A N N Y E O N G
Chapter 37
Jess POV
Napakasaya nga naman talaga kapag wala kang inaalala oh. Wala nang makakatalo pa sa kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.
Nakaupo lang ako dito sa bench habang pinapanuod ang mag-ama kong naglalaro sa tubig na lumalabas sa gitna netong plaza. Pagkatapos kasi namin sa Snow World kanina ay naging ice na din kami sa lamig, kaya sa paglabas namin, nagpa-araw muna kami dito pero nang nakita ang mag-ama ang fountain na 'yon ay nagtatakbuhan na sila sa gitna non.
"Waaaah.. Momma.." napangiti lang ako habang tumatakbong papunta dito sa pwesto ko si Jai habang basing-basa na.
"Dahan-dahan baka madapa ka. Ahy, basang-basa na ang baby ko." saad ko tsaka kinuha ang maliit na towel mula sa bag ko dahil 'yon lang ang tanging dala ko. May spare clothes naman kaming nakatago sa likod ng kotse ko, pero kotse ni Prince ang gamit namin ngayon diba?
"Si Dada kasi eeeeh.." saad lang niya na tila masayang nagsusumbong sa akin.
"Hmmm, pasimuno talaga 'yang Dada mo, oh basa ka din?" tanong ko nang nasa harap ko na din pala siya.
Ngumiti lang siya tsaka nag-apiran sila ni Jai.
"Tara uwi na tayo bago pa kayo magkasakit na dalawa." Saad ko.
"Aaaahy,,, Momma I want more. It's fun!" nakabusangot na saad ni Jai.
"Pero basa na kayo oh, wala din kayong mga damit na dala." Saad ko, nakabusangot pa din si Jai kaya bunuhat siya ni Prince.
"Let's go there and buy some clothes." Saad ni Prince tsaka nginuso ang A&B Shopping Centre. Wala na akong nagawa nang maglakad na siya habang buhat-buhat pa din si Jai.
Pumasok kami sa department store sila, panay ang tingin nila kay Prince hindi dahil basa siya, kung hindi may buhat siyang bata na kamukha niya. Kilala siya siguro dito kaya nagtataka sila.
Pinaupo lang nila akong dalawa sa Waiting area sa fitting room ng mga lalake. Sila na daw ang bahala. Maya-.maya pa ay lumabas na silang pareho na parehas ang damit. Napangiti nalang ako sa nakita ko.
"Don't tell me pati brief magkaparehas pa kayo?" biro kong tanong.
"Paano mo nalaman Momma? Nanilip ka ano?" nakakunot noo na tanong ni Jai. Ano daw? Tumawa lang naman si Prince.
"Hindi ah. Wild guess lang." sabi ko nalang. Kung makapagbintang 'tong anak ko parang hindi ako ang nanay ano?
"Tara na nga. Saan na tayo pupunta niyan?" tanong ko.
"Miss kukunin kukunin din namin ito. Tsaka...asdfghjkl..." bulong ni Prince sa saleslady at tumango naman ito habang tinitignan ako taas-baba "Dadanan nalang namin mamaya ah." Dagdag pa niya habang papalayo na kami.
"Dada where are we going na? I don't to go home yet ah." Saad ni Jai habang hawak ang magkabila naming kamay ni Prince.
"We're going to Happyland!" masayang saad naman ni Prince. Ayun, dumiretso nga kami doon. Nagpapalit ng napakaraming tokens tsaka pumasok na sa loob.
Umupo lang ulit ako sa bakanteng upuan malapit sa videoke, wala kasing kumakanta kaya medyo konti ang tao, ang mga tambay lang ang nandito. Nakaka-OP pala kapag sila ang magkasama, pero Masaya ako para sa kanila, Masaya ako na kinikilala nila nag isa't-isa.
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...