[Eighteen]

4.5K 109 5
                                    

H A I

Chapter 18

Jess POV

Nandito kami ngayon sa Mazda 6 na itim na sasakyan niya, papunta sa resort ng pamilya nila. At sumusunod naman ang bagong mag-jowang Kate at BJ sa sasakyan ni BJ. Pagkatapos kasi ng Graduation ball namin nung isang gabi, nagyaya si Prince na mag outing. Sakto naman na gustong mag swimming etong si BJ kaya naisip naman ni Kate na mag-double date daw kuno kami. Um-oo nalang ako.

"Hey are you sleepy? Matulog ka muna jan, maybe in 30 minutes we'll be there." Saad ng katabi nang makita niya akong maghikab.

"Hindi naman ako inaantok, ang boring lang dito sa sasakyan mo. Wala ka man lang radio O cd na ipi-play jan?" tanong ko lang.

"Gusto ko kasi sanang magkwento ka." Nahihiyang saad niya.

"Ano namang iku-kwento ko aber?" lokong tanong ko.

"Kahit ano. Yung mga iba mong hilig maliban sa Taekwondo at Karate. Mga paborito at mga ayaw mo." saad niya.

"Hmmm, inaantok na ako. Cge gudnyt! Gisingin mo nalang ako kapag nandun na tayo." Sabi ko tsaka pumikit.

Hindi naman sa ayokong sagutin ang mga tanong niya. Pero parang ganun na nga. Mas maganda naman kasi kung siya mismo ang makatuklas ng mga bagay na gusto niyang malaman kapag magkasama kami diba? Tsaka isa pa, hindi ko alam ang isasagot ko sa iba niyang tanong.

Prince POV

Napangiti nalang ako nang tuluyang pumikit ang mga mata niya na nasulyapan ko habang nagda-drive ako. This girl amazed me everytime she did something. Kahit anong gawin niya napapabilib niya ako, at talagang sumasaya ang puso ko kapag nakikita at nakakasama ko siya.

Sa totoo lang, hindi ko akalaing mahuhulog ako sa kanya. I tried to deny my feelings, I tried not to talked nor see her. But hell, I can't, hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Kaya ang Prinsipe niyo ay pasulyap-sulyap lang dati. Damn! This is what they called True Love.

Nang nakarating na kami, winagayway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya. At talagang tulog nga siya. Maya-maya pa ay nag-park din si BJ sa tabi ng sasakyan ko. Actually, lumabas na sila at nauna na sa Resthouse. Habang kami nandito pa din.

Ang sabi pa ni Kate kanina bago tuluyang tumakbo..."Gisingin mo na 'yan ng halik para magising dahil baka bukas na magising 'yan kapag hihintayin mong gumising!" ngiti-ngiting saad ni Kate tsaka tumakbo papunta kay BJ.

Kinalabit ko muna siya baka magising pero parang walang nangyari sa ginawa ko.

"Baby Jess! Baby Jess, we're here!" malambing kong saad.

"Kapag hindi ka pa gumising jan hahalikan kita." Banta ko. Pero walang nangyari. Para na akong tanga dito habang kinakausap ang tulog. Kaya naman tinotoo ko na ang sinabi ni Kate. Hinalikan ko na ang babaeng katabi kong tulog.

"Hmmm.." ungol lang niya batayan na gising na siya kaya napatigil na ako sa paghalik sa labi niyang malambot.

"We're here Baby Jess." Nakangiting bati ko nang nagtinginan kami.

"What did you do?" nakakunot niyang tanong.

"Ginising ka ng halik ko." Lokong sagot ko. "Kanina pa po kaya kita ginigising. Sina Kate at BJ nasa loob na." dagdag ko pa. "Let's go!" saad ko tsaka bumaba.

Nakabusangot lang siya habang naglalakad kami patungo sa Resthouse.

"Bakit nakabusangot ka ata? Nabitin ka ba sa halik ng Prinsipe?" lokong tanong ni Kate nang makarating kami sa tutuluyan namin

"You-u!" gulat at inis na saad ni Jess kay Kate. "Kakalbuhin kita ng wala sa oras." Dagdag pa niya na mukhang natakot si Kate at humigit sa braso ni BJ.

"Bebe B oh!" sumbong niya sa boyfriend niya.

Nagdala lang kami ng konting mga damit dahil uuwi din kami bukas ng hapon dahil may final class pa kami sa Lunes.

"Tama na 'yan. Tara swimming na tayo." Yaya ni BJ at tumayo na. tumayo din si Kate at sumunod sa kanya.

Lumabas na sila at mukhang ready na sila. Habang naiwan lang kami dito ni Jess.

"Hey! Let's go?" tanong ko.

"hmmm. Ikaw nalang. Ayokong mag-swimming." Sabi niya tsaka umupo sa sofa.

"Why? Allergic ka sa tubig?" lokong tanong ko.

"Haha!" sarcastic niyang saad "Hindi ako pwede, tsaka tinatamad ako." Sabi niya.

"Anong hindi pwede? Tara na kasi, ngayon ngayon lang 'to oh." Pilit ko.

"Ayoko nga!" sabi lang niya.

"Bakit ba ayaw mo?" tanong ko ulit.

"Hindi nga pwede eh." Sabi niya lang ulit.

"Bakit hindi nga pwede, di dapat hindi na tayo sumama dito kung hindi ka rin magsu-swimming." Saad ko. Kanina ko pa kasi siya pinipilit eh.

Tumingin lang siya sa akin na parang galit "Sabi ko naman sa'yong ikaw nalang diba? Tsaka hindi naman ako pumunta dito para mag-swimming eh, gusto ko lang makasama ka. Tsaka hindi ako pwede dahil may monthly period ako!" Sabi niya tsaka dumiretso sa kwarto.

Ayan, nagalit na. Note to myself: 'Huwag pilitin ang taong ayaw sa isang bagay.'

Agad ko naman siyang sinundan sa kwarto.

"Hey, I'm sorry." Mahinang saad ko. Nakaharap lang siya sa bag niya na parang may hinahanap.

"Baby Jess." Lambing ko habang lumalapit sa kinaroroonan niya habang busy pa din siya sa kung anong hinahanap niya.

"Baby Jess..." lambing ko ulit habang nakatayo sa likod niya.

"It's okay. Sorry din kung nasungitan kita." Mahinang saad niya tsaka bumuntong hininga sabay pabagsak na umupo sa kama.

"Are you okay?" tanong ko.

"Kasi ano.. Nakalimutan kong magdala ng napkin. Can you buy me some?" nahihiyang tanong niya. Wala akong nagawa kung hindi bumili. Nakakahiya man pero para sa babaeng mahal ko gagawin ko.

---

(Prince at the right side..)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon