[Fourty six]

3.4K 75 0
                                    

H E L L O

Chapter 46

Jess POV

Tatlong araw palang ako dito sa kompanya na kasama si Prince pero parang dalawang taon ko naman siyang hindi kasama at isama pa ang sobrang istrikto at masungit niya. Sobrang nakakapagod ding maging assistant niya or should I say maging alalay niya, grabe kung makautos eh. Akala mo kung sinong hari, eh isa palang naman siyang Prinsipe. I mean CEO palang naman, hindi naman sa kanya talaga ang kompanyang 'to. Basta, nakakainis siya.

Nong isang araw ko pa hindi nakakausap si Jai dahil kapag tumatawag ako ay tulog na ang anak ko. at alam kong nagtatampo na sa akin yun kung hindi ko pa makausap ngayon. Parati naman kasing nag-oover time etong boss ko. Tapos gusto niya, hangga't hindi siya umuuwi ay hindi din ako uuwi.

Nag-inat-inat ako matapos kong i-type ang pinapagawa ng boss ko kanina at kailangan ko daw ibalik sa kanya ngayong araw din na 'to kung gusto kong umuwi ng maaga kaya naman dali-dali ko itong tinapos. Napahawak ako sa kwintas ko na nakatago sa may bandang puso ko, ito yung singsing na binigay ni Prince dati. Napangiti nalang ako ng maalala ang mga masasayang sandal na yun.

"Stop daydreaming. Tapos mo na ba ang pinapagawa ko? Anong oras na? Hurry up dahil may date kami ng fincee ko." natauhan lang ako ng may nagsalita sa may likurang kanan ko na mukhang galit na naman.

"Eto na po Sir, ipi-print ko na nga po sana." Sagot ko nalang

Pagkatapos kong iprint ay binigay ko agad sa kanya, nakatingin lang siya sa'kin habang kinukuha niya ito. Mali pala, hindi pala siya nakatingin sa'kin kung hindi sa kwintas ko, kaya naman dali-dali ko itong binalik sa loob ng damit ko.

Napailing naman siya saka tinignan isa-isa ang mga papel na binigay ko. "Sir, tutal tapos ko naman na ang pinapagawa nyo, pwede na po ba akong umuwi?" malambing kong tanong.

Tinignan niya ulit ako ng mga ilang segundo saka nagsalita. "Sige, total naman ay nagawa mo ng tama ito at uuwi na din ako. Pwede ka na ding umuwi." Saad niya na napangiti ako sabay sabing..

"Yes! Thank you Prince, alam ko namang mabait ka kaya kita mahal eh." Saad ko saka siya niyakap. Yes! Finally makakausap ko na ang anak ko.

Humiwalay agad ako sa yakap ko sa kanya ng marealize ang mga sinabi at nagawa ko. My Gosh! What have I done? Tumingin ako sa mga mata niyang nagtataka at nagtatanong.

"Ah-I mean Sir, Thank you po talaga. Sige, po una na ako. Babye!" saad ko saka dali-daling kinuha ko ang bag ko at patakbong naglakad patungong elevator para makatakas sa kanya.

Napahawak nalang ako sa dibdib kong sobrang lakas ang tibok ng makapasok ako sa elevator na mag-isa. Gosh! Bakit ko sinabi at ginawa yun? Binabatukan ko ang sarili ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, kaya naman dali-dali kong hinanap sa bag ko at sinagot ito..

"Hello?" bungad ko.

"7 o'clock sharp tomorrow. Dapat nandito ka na sa office ko." wait lang bakit kaboses ni Prince 'tong kausap ko. napatingin ako sa caller id at number lang siya. How did he get my number?

"Ah, Sir. 8 po ang pasok ng mga empleyado dito diba?" tanong ko. Kasi naman ang aga kaya!

"Sino ba ang boss mo? Diba ako? May pag-uusapan lang tayo. Just-just be here at seven, okay?" magsasalita pa sana ako ng bigla ng naputol.

"Bastos naman, hindi pa hinintay ang sagot ko. Seven daw. Sino daw ang boss. Eh di sya na!" wala lang kausap ko pa din yung phone ko kahit wala na. Nang makarating ako sa lobby, nakasalubong ko si Sarah na nililigawan ni Joel.

