K O N I C H I W A
Chapter 29
Jess POV
"Momma...Momma..Huhuhuhu..Momma" nagising lang ako sa umiiyak na katabi ko.
"Jai? Why? Why are you crying?" tanong ko lang habang bumabangon sa higaan para i-on ang lampshade sa bedside table namin. Napatingin lang ako sa maliit na orasan sa tabi ng lampshade, it is just 2 AM.
"I had a bad dream Momma.." sabi lang niya at lumapit sa akin tsaka niyakap.
"Baby it's just a dream. A dream that would not happen." Niyakap ko din siya habang hinahaplos ang likod niya. "Now, go back to sleep. It's still too early to wake up." Saad ko. ramdam ko lang naman siyang tumango-tango at hinigpitan pa ang yakap sa bewang ko.
For pete's sake kakakuha ko lang ng tulog ko, tapos ngayon ay nagising ulit. Pinilit ko lang ipinikit ang aking mga mata. Kahit pagpikit siya pa din ang nakikita ko. haaaay.
---
"Momma..Momma. time to wake up.." nagising lang ako sa ingay na 'yan at tila bang nahihilo ako dahil may tumatalon sa kama. Ganyan siya parati kapag siya ang unang nagigising sa akin.
"Okay, Okay. Stop it, I'm already awake." Saad ko lang habang bumangon na naka-pikit pa din ang mga mata ko.
"Momma, are we going to church?" tanong niya. Oo nga Sunday pala ngayon. Tumango-tango lang ako dahil inaantok pa ako.
Pagkatapos ng Mass ay nagyaya si Jai na magpunta sa A&B Shopping Centre, gusto daw niyang maglaro sa Happyland. Kaya dumiretso kami sa A&B Mall. Pero bago kami pumunta sa Happyland, nag Jollibee muna kami dahil parehas kaming nagugutom.
Hinatid ko muna siya sa playground ng Jollibee tsaka ako nag-order ng kakainin namin. Nang naka-order na ako at naghahanap ng mauupuan habang nakahawak pa din ng isang tray na punong-puno ng pagkain. Wala akong makitang blanking upuan dahil ang daming tao tsaka 11 am na at Sunday ngayon. Nang may nakita akong papaalis na, agad akong nagpunta doon. Pero agad na kumunot ang noo ko nang may umupo agad na lalaki sa upuan non. Napatingin ako sa lalaking 'yon, and he is smilng at me.
"You can join me." Nang-iinis niyang saad.
"Whatever Blake, wala ka namang pagkain oh. Tsaka ano bang ginagawa mo dito? diba busy kang tao?" nakataas ang isa kong kilay na tanong sa kanya.
"Masama na bang mag-Jollibee ngayon? Tsaka Sunday naman ngayon ah, off duty." Saad niya tsaka ako tinulungan mag-ayos ng mga pagkain na dala ko. "Hindi mo kasama si Jai?" tanong niya at iinumin sana yung sprite na isa nang tapikin ko ang kamay niya.
"Mag-order ka nga din ng sayo. Kuripot ka talaga. Naglalaro pa si Jai." Saad ko.
"Damot." Saad lang niya habang naka-nguso. Yung totoo, doctor ba talaga 'tong kaharap ko? para siyang-high school student na may saltik. "Cge na nga oorder na, hitayin niyo ako ah." Saad niya. Tumango lang ako.
Naka-upo lang ako dito habang hinahanap ng mga mata ko si Jai sa playground. Nang nakita ko siya, nakatingin din pala siya sa akin at kumaway pa, kinawayan ko lang din pabalik. Alam ni Blake lahat, naikwento ko sa kanya nang magkita kami sa ospital kung saan ko ipinanganak si Jai at kung saan doon din siya nagtatrabaho.
"Yaaaahy, I'm hungry na Momma." Nakangiting saad niya tsaka umupo sa tabi ko. maya-maya pa ay dumating din si Blake at umupo sa harap namin.
"Hi Jai." Maikling bati niya sa anak ko.
