[Nineteen]

4.2K 105 3
                                    

A N N Y E O N G

Chapter 19

Jess POV

Ilang araw na ang nakalipas mula nang umuwi kami galing sa resort ng pamilya nila Prince. Ngayon ay nandito kami sa library ni Kate. Hinihintay namin ang decision ng mga prof namin kung saan kami magpa-practice teaching bago tuluyang makuha ang diploma namin.

Nagbabasa lang ako ng komic book habang si Kate ay kanina pa ngiti-ngiti dito sa tabi ko na parang baliw. Maya-maya pa..

"Jess, una na ako ah." Paalam niya habang tumatayo sa kinauupuan niya.

"Teka, hindi mo ba hihintayin kung saan ka?" tanong ko.

"Titext ko nalang si Prof Miramda mamaya. Geh!" paalam niya kaya wala na akong nagawa kung hindi tumango. Hay, if I know, may date lang na naman sila ni BJ.

Nawalan na ako ng gana sa pagbabasa kaya lumabas nalang ako sa library. Maya-maya pa ay may nakasalubong akong grupo ng mga babae. Tila ba papatay sila kung makatingin sila sa katauhan ko, taas-baa pa kung sila ay makatingin.

"Siya ba ang bagong girlfriend ni Prince?" malanding saad ng isa at mukhang siya ang leader ng grupo nila at namumukhaan ko siya. Siya yung humalik kay Prince sa canteen dati. Tumango-tango naman ang mga kasama niya.

Mukhang nagkamali pa ata sila ng nabangga, dahil matagal-tagal na akong hindi nakakapag-practice ng karate ko, baka makakatikim ang mga 'to ng wala sa oras. Subukan lang nila akong galawin at makakatim talaga sila sa akin.

"So? Ikaw pala ang bago ni Prince? Wala man lang sa kalingkingan ng kagandahan ko, ni hindi din sexy at maapeal. Ano kayang nagustuhan ni Prince sa'yo?" maanghang niyang saad.

Tinignan ko siya pataas-baba. "Wow hah! Nagsalita ang pinaka-magandang dyosa sa balat ng lupa." Sarcastic kong tsaka lumapit sa kanya. "Magkapantay lang pala tayo dahil suot mong limang pulgada mong stiletto. At maganda lang ang suot mong damit at gamit kaya ka sikat." Tatalikod na sana ako nang may mapansin ako sa mukha niya "Oh!, Yung foundation mo pala sa mukha mo hindi pantay, maitim sa kaliwang bahagi oh. Ipaayos mo muna sa mga kasama mo." nakangiting saad ko tsaka tuluyang naglakad papalayo sa kanila.

"YOU—YOU!" yan lang ang narinig ko habang papalayo ako sa kanila.

"Akala ko kanina makakakita na ako ng live na sabunutan." Napatingin lang ako sa kaliwang bahagi ko dahil sa nagsalita.

"Hahaha!" sarcastic kong tawa "Hindi ko naman sila sasabunutan. Bibigyan ko lang sila ng mga black eye." Matapang na saad ko.

"That's my girl!" proud naman niyang saad tsaka akoinakbayan. "Nag-lunch ka na?" tanong niya habang naglalakad kami. Umiling lang ako.

"Tara kain tayo sa labas." Yaya niya at wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Nag-park siya sa underground parking are ng A&B Shopping mall tsaka kami sumakay sa elevator papataas.

"Bakit tayo nandito?San tayo pupunta" tanong ko nang nakarating kami sa pinaka taas ng Shopping Mall at naglalakad pa rin kami papataas dito sa hagdan.

"You'll see." Tipid niyang sagot, kaya nagpatangay lang ako sa kanya.

Nang makarating kami sa pinakataas o rooftop ng Mall na 'to, namangha lang ako sa nakita ko. Isang picnic set na nakalatag sa sahig.

"Who's idea is this?" tanong ko lang.

"Ako." Nahihiyang saad niya na napakamot pa ng batok niya. "Ayaw mo ba?" tanong niya.

"No! I mean, nagustuhan ko. Salamat. Ang ganda pala dito." sabi ko tsaka inikot ang aking paningin sa kabuuan kung nasaan kami.

Inalalayan niya akong umupo sa lapag tsaka umupo din siya sa harap ko.

"Gutom ka na?" tanong niya, tumango lang ako. Kaya naman binuksan niya ang mga mukhang pagkain na nasa gilid.

At yun, kumain na kami. Nang matapos kaming kumain...

"Salamat sa pagkain." Saad ko, nang bigla akong may naisip na itanong. "Paano mo pinaghandaan ito? Nakiusap ka ba sa may-ari netong Mall na 'to?" tanong ko.

"Our family own this Mall." Walang gana niyang saad.

Mayaman nga talaga ang pamilya ng mokong na 'to.

Nang bigla siyang humiga sa mga binti ko.

"Paki masahe naman yung ulo ko oh. Sumasakit kasi, lalo na kapag ikaw parati ang laman." Nakangiting saad niya habang nakapikit na. napangiti nalang din ako sa sinabi niya. Para bang kinikilig na ewan?

Hinawakan ko lang muna ang buhok niya saka sinuklay ito. Tsaka sinimulan ang panghihilot sa taas ng tenga niya. Nakapikit pa din siya at mukhang nagugustuhan ang ginagawa ko kaya pinagbutihan ko lang.

Ialang minute na ang nakalipas at nangangalay na ang mga binti ko at hindi ko maigalaw ito pero nanatili lang ako na nakaganun dahil mukhang tulog na tulog na siya.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niyang napakaamo habang tulog. Hinaplos ko ang kilay niya gamit ang aking kanang hintuturo, hinawi ang mahahaba niyang pilik-mata, hinaplos pababa ang kanyang matangos na ilong at napahawak ang isa kong kamay sa aking ilong. 'Nakakainggit naman yung ilong niya.' Sabay sabi ng aking isipan.

Nang napatingin ako sa mga labi niya, napalunok lang ako. This lips tempting me to kiss him. Dahan dahan akong bumaba sa mukha niya para nakawan ng halik. Hindi naman bawal diba? Wala namang makakaalam diba?

Kahit hirap na hirap ako dahil sa posisyon ko, narrating pa din ng aking mga labi ang mga labi niya. 'Ang lambot nga naman talaga ang mga labi ne'tong mokong na'to' sabi ng utak ko. Nakaganoong posisyon lang ako habang magkadikit ang aming mga labi.

Nakatingin lang ako sa kanya nang bigla siyang nagmulat ng mga mata niya tsaka nilaliman ang mga halik namin. Hinawakan na din niya ang mga pisngi ko habang palalim nang palalim ang mga halik namin, napapikit nalang din ako dahil sa ginawa niya.

Naitulak ko nalang siya nang maramdaman kong masakit ang mga binti ko.

"Aaaah..." nahihirapan kong saad nang nakabangon na siya at ginagalaw ko yung mga binti ko.

I just saw him smirked habang pailing-iling.

"Sorry, akin na hihilutin ko." Sabi lang niya at sinimulan na niyang hilutin ito.

"Nagnanakaw kasi ng halik." Bulong niya na ikinapula ko habang siya ay nakangiti.

---

(Prince and Jess at the right side...)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon