H E L L O
Chapter 26
Jess POV
Ang bilis ng araw na dumaan at Biyernes na naman ngayon. Napabuga lang ako ng hangin. This past days, naging tulala na ako. Still thinking about what will I say if we met again.
"Ang lalim non ah." Napatingin lang ako sa nagsalita doon.
"Blake. Kumusta na? ngayon ka lang ulit napadpad dito ah." Casual kong saad sa kanya.
"Doctor po kaya ako, palaging busy. Tignan mo nga pati abs ko napapabayaan na." Nakangiting saad niya.
"Haha, ikaw nang busy, pero bakit ka napadpad dito? nagiging bilbil na ba. So ilang oras po Mister?" nakangiting tanong ko.
"Dalawang oras everyday until this year ends. Here's my acc number, ibawas mo nalang jan. Anyway, kumusta ka na, si Jai?" saad at tanong niya tsaka binigay sa'kin ang card niya. Inirapan ko lang, tignan mo 'to. Akala ko ba busy siyang tao?
Nagkibit-balikat lang ako. Tsaka siya binook. "Okay lang naman kami." Tipid na saad ko.
Nang biglang nagbukas ulit ang pinto kaya napatingin kaming sabay ni Blake. Si Kate lang pala.
"Hi there!" bati lang niya habang naglalakad papalapit sa amin.
"Hi! I remember you." Saad ni Blake.
"Yeah. Blake right?" patanong niyang saad kay Blake tsaka nakipag-beso kay Blake habang pinanlakihan ako ng mga mata niya, na tila ba nagtatanong na 'Anong meron?' nagkibit-balikat nalang ulit ako.
"Cge doon na ako. Nice meeting you again." Paalam ni Blake tsaka nagpunta na doon.
Nang kami nalang ni Kate ang natira. Nakatingin lang sa akin si Kate na para bang nanay ko kung makatingin na nahuli at magtatanong ng 'What's goin' on?'
"What?" painosente kong tanong.
"Anong 'What?'. Bakit nandito 'yon?" tanong niya
"Malamang magi-gym po." Malumanay kong saad.
"Maggi-gym lang ah, pero kung makatingin sa'yo akala mo kung pagmamay-ari ka niya. Jess halatang-halata siya ah, pano kung ligawan ka niyan.?" Saad niya, kahit kailan talaga 'tong kaibigan kong 'to hindi nagbago.
"Why not?" loko kong saad habang nakangiti at bising nagrerecord sa PC.
"Jess! May anak ka na at hindi alam ng tatay niya na may anak na pala siyang nag-eexist dito sa mundo. Tsaka alam ba niya 'yon?" tuloy tuloy nyang saad.
"Yup, he knows! Ano na naman bang masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" iritang tanong ko. Kahit kailan kasi 'tong kaibigan kong 'to maingay eh.
"Ahy bahala ka jan sa buhay mo, malaki ka na. Aaah, ayan tuloy nakalimutan ko na. Anyway, namiss lang talaga kita. Labas naman tayo oh, magpapasama lang ako, may importante lang na bibilhin." Sabi niya.
"Maraming tao dito eh, hindi dapat ako lumalabas." Saad ko.
"Jess naman eh! Anjan yang assistant mo oh, anong silbi niya? Tsaka hindi naman tayo magtatagal." nagtatampong saad niya at napatingin lang ako sa assistant ko.
"Cge na nga." In the end pumayag din ako. Namiss ko din naman 'tong bestfriend ko kahit papano.
Iniwan ko na ang sasakyan ko doon dahil sasakyan niya ang gamit namin tsaka sabi niya ihahatid din niya ako bago maggabi sa Gym ko.
"At ano namang ginagawa natin dito? don't tell me bibili ka ng PT?" lokong tanong ko dahil nandito kami sa Drug Store. Naalala ko kasi dati, nagpasama siya sakin na bumili ng ganoon.
"Exactly! this past few days kasi parang weird yung pakiramdam ko." Nakangiting saad niya
Napanganga lang ako. Okay!
---
"Kate matagal pa ba 'yan?" tanong ko habang palakad-lakad dito sa labas ng mga cubile dito sa CR ng A&B.
"Eto na, Eto na po" saad niya at narinig kong nag-click yung lock ng pintuan niya kaya dali-dali akong nagpunta sa kanya. "Parang mas excited ka pa sa akin ah. Yung totoo?" biro niya.
"Hindi ah." Palusot ko pero ang totoo, medyo excited nga.
Nakatingin lang kami sa sa PT na hawak niya nang biglang naging two lines. Nagkatinginan kami ni Kate tsaka nagtatalon-talon.
"Aaaaaah" tili naming pareho.
"Hep..Hep. bawal tumalon ang buntis." Saad ko. "Tara na nga, ilibre mo na ako at nagugutom na ako." Saad ko tsaka kami lumabas.
Dumiretso kami sa Pizza Hut tsaka siya nag-order.
"Bakit ang dami naman ata? Naglilihi ka na ba?" birong tanong ko.
"Hmmm, a bit. Pero kahit naglilihi ako hindi ko naman mauubos lahat 'to. Tumawag kasi si Honeypie kanina, nandito din daw siya sa A&B kaya tinawag ko na." saad niya.
Napatingin lang ako sa kanya nang lantakan niya ang Italian spaghetti. "Hindi na ba natin hihintayin ang Honeypie mo?" nagtataka kong tanong.
"gutoom na ako ehy. Paparating na din daw shila.." saad niya habang puno ang bunganga niya.
Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya. "Sila?"
Tumango-tango lang siya tsaka nilunok ang nasa bunganga niya. "HONEYPIE HERE!" napatingin lang ako sa may pintuan.
And there he is smiling to his wife. Napatingin lang ako sa kasama niyang nasa likod. It's him. Its Prince.
To be continued...
---
(Blake at the right side..)
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...