"Hello po Tito Doc. May pasyente po ba kayo dito?" inosenteng tanong ni Jai kay Blake, napatawa lang ako. Usually kasi nagkikita lang sila kapag naka-uniporme si Blake ng puti. Pediatrician kasi si Blake at siya ang Doctor ni Jai.
"Wala." Tumawa din siya. "I'm not a doctor today, see. I'm not wearing my white uniform. I'm your Tito today. So let's have fun today?" tanong niya sa anak ko.
"Yeeey. Sure Tito, I wanna go to Happyland later." Masayang saad naman ni Jai.
Kumain na kami at nang matapos ay dumiretso sa pamalitan ng tokens tsaka pumasok sa Happyland.
Nauna nang naglakad si Jai at Blake na magkahawak pa ang kamay dahil madaming tao. Close din silang dalawa, maybe marami silang pagkakapareho at parehas sa isip bata. Nang pagkapasok ko palang ay naalala ko na naman siya. Dito ko siya unang nakita, napangiti nalang ako nang napatingin ako sa may videoke sa gilid at may kumakantang binatilyo at napapalibutan sin siya ng madaming mga babae.
Hindi ko maintindiihan sa sarili ko kung bakit ako lumapit sa kumakanta at nanunuod. Nakalimutan ko na tuloy na may kasama ako. Alam ko naman kasing hindi papabayaan ni Blake si Jai. Subukan lang niya, makakatikim siya sa akin.
Nang matapos na siyang kumanta, naglakad na din ako papalayo para hanapin sina Jai at Blake. Nang bigla kong nakita si Blake na paparating sa akin. At tila nag-aaalala ang mukha niya na may problema. No, hindi pwede.
"Blake tell me, hindi totoo ang nasaisip ko ngayon." Sabi ko agad sa kanya nang makarating siya sa kinaroroonan ko.
"I'm sorry Jess, hindi ko sinasadya. Akala ko nasa likod ka lang namin, nagpaalam siya sa akin na pupuntahan ka niya." Saad niya. Napasapo nalang ako ng noo ko.
"Blake makakatikim ka na talaga sa akin." Inis kong saad sa kanya. "Maghiwalay tayo, jan ka, dito ako." Saad ko at tinuro kung saan kami maghahanap. Tumango naman agad siya at dumiretso sa tinuro ko.
"JAI...JAI..?" sigaw ko habang naghahanap. Nang may nakita akong mga batang naglalaro sa gilid agad akong napatakbo doon at hinanap agad ng mga mata ko ang anak ko, pero wala siya. Maya-maya ay, nalibot ko na ang buong Happyland, pero hindi ko pa din siya nakikita.
Maya-maya ay si Blake ang nakasalubong ko. "Nakita mo na ba?" agad kong tanong. Pero umiling lang siya. Naiiyak na ako pero pinigilan ko lang. nang may naisip ako. Agad akong pumunta sa reception para ipa-page siya.
Pero nagulat ako nang may nakaupo na bata doon at may hawak na malaking Pikachu. "Jai?" mahinang saad ko tsaka agad na pumunta sa kanya tsaka siya niyakap.
"Sorry Momma, I lost." Saad din niya.
"It's okay baby, are you okay? Who brought you here? And who gave this to you?" tanong ko.
"There's a handsome man helped me to find you but he got a call from someone so he just brought me here and gave this to me." Masayang saad niya. "You know Momma, he said I kinda look like him when he was a kid." Dagdag pa niya. No don't tell me he's here?
"Hmmm, let's go home na?" saad ko tsaka tumayo.
"Sorry ulit Jess." Saad naman ni Blake na nasa harap na pala namin.
"It's okay Blake. He's safe now, thanks to who that man is." Sabi ko nalang. "Una na kami." Paalam ko. tumango lang naman siya.
"Bye, Tito." Paalam naman ni Jai.
Kumaway lang naman si Blake sa kanya. Umuwi na kami dahil sa nangyari. Pano kung siya nga 'yon? Haaaay.... Sasabihin ko din naman sa kanya eh, pero hindi muna ngayon, maybe someday..
---
(Jai at the right side...)
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...