H I
Chapter 36
Jess POV
"Ihahatid na kita." Malamig na saad niya tsaka nauna nang maglakad. Gusto kong matawa na ewan sa inasal niya. Kung alam lang sana niya kung sino ang kausap ko. Seriously? Nagseselos siya sa anak niya?
Habang nasa byahe kami ay ganun pa din siya. Walang imikan hanggang sa nag-park siya sa parking lot ng Gym ko.
"Prince..." malumanay ko ng saad habang nakatingin sa kanya.
"I'm sorry for what I acted ago. Sino ba kasi 'yon?" tuloy tuloy niyang saad at may iritasyon sa boses niya.
Napangiti lang ako. "You'll know. Come with me inside." Sabi ko lang tsaka hinawakan ang mukha niya. Saka tuluyang lumabas ng sasakyan niya.
"Siya ang gusto kong sabihin sayong sikreto na meron ako." Saad ko habang magkahawak kaming naglalakad papasok sa loob.
"Ate.. wooooh! Kuya Prince, ikaw na ba 'yan?" bungad sa amin ni Jairon. At mukhang hindi pa ata nakilala si Prince. Sabi sa inyo eh, nagmukha siyang matured at makisig sa itsura niya, pwede na siyang maging Hari kung baga.
"Hi guyz. Long time no see. Kumusta na?" tanong naman niya sa mga kapatid ko at nag man-to-man kamayan sila.
"JAI...? Baby? Where are you?" sigaw ko habang pumapasok na loob ng mini pffice namin.
"Momma.. where is my surprise?" tanong niya agad tsaka nagpabuhat sa akin.
Inamoy amoy ko muna siya tsaka hinalik-halikan. "Come with me, I want you to meet someone." Mahinang saad ko tsaka binaba siya at hinawakan ang kaliwang kamay niya saka lumabas sa office namin.
Sa pagkalabas namin sa office, masayang nakikipag kwentuhan si Prince sa mga kapatid ko habang nakatalikod sa amin. "Prince." Tawag ko tsaka siya lumingon. Napatingin naman agad siya sa hawak kong si Jai. Lumapit kami sa kinaroroonan niya tsaka ako nagsalita.
"Prince I want you to meet Jai...our son." Mahina kong saad dahil naiiyak ako sa pagtatagpo nila. Ang tagal kong hinintay 'to. Ang tagal kong hinintay na ipakikilala sila sa isa't-isa.
Lumuhod si Prince para makapantay niya si Jai, pero nagtago naman si Jai sa likod ng mga binto ko habang nakayakap sa mga ito. "Our son? I have a son?" hindi makapaniwalang saad ni Prince at parang naluluha na din.
"Tol tara muna doon, naiiyak din ako. Ate pahiram kotse mo muna, sa A&B muna kami." Saad ni Jeric tsaka kinalkal ang susi sa bag ko. kahit kailan talaga 'yon, iyakin. Tsaka sila lumabas.
"Hey, baby! I'm your Dad. What's your name?" nakangiting tanong ni Prince sa bata na nakatago pa din sa likod ng mga binti ko. unti-unti naman siyang nakiharap sa tatay niya saka nagsalita.
"I'm Prince Jairus po. Jai for short." Sagot naman ng anak ko. "Momma is he my Dada?" tumingin ako sa kanya habang nakatingala siyang nagtatanong sa akin.
Pinunasan ko muna ang mga luha ko tsaka ngumiti ng matamis sa anak ko saka tumango-tango. "Yes baby." Dagdag ko pa.
"Hello Dada. Can I hug you?" tanong ng anak ko. Tumango naman agad si Prince tsaka sila nagyakapan.
Pinunasan ko ulit ang mga luha kong tumulo dahil sa saya nang makita silang nagyakapan.
"Yes you can baby Jai." Nakapikit na saad ni Prince habang magkayakap silang dalawa.
"Why are you crying Dada? And what took you so long in abroad?" dire-diretsong tanong ni Jai nang naghiwalay na silang nagyakapan. Hinawakan ni Jai ang mukha ni Prince habang pinupunasan ang mga luha niya.
Tumingin sa akin si Prince na para bang nanghihingi ng sagot dahil hindi niya alam ang isasagot sa bata. I just murmured him 'work' "Dada have to work for your future." Maikling saad naman ni Prince sa bata.
"Can you hug me again?" tanong ulit ni Prince. Niyakap lang naman siya ni Jai. Tumayo naman si Prince habang buhat-buhat si Jai.
"Yaaay, my Dada is so tall and handsome. Wait.. I remember something. You're the one who helped me find my Momma, the one who gave me a Pikachu stuff." Tanong ni Jai sa ama neto.
"Ooh?" tila inaalala naman ni Prince ang sinasabi ng bata. "Oh yeah, that was me. And that was you!" tsaka sila nagtawanan. Tumawa din ako.
"Pinalaki mo bang Inglesero 'tong anak natin?" bulong sa akin ni Prince.
"Hindi ah. Ewan ko nga jan kung bakit nag-iingles." Sagot ko din.
"Ay nagtatagalog pala si Dada. Hirap na hirap pa man din akong mag-ingles, nakakatagalog pala." saad ni Jai tsaka nagtawanan ulit kami.
"Madaldal pala 'to." Bulong ulit ni Prince sa akin. Tumango-tango lang naman ako.
"So. Saan mo gusto magpunta ngayon baby?" tanong ni Prince sa bata.
"Yaaay, I want to visit the Snow World po Dada." Sagot naman agad ni Jai.
"Snow World? Hindi ba sa Star City 'yon?" tanong niya.
"Meron ding Snow World jan sa tabi ng A&B Shopping Centre, mas malaki at mas maluwang, bago pa." saad ko.
"Ooh, so should we go then?" tanong ni Prince.
"Yeeey, lets go.." masayang saad naman ni Jai.
---
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...