[Twenty-two]

3.6K 97 9
                                    

B O N J O U R

Chapter 22

Jess POV

Naglalakad ako ngayon dito sa kanto papasok sa tirahan namin nang may maramdaman kong tila may sumusunod sa akin. Napasulyap ako sa likuran ko pero wala namang ibang tao kung hindi ako. Siguro ay guni-guni ko lang iyon kaya nagtuloy ulit ako sa paglalakad. Nang may maramdaman akong mga yabag papalapit sa akin at tila pamilyar ang mga yabag na 'yon. Muli akong lumingon pero wala talaga kaya dali-dali akong naglakad.

Nang nasa harapan na ako ng gate namin, nagulat nalang ako nang may biglang magsalita sa likod ko. Tila nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses niya. "So how are you?"

Hindi ko alam kung totoo ito o parte na naman ng imahinasyon ko. Gusto ko siyang hawakan para makumpirma na totoo nga ito at hindi lamang parte ng imahinasyon ko, gusto ko siyang yakapin at humingi ng sobrang paumanhin pero naunahan iyon ng napakalamig na mga tingin niya sa akin.

"I'm..doing fine." Nauutal na sagot ko.

"I can see that." Nang-iinsultong tingin niya pababa-taas sa buong katauhan ko.

Naiiyak na naman ako, gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi ko, pero hindi ko magawa. "Anong kailangan mo?" pormal kong tanong

Kinabig niya ang bewang ko gamit ang kaliwang kamay niya habang ang kanang kamay niya ay hinahawi ang buhok ko. Napatingala lang ako sa kanya at galit ang makikita mo sa mga mata niya. "You're awesome. Kung ipinakita mo lang sana ang tunay mong pagkatao sa akin eh di hindi na sana ako nagmukhang gago."

"Bitawan mo ako..." I tried to free myself from him, but I can't, pero kung tutuusin ay kayang-kaya ko namang makawala sa kanya pero wala akong lakas para gawin iyon.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkabig sa bewang ko habang sinusuklay ang hibla ng buhok ko. "Tell me, is it fun? Is it fun making fun of me? You toyed with my feelings. You're so damn great!" saad niya.

"Hindi kita pinaglaruan!" I used all my strength to push him away.

"Oh yeah? Hindi mo ako pinaglaruan, pinerahan mo lang ako, yon iyon diba?" punong-puno ng hinanakit at galit niyang saad. "Napaniwala mo ako. I really thought you lo—" siya mismo ang pumutol sa sasabihin niya. "Yeah of course, you love me." Sarcastic niyang saad.

Napatingala ako dahil tila anumang oras babagsak na naman ang aking mga luhang nabubuo sa aking mga mata at ayokong makita niya 'yon. "Just..Just tell me what you want." Pilit kong tanong.

"I want my money back." He grabbed my arm. "But then there's another way you can pay me." Tinignan niya ulit ang kabuuan ng mukha ko at nung napalapat ang mga mata namin, I can see a danger in his eyes. "Sleep with me for a night at bayad ka na." I felt numb at all. Kumawala ako sa kanya. Alam kong dala lang ng labis na galit at sakit na naramdaman niya sa mga sinabi at nangyari sa amin kaya nasabi iyon.

I just chose the easy way to save my father and I chose to hurt him to save our family.

Tumingin na ulit ako sa mga mata niya. "Kailan?" matapang kong tanong.

Napatingin din siya sa mga mata ko at tila pagkagulat ang nasa mukha niya pero pagkaraan ng ilang Segundo ay muling napalitan iyon ng pagkamuhi. "Ngayon na." hinawakan niya ang kapulsuan ko tsaka hinila papalakad. Halos magkadapa-dapa ako sa bilis niyang humila sa akin at sa paglalakad namin hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurot ito. I could feel his anger while he's driving, mabilis ang pagpapatakbo niya at over-take ng over-take.

---


soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon