[Twenty-one]

3.6K 90 4
                                    

N I H A O

A/N: Annyeong ^_^ credits to myself for the new book cover. What can you say about the new cover guyz? Anyways, enjoy, reading! Kindly, vote and leave a comment after reading it.

Chapter 21

Jess POV

Malungkot akong naglalakad ngayon dito sa hall papunta sa stadium kung saan kami magpa-practice para sa graduation namin, nang bigla kong makasalubong si Prince. Madilim ang mukha niya at agad niya akong hinila papunta sa kung saan. Nagbaubaya nalang ako sa ginawa niya dahil ayaw kong gumawa ng eksena. Dinala niya ako kung saan niya ako dinala nung una kaming nag-usap. I just closed my eyes, this is it!

Nang makarating kami, walang ni isa sa amin ang nagsalita. Habang siya at pabalik-balik ang lakad tila ba hindi alam kung ano ang sasabihin. Nakayuko lang din ako sa kinatatayuan ko na tila ba hinihintay siyang magsalita.

"Is it true Jess?" basag niya sa katahimikan. "Totoo bang tumanggap ka ng pera galing kay Mommy?" tanong niya.

Bumuntung hininga lang ako. I have to do this. Tumingala ako at sinalubong ang mga tingin niya. "Oo, tinanggap ko nga." Sagot ko sa tanong niya.

Napuno ng iba't-ibang emosyon ang mukha niya, at galit ang nangingibabaw doon. "Wa-Why?" pilit niyang tanong.

Ngumiti lang ako ng pilit. "Itinatanong mo kung bakit? Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" pilit kong saad.

Makikita mo talaga sa mga mata niya at mukha niya ang galit. "I don't know, so tell me." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking magkabilang balikat.

Marahan kong inalis ang mga kamay niya sa balikat ko dahil nawawalan ako ng lakas kapag nakahawak siya sa anumang parte ng katawan ko. "I want your money, isn't it obvious? Hindi ko akalaing madali ka palang lokohin." Ginamit ko lahat ng lakas at tapang na meron ako para sabihin 'yon. Umismid ako sa kanya "Tutal naman na-discover naman ng Mommy mo na pera lang ang habol ko sa'yo, kaya tinanggap ko na lang ang alok niya sa akin." Dagdag ko pa.

Tinignan lang niya ako ng mga masasakit na tingin niya na tila ba gusto niya akong saktan pero agad ding lumambot ang ekspesyon ng mukha niya. "All right, I'll forgive you honey." Tinangka niya ulit akong hawakan pero tinabig ko lang ang kamay niya. "I don't really believe you. Please don't do this to me!" pagsususmamo niya na tila anumang oras ay parang luluhod na siya sa harapan ko. Ngumiti lang ako ng pilit na sarkastiko.

Hindi ko lang inasahan ang sumunod niyang ginawa. Kinabig niya ang katawan ko at hinagkan ang aking mga labi. Mapusok na mga halik ang binigay niya sa akin, kumuha ako ng lakas para hindi 'yon matuloy sa gusto niya. After a while he let go of me. "Jess.. Sabihin mong mahal mo ako. Please, alam ko, nararamdaman ko. Kahit hindi mo sabihin ay alam ko." Kinuha niya ang kanang kamay ko at itinapat iyon sa dibdib niya.

Sa konting pagsasama namin ay nakilala ko naman siya kahit papano. Kapag sinabi kong 'hindi ko na siya mahal' ay lalong siyang hindi maniniwala.

"Of course, mahal kita Prince." Tumawa pa ako ng pilit. "Sinong babae ang hindi magmamahal sa'yo? You're handsome and filthy rich. Kaya nga mahal na mahal kita eh!" lakas loob kong saad sa kanya.

Tinitigan muna niya ako saglit, at marahan niyang binitawan ang kamay ko. His eyes became teary. "You broke my heart..." saad niya saka tumalikod at naglakad papalayo.

Habang papalayo siya, nakatitig lang ako sa kanya habang papalayo siya at tuluyan maglaho. Nanghihina na din ako at tuluyang mapaluhod at mapaupo sa lupa at nagsimulang mag-unahan ang mga luhang kanina pa pigil na pigil sa paglabas.

"I'm so sorry Prince. Patawarin mo ako." Humagulgul na ako dito sa kinauupuan ko. Buti nalang walang mga tao dito ngayon.

Tila inaabo ang puso ko sa mga oras na 'to. Bakit ba kasi kailangan pa naming maging mahirap? Bakit ba may mga taong mahirap at mayaman? Sana mayaman nalang lahat para pantay-pantay.

"Prince... Mahal kita. Mahal na mahal!" bulong ko sa hangin

---

(Prince at the Multimedia..)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon