H A I
Chapter 6
Jess POV
My body automatically moved to throw him, and then attacked hin in a neck lock technique. Napaubo na lang sya ngayon na nakahilata sa sahig na hindi makakilos sa ginawa ko. at pilit pa rin nyang hinihiwalay kamay ko sa leeg nya.
"Jess, you'll gonna kill me! Someone, please help me!" pilit nyang sigaw pero parang walang nakarinig sa kanya. Hahaha, kawawa ka naman.
Tumatawa lang ang mga taong nanunuod sa'min ngayon. Sa tulong ng iba pang myembro ay nakawala na sya sa'kin. Talagang hirap sila sa paghatak sa'kin dahil sa pinaggagawa ko, pero tumatawa pa din sila.
"Jess, tama na. mapapatay mo na 'tong si Prince eh" sabi pa ni Marie.
"Kababae mong tao, grabe kang makapanakit, hah?!" sigaw nya sa'kin nung nakahiwalay kami. Habang ako gusto ko ulit atakin, at buti nalang hawak pa din ako sa braso ng dalawang myembro.
"Easy Jess. Walang laban sa'yo ang white belter" bulong pa ng nakahawak sa'kin. At lalong nangibabaw ang tawanan sa buong gym.
Napatigil ako nang marealize ko ang inakto ko. Tumayo ako ng tuwid at inayos ang sarili. This is not me. ugh!
"Everybody, go back to your positions" sabi ni Michael.
Agad naman na nagsibalikan ang mga myembro sa position nila. Hindi ako nakatiis kaya lumapit ako sa President ng club namin.
"Michael, excuse me, can I talk to you for a second?" hinigit ko sya papunta sa gilid para makapag-usap nang hindi naririnig ng ibang myembro. At halata sa pagmumukha nya ang pagtataka.
"What's the matter Jess?" agad nyang tanong. Bahagya akong nag-aalangan sa pagtatanong pero kailangan kong malaman.
"Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?" diretso kong tanong.
"S-sino?" nginuso ko lang si Prince.
"Ah, sya ba? He wants to join the club, so I let him." Sagot lang nya.
"Why did you let him..." I stopped. Wala akong karapatan para magtanong ng walang kwenta. "Sorry, I get it. I'm going back to my place now" sabi ko nalang at bumalik sa pwesto ko.
Yung kaninang ganado akong mag-practice, ngayon ay nawala dahil sa lalaking 'yan. Pero tatapusin ko pa din ang practice. Ilang ulit ding nagtatama ang mga paningin namin pero umiiwas ako agad, pero lagi lang syang ngumingiti. What's with him?
Lumiliit ang mundo ko dahil sa lalaking 'yan. Umiiksi rin ang pasensya ko dahil sa kanya. I was not type who used my skills to hurt other people. Sya ang unang nakatikim sa skill ko maliban sa practice namin. It was only with this man that I lost my control. I really need to confront him.
Pagkadismis na pagkadismiss sa'min ni president. Dumaan talaga ako sa pwesto nya para sabihin na "Let's talk later" casual kong sabi at napatingin naman sya sa'kin, pero binawi ko agad at lumabas na para makapagpalit ng damit.
We had been sitting on a bench for a while but nobody dared to speak. I could feel him stares at me. I sat on one side of the bench while he sat on the other side.
"Hey, I thought you want us to talk?" he said casually.
Pairap ko syang tinignan at "Bakit mo ba talaga ginagawa 'to hah?" medyo may inis kong sabi.
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...