[Seventeen]

4.4K 117 2
                                    

K O N I C H I W A

Chapter 17

Jess POV

Tahimik ang buong paligid bukod sa ngayong kumakanta ang banda nina Blake ng BuKo ni Jireh Lim, nababalutan ng pulang ilaw ang Stadium netong eskwelahan namin na para bang Prom ang kaganapan. Maaga palang at hindi pa nag-uumpisa pero marami nang nagsasayawan sa gitna.

I wore a black tube mini gown. Hanggang tuhod ang haba niya kaya exposed ang mg binti ko. Nilagyan din ni Kate ng extension ang buhok ko kaya humaba ito. Sa paa ko naman ay isang pares ng four-inches stilettos. Muntikan pa naming pag-awayan ni Kate dahil sa sapatos na 'ito pero sa huli ay nagwagi din siya na ipasuot sa akin. First time kong magsuot ng ganitong damit at sapatos kahit ayaw ko nung una, wala din akong nagawa dahil wala akong choice na iba dahil ito lang binigay sa akin ni Kate.

Habang ako ay kanina pa nakaupo dito at walang pakialam sa mga nangyayari, si Kate ay masayang nakikipagsayawan sa gitna ng dance floor. Paano hindi siya sasaya eh kasayaw lang naman niya ang love of her life niyang si BJ. Hindi ko alam na may nabuo na palang magandang relasyon sa kanilang dalawa.

'Cause you're also busy creating yourself a beautiful relationship.' Tukso ng isip ko na napailing-iling lang ako.

Bahagya akong nakaramdam ng inggit sa bestfriend ko, bagaman Masaya ako para sa kanila. They look real. BJ look more real now than before. Napakapormal niya ngayon, para siyang statue, napaka-gwapong statue. Habang si Kate naman ay titig na titig habang napaka-lawak ang ngiti kay BJ.

Marami namang nagyayayang makipag-sayaw sa akin, sadya lang na tumatanggi ako sa kanila dahil parang hinihintay akong tao. I just sighed. Dapat itigil ko na ang kabaliwan kong 'to. For sure ay hindi naman siya pupunta dito.

Bahagyang nagkaroon ng kaguluhan sa gitna ng dance floor kaya napatingin ako ng wala sa oras. Napangiti nalang ako sa nakita. Nakaluhod si BJ sa harap ni Kate na parang nagpo-propose pero tatlong pulang rosas ang alok niya sa bestfriend ko. The high and mighty Bacon John Baldemor is kneeling in front of a woman, asking her to be his girl. It is just a very romantic sight, endeed. Syempre walang pag-aalinlangang tinanggap 'yon ni Kate tsaka hinagkan at binigyan ng halik si BJ sa harap ng maraming tao. Bigla namang lumiwanag ang paligid.

Napangiti ako nang pumailanlang ang isang masayang intro mula sa banda. Cha cha dabarkads instrumental lang ang patugtug pero lahat ay masayang nasa gitna at sumasaway habang nagtatawanan. May mga ilang nagyayaya din sa akin pero tumanggi lang ako, isa pa sa rason kung bakit ayaw kong sumayaw jan eh nakasuot kaya ako ng napakataas na heels. Mas gugustuhin ko nalang umupo dito.

Ilang saglit pa ay natapos na ang tugtug na yon at napalitan ng iba.

When a day is said and done,
In the middle of the night and you're fast asleep, my love.
Stay awake looking at your beauty,
Telling myself I'm the luckiest man alive.
Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life.
Why you take such a hold of me girl,
When I'm still trying to get my act right.

Agad akong napatingin sa kumakanta dahil pamilyar ang boses niya. Halos lumuwa ang mata ko nang napagtanto ko na si Prince ang kumakanta. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya nga ang kumakanta sa stage ngayon.

What is the reason, when you really could have any man you want,
I don't see, what I have to offer.
I should've been a season, cause you could see I had potential.
Do you know you're my miracle?

When our eyes met, gazes lock. Something magic went on through the whole place. Tila naglaho lahat ng mga tao sa paligid at kami lang ang natira. Para siyang prinsipe sa suot niyang puting suit with a dark blue tie. What I just seeing right now is not an arrogant or rugged prince, because he looked like a true Prince in a fairytale. Everyone is looking at him, especially the girls. But his eyes is focused only in me.

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon