H E L L O
Chapter 34
3rd Person POV
Nasa loob ng mansion ng mga Aguilar si Jess pagkatapos siyang tawagan ng ina ni Prince, pinasundo ng matanda si Jess sa driver nito at dinala doon. Tila nagbalik siya sa nakaraan. Muling nagbalik ang kanyang mga pangit na alaala. Fear and hurt gripped her heart. Mauuulit ba uli ang nangyari dati? Hindi alam ni Jess kung kakayanin pa niya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo iha?" nakakatakot na tanong ng ina ni Prince kay Jess pagkaupo palang neto sa sofa.
"Mahal ko po talaga ang anak niyo." Lakas-loob na sagot ni Jess.
"That's the most overrated word I've ever heard in my entire life. Alam nating pareho kung ano ang habol mo sa anak ko. Name your price para din sa kinabukasan ng anak mo. basta alam mo kung saan ka lulugar." Nakakamatay na tingin ang binigay ng matanda kay Jess.
"Nagkakamali po kayo ng iniisip sa akin. Alam po nating pareho kung bakit ko tinanggap ang pera noon. At may karapatan po ang anak ko na makilala ang ama niya." Matapang na saad ni Jess.
Kinuha naman ng matanda ang pamaypay niya dahil tila sasabog na sa galit.
"Huh! At ginamit mo pa ang anak mo para makuha ang anak ko. It doesn't make any difference. You accepted the money, that's it." Galit na tugon ng matanda.
"Ibabalik ko din po ang perang sinasabi niyo basta hayaan niyo lang po kami ng anak niyo." Saad ni Jess.
---
Naisipan naman ni Prince na bisitahin din ang ina niya dahil hindi niya naabutan si Jess sa Gym neto, nagmamadali daw itong lumabas sabi ng assistant niya at hindi alam kung saan ang lakad nito, kaya dumiretso siya sa mansion nila. Sa condo kasi siya naninirahan ngayon.
Papasok na sana siya sa loob nang may narinig siyang nag-uusap sa sala nila kaya pagpasok niya sa pintuan nila ay nagtago muna siya sa likod ng malaking vase ng Mommy niya kaya rinig na rinig niya ang usapan...
"Ganoon ba? You're smarter than I thought. You're clinging to my son because you know that you could get more than six hundred thousand right? Okay, I said, name your price." Rinig na rinig ni Prince boses ng kanyang ina na naiinis.
Huminga naman ng malalim si Jess tsaka nagsalita. "Wala po akong hinihinging halaga sa inyo. Alam po ninyo na ang peranag binigay ninyo sa akin dati ay ginamit sa operasyon ni Papa. Wala po akong hinihingi sa inyo. At ang gusto ko lang po ay hayaan na po ninyo kami ng anak niyo." Lakas-loob na nanginginig pang saad ni Jess.
Nagulat nalang si Prince nang marinig ang boses kung sino ang kausap ng ina niya. "It's Jess." Bulong niya.
"Hinding-hindi ako makakapayag na ikaw lang ang magiging asawa ng kaisa-isa kong anak! Ito ang isiksik mong mabuti sa kukute mo. Kapag hindi ka nakipaghiwalay sa kanya madadamay pati ang pamilya mo! kaya kong sirain lahat ang buhay ng buong pamilya mo." dinuro-duro pa ng matanda si Jess habang nakapikit lang si Jess. Si Prince naman nanatiling nakikinig sa usapan kahit gusto na niyang sumugod din doon.
"I know that you don't underestimate me. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Believe me when I tell you, sisirain ko ang buhay mo at ang pamilya mo kapag ipinagpatuloy mo pa ito." Makikita mo talaga na determinado ang matanda.
Napapikit lang si Jess habang inaalala ang masayang mga ngiti ni Prince. Will they survive this pains and heartaches again this time? Hindi na napansin ni Jess na tumulo na pala ang kanina pa namumuong mga luha niya. Isipin pa lang niya ay para sa siyang pinapatay nang paulit-ulit.
Si Prince naman ay nanatiling nakamasid sa gilid at tila may gusto pa siyang marinig mula kay Jess.
"Psh! Why the tears? Hindi naman kita pinipilit sa gusto kong mangyari diba? It's up to you. Well, pwede ninyo namang ipagpatuloy and pagmamahalan niyo. Just be ready to suffer the consequences. And also I disinherit him." Maanghang na saad ng matanda. Hindi alam ni Jess kung ano ang isasagot niya kaya nanatili siyang tahimik na humihikbi.
"Yes. I can and I will." Banta pa ng matanda.
Hindi na kinaya ni Prince ang mga naririnig niya kaya lumabas na siya sa pinagtataguan niya at dumiretso sa kinaroroonan ng ina niya at Jess. "Then do it!"
Sabay naman na napalingon si Jess at ang ina ni Prince sa nagsalita mula sa pintuan na si Prince na may napakadilim na ekspresyon sa mukha niya. Ngayon lang nila makitang ganito ang aura ni Prince.
Lumapit naman si Prince kay Jess at hinawakan ang kamay niya tsaka hinila papatayo. Walang nagawa si Jess kung hindi tumayo. Habang si Prince ay madilim na nakatingin sa ina niya.
"You don't understand son. This girl is a scheming gold digger. Humingi siya ng pera sa akin." Pagsisisnungaling ng matanda.
"Stop fooling me Mom. I heard everything. Hinding-hindi ko na siya hihiwalayan kahit ano ang mangyari, whether you like it or not." Saad ni Prince saka hinila si Jess papalayo sa ina nito.
"I will disinherit you Raven." Sigaw na banta naman ng matanda.
Saglit na huminto ang dalawa sa paglalakad papaloyo. "I told you, do it. Wala akong pakialam sa mana ko. kahit kailan hindi ko naisip na magagawa mo 'to Mom." Puno ng hinanakit na saad ni Prince sa ina niya bago tuluyan tuloy tuloy na naglakad papalayo sa ina niya.
Halos madapa naman si Jess dahil sa sobrang bilis ng paglalakad at pagkakahila ni Prince sa kanya.
"Prince..." tawag niya sa nobyo.
"What?" he snapped at her. Tumigil sila sa paglalakad sa harap ng sasakyan ni Prince tsaka hinarap si Jess. "Why didn't you tell me before? Why?" sunod sunod na tanong ni Prince kay Jess habang nakapatong ang dalawang kamay niya sa balikat ni Jess, na tila niyuyugyug.
"I don't know how to tell you." Inosenteng saad ni Jess.
"Bakit mo hinayaang kamuihan kita. Why did you let us suffer?" sunod sunod pa din na tanong ni Prince kay Jess habang nagtutubig na din ang mga mata nito.
Tuluyan na ding naiyak si Jess "Wala na akong nagawa dati... nag-aagaw buhay si Papa. I'm so sorry..Prince." nilagay nalang ni Jess ang dalawang kamay niya sa mukha niya dahil humahagulgul na siya nang maalala ang nangyari sa nakaraan.
Malumanay namang inalis ni Prince ang mga kamay ni Jess sa mukha niya tsaka pinunasan ang mga luha nito. Hinalikan ang noo bago niya ito niyakap nang mahigpit. "God knows how much I love you. Hinding-hindi nawala 'yon at hinding-hindi na mawawala 'yon. I love you Jess." He kissed her head, her forehead, down to the tip of his nose, and finally her waiting kissable lips. They just kissed passionately.
"Will you marry me Jess?" he murmured to her lips. Nanlaki naman ang mga mata ni Jess at napahiwalay siya rito.
Katahimikang mga ilang Segundo ang bumalot sa kanila na tila naghihintay ng mga sagot. Hindi naman agad makapaghintay si Prince sa sagot ni Jess... "So?" tanong niya rito.
"Yes, with pleasure." Nakangiting saad ni Jess. Nang marinig palang naman ni Prince ang 'Yes' ni Jess ay binuhat na niya ito at pinaikot-ikot. Tsaka hinalikang muli.
"But Prince I have to tell you this secret of mine." Saad ni Jess.
Napakunot naman ang noo ni Prince na tila puzzled sa sinabi ni Jess. "What is it?"
"Come! Let's go to our house." Yaya lang naman ni Jess sa kanya tsaka sila sumakay sa sasakyan ni Prince.
---
(Yaaahy,,,, cute nila sa multimedia noh?)
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...