way!. Tigilan mo ako Katie—" hindi ko na tinapos ang pangalan nya dahil nilakihan na nya ako ng mga mata nyang nakakatakot.

"Kunwari ka pa eh. Miss mo na sya noh? Humahaba na yang leeg mo kakalingon doon eh." At tuloy tuloy pa din ang pagsundot nya sa tagiliran ko.

"Tumigil ka na Kate ah. Baka mapagalitan tayo! Pag hindi ka tumigil, gagamitan kita ng karate technique ko ng wala sa oras" pagbabanta ko. at tumigil naman agad.

"Oo na po, titigil na." sabi nya at zi-nip pa nya ang bibig kuno nya.

Naiinis ako sa mga sinabi nya dahil sapol ako. Parang namimiss ko nga sya. Bakit ba hinahanap ko ang kumag na 'yon? Asar!

Days passed...

Everything went well with our demo, especially me. I was confident that I am graduating in September. All the professors congratulated me. I couldn't contain the joy I felt.

Hindi na ako makapaghintay na ibalita kay Papa at mga kapatid ko. Apat na taon din ang paghihirap at pagsisikap ko makatapos lang ng pag-aaral. Ako lamang ang tanging inaasahan ng mga kapatid ko. May trabaho din naman si Papa at hindi naman kami kinakapos, pero mahirap pa rin kami maituturing.

Nagmadali na akong maglakad papalabas ng campus, dahil malayo-layo pa ang lalakarin ko papunta sa sakayan ng jeep.

Nagulat nalang ako dahil pagkalabas ko palang ng main gate ay may humarang nang puting van sa dadaanan ko. Bumukas ang pinto nya at magsisilabasan ang apat na naka-itim na mga tao. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin sila sa'kin, tatakbo na sana ako pero agad naman nilang nahawakan ang dalawang kamay ko at agad-agad na pilit na ipinasok sa loob.

"AAAAAH, TULONG. TULUNGAN NYO AKO!" sigaw ko pero sinara na nila ang pinto at umandar na. Pilit pa rin akong kumakawala sa kanila, pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nila sa'kin. Hindi ako makagawa ng technique skills ko dahil masikip dito at sadya ata nila akong iniipit.

Halos mangiyak-iyak na ako dahil sa takot, parang nalunok ko na din ang dila ko at nawalan ng boses. Akala ko hindi totoo ang mga nangingidnap, totoo pala! Pinagtatawanan ko lang kasi yung mga nababalitaan na nangunguha ng mga bata at kinukuha ang mga lamang-loob para ibenta.

Tapos na ba ang buhay ko? ang mga pangarap ko? hindi man lang ako nakapag paalam sa pamilya ko. Makikita nalang nila ang malamig na bangkay ko na may nakalagay na bente mil sa ibabaw ng katawan. Kapag nagkataon, nakakahiya, ano ba yan.

Teka lang, bakit ba puro nega ang mga pumapasok sa isip ko? hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan pa ako ng pamilya ko. Hindi ko pa nga nakukuha ang diploma ko eh. Tsaka hindi ko pa nakikita ang mayabang na si Prince sa nakaraang araw. Wait, bakit ko nasabi yan. Pati ba naman bingit ng kamatayan ko iniisip ko pa din sya?

Kailangan kong mag-isip ng paraan. Tama, bababa din kami mamaya. Pagdating nila sa hide-out nila tsaka ako kikilos. Hindi bale nang mamatay, basta namatay nang lumalaban. Apat sila at pang-lima ang driver, kayang-kaya ko 'yang mga 'yan.

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon