A/N: At ako ay muling nagbabalik dito. Yay! Mag-o-otor's note muna ako ah, kung ayaw nyong basahin, okay lang skip niyo nalang. So here I go, gusto ko lang kasing pasalamatan ang mga nagbasa netong gawa ko. Sa mga nagcomment na hindi ko nareplyan pasensya na. At sa mga nagrequest ng special chapter, hello sa inyo. At pasensya na po sa type of error and mga wrong grammars ko po. Thank you! Thank you sa mga nagbasa at nakarating hanggang dito sa special chapter.
At dahil maraming nagcomment at gusto ng special chapter. Ito na! Ito na talaga ang nag-iisang special chapter niya. Kekek~
At balak kong gawan si Jai ng story din niya. May draft na pala ako, hehe. Sino may gusto? Itutuloy ko ba? Yung story ni Jai?~•~•~
One and Only Special Chapter
Prince POV
"Hon wag na tayong tumuloy masama ang pakiramdam ko eh." sabi ng asawa ko habang nakaupo sa harap ng salamin dito sa kwarto namin na parang kinakabahan na ewan.
"Oh masama pala ang pakiramdam mo, eh di dapat pumunta na din tayo ngayon doon." saad ko na lalo siyang nagpanic. Alam ko na ang iniisip niya.
"Hi-hindi naman sa masama, inaantok lang kasi ako." saad lang niya
Ayaw lang naman kasi niyang pumunta sa OB niya ngayon para magpa-check-up at magpa-ultrasound na din. Limang buwan na siyang buntis at ayaw niya kasing malaman kung babae ba o lalaki ang magiging anak namin.
"Hon magpacheck-up ka na baka mamaya hindi pala healthy si baby, lagot tayo nyan. Tsaka ano ba ang kinakatakot mo nandito naman ako ah, nakayanan mo nga nong pinagbubuntis mo si Jai habang wala ako diba?" malambing kong saad habang minamasahe ang kanyang mga balikat habang nkasimangot pa din siya.
"Come on. Magbihis ka na, 10am ang sched mo diba?" saad ko naman habang inaalalayan siyang tumayo.
Nagbihis na nga siya ng napakatagal pero wala naman akong nagawa dahil ang tagal niya sa banyo. Nang makarating kami sa clinic ng OB niya ng pasado alas-dyes na.
"Hon uwi na tayo?" pero ayan na naman po siya. Alam kong madamdamin ang mga buntis kaya sobrang iniingatan ko ang pananalita at kilos ko. Minsan ay nag-iba din ang ugali niya pero inintindi ko lang dahil alam kong buntis siya. Hiningi ko lang ang mga payo ng mga kapatid niya dahil sila naman kasi ang nakakaalam sa ugali ni Jess noong nagbuntis siya kay Jai.
"Hon." mahinahong saad ko. "Babae man o lalaki 'yan, anak pa din na'tin 'yan. And be thankful dahil bunga 'yan ng pagmamahalan na'tin." saad ko ulit tsaka hinawakan ang mukha niya tsaka hinalikan ang noo niya.
Tumango-tango lang naman siya. Bumaba na ako sa sasakyan tsaka pinagbuksan siya ng pinto niya at inalalayang bumaba.
Nang nakapasok na kami sa loob ng clic ay ang daming tao or should I say, madaming buntis na nakapila.
"Hello Ma'am, Sir! Diretso na po kayo doon." saad na bati ng assistant doon sa clinic na kilala na kami ng asawa ko kaya sinunod lang namin ang sinabi niya.
"Sorry doc we're late." hingi ko ng paumanhin kay doc ng nakapasok kami sa loob.
"It's alright, mahiga ka na jan friend para maumpisa na na'tin." saad naman ni Doc sa asawa ko kaya inalalayan ko naman agad ang asawa ko sa pagkahiga habang siya ay nakasimangot pa din.
Maya-maya pa ay itinaas na ang blouse ng Misis ko at kitang-kita na ang tyan niya, nilagyan naman iyon ni Doc ng ointment ata yun dahil hindi ko naman alam kung anong tawag doon.
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...