"Uy Jess, uwi ka na? Aga mo ata pinauwi ngayon ah." Biro niya. 6:30 na kasi at mukhang nagsisiuwian na ang mga empleyado dito sa kompanya.

"Oo eh, nagpaalam kasi ako kay boss sungit, may tatawagan pa kasi akong mukhang nagtatampo." Sagot ko.

"Ah buti pumayag agad. Sino naman ang tatawagan mo? BF mo?" tanong niya

"Pumayag naman agad dahil tapos ko naman na yung pinapagawa niya sa'kin. Ano ka ba, wala akong boyfriend mo." sabi ko.

"Sus, wala daw eh. Eh sino yung tatawagan mo?" tanong niya habang naglalakad pa din kami papunta sa sakayan ng jeep.

"Anak ko." maikli kong saad.

"May anak ka na?" gulat niyang tanong. Ngumiti lang ako at tumango-tango.

"Grabe! Hindi halata ah. Sinong tatay?" tanong niya ulit.

Sasagot na sana ako ng may bumusina sa gilid namin kaya agad kaming napatingin. At yun, si Joel kumakaway at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. "Sakay na dali!" sigaw niya.

"Tara Jess!" hila naman sakin ni Sarah kaya wala na akong nakawa kung 'di sumakay.

"Maaga kang umuwi ngayon Jess ah." Saad ni Joel ng makapasok kami.

"Oo eh." Saad ko nalang.

"Alam mo J, may anak na pala si Jess?" tanong ni Sarah kay Joel.

"Oo alam ko. Kaya sagutin mo na ako para makagawa na din tayo ng baby." Sagot lang ni Joel kay Sarah na ikinapula ni Sarah.

"Sira ka talaga!" saad naman ni Sarah saka binatukan si Joel. "J, gusto ko pagluto mo ako, gusto ko ng menudo na maanghang." Saad ulit ni Sarah.

"Naglilihi ka na Love?" gulat na tanong ni Joel.

"Puro ka talaga kalokohan. Hindi na nga, ihatid mo ako sa bahay. Magpapaluto nalang ako kay Papa." Saad naman bigla ni Sarah.

"Hindi ka naman mabiro Love oh. Syempre ipagluluto kita may kasama pang desert kung gusto mo." sabi ni Joel at kumindat pa.

"Aah! Manyak! Bilisan mo na nga ang pagmamaneho para makarating na tayo, nagugutom na ako. Diba sa building mo din nakatira si Jess?" tanong niya

"Ah oo." Sagot ko nalang.

"Dinner tayo mamaya Jess ah. Punta ka." Saad ni Sarah

"Hindi na, nakakahiya naman sa'inyo. Tsaka tatawagan kopa yung anak ko diba?" saad ko.

"Ahy oo nga pala. Basta, feel free ka to go ah. Pagkatapos nyong mag-usap at gusto mong pumunta." Saad niya.

"Hindi na talaga. Baka matagalan ang pag-uusap namin eh. Aamuhin ko pa, nagtatampo yun eh." Sabi ko nalang. Ayoko namang istorbohin sila noh.

Hanggang sa nakarating kami at nauna akong pumasok sa unit ko dahil yung unit ni Joel sa pinaka dulo ng building. Nagpalit agad ako ng damit at habang nagluluto ay tinawagan ko na ang anak ko. at tama nga ako ng hinala, nagtatampo na nag lolo niyo.

Pero hindi naman ako mastitis ng anak ko na hindi kausapin eh. Kaya yun, inabot na kami ng alas nwebe dahil hindi na natapos ang mga kwento niya tungkol sa mga ginawa niya mula nong isang araw hanggang ngayong. Hanggang sa hindi ko na siya marinig na nagsalita at mukhang tulog na kaya pinatay ko na ang tawag.

Kailangan ko na din palang matulog. Maaga pa ako bukas.

Wait! Hindi din ako makatulog dahil sa nangyari kanina. At kung ano ang pag-uusapan namin bukas.

---

mayiieee14

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon