[Forty-four]

3.2K 71 3
                                    


B O N J O U R

Chapter 44

Jess POV

Ngayon ang unang araw ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, sobrang kinakabahan din ako sa susunod na mangyayari. Tinext ako ni BJ na magkikita kami sa main lobby para ipasyal ako sa companya at ipapakilala na din ako sa mga katrabaho ko.

Nagsuot lang ako ng miniskirt na kulay itim hanggang tuhod at tinernuhan ko ng black and pink na longsleeve pero tinupi ko ito hanggang siko ko at sa baba naman at 2 inches lang na itim na sapatos dahil hindi naman ako sanay sa matataas na sapin sa paa. Linugay ko lang naman ang mahaba kong buhok na hindi ko na napagupitan ng mga ilang taon.

"Pasensya ka na BJ, inayos ko pa kasi yung apartment ko." saad ko kay BJ nang makita siyang nakaupo sa may lobby habang nakatutuk sa cellphone niya. Tumayo naman agad siya ng mapansin niya ako at nilagay ang cellphone niya sa bulsa niya.

"It's alright." Saad niya habang sinusuri ako ng pataas at pababa. "You've change, you look gorgeous." Puri niya na napangiti nalang ako.

"Ano ka ba, hindi ah! Kumusta na si Kate? Kabuwanan na niya ah, dapat binabantayan mo siya ngayon." Saad ko sa kanya.

"Let's start at the base first, let's go. Huwag kang mag-alala sa asawa ko at talagang siya ang nag-utos sa'kin para pumasok ngayon para sa'yo tsaka nandun sa bahay sina Mom and Dad." saad niya habang nagsimula ng maglakad kaya sinundan ko lang siya.

At iyon nga, ipinasyal niya ako mula sa base, papataas hanggang sa pinakataas ng building na'to. Pansin ko pang medyo matalim ang mga mata na nakatingin sa akin habang dumadaan kami sa mga table ng mga empleyado. Nandito pa din kami sa pinakataas na floor ng building na 'to, pumasok kami sa office ni BJ na katabi ng office ni Prince. The day after tomorrow ang dating ni Prince dito sa Pilipinas at baka next week na daw siya pupunta at magtatrabaho dito sa companya nila.

"Joel, please get some ice tea here at my office. And make it two please, thanks!" saad ni BJ sa telepono niya saka binaba din agad.

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan saka may pumasok sa lalaki habang may dalang isang tray at may lamang dalawang basong ice tea.Nagulat ako at lumaki ang singkit kong mata nang makita kung sino ang lalaking bagong dating.

"Joel?" mahinang saad ko pero mukhang narinig ata yun ni BJ dahil pabalik-balik na ang tingin niya sa'min ni Joel.

"Magkakilala kayo?" natauhan lang ako ng magsalita si BJ sa harap ko. Parang nag-iba kasi si Joel ng itsura eh, o parang hindi lang ako sanay. Naka-salamin kasi siya na nagmukha siyang nerd, pati ang ayos ng polo at slacks niya pang-nerd din. Ibang-iba talaga nung isang araw.

"Oh, yeah! We met last Saturday. Magka-building kasi kami ng inuupahan." Sagot ko nalang.

"Oh good, atleast may kakilala ka na dito sa kompanya. Jess meet my assistant Joel and Joel meet Prince' new assistant Jess. Ayaw kasi ni Hon ng babaeng assistant ko." bulong ni BJ sa huling saad niya na natawa lang ako.

"Hi. Ito na po ang juice niyo." Pormal na saad naman ni Joel saka nilagay ang isang tray sa lamesa na nasa harap namin.

"Salamat. Sige ituloy mo na ang pinapagawa ko sa'yo kanina." Saad naman ni BJ. Tumango lang naman si Joel tsaka siya napatingin sa'kin kaya ngumiti lang ako.

Nag-usap pa kami ni BJ ng kung ano-ano tungkol sa companya at sa mga dapat kong gampanan bilang assistant ng CEO na si Prince. Sinamahan din niya akong mag-ayos sa table ko sa mini office ko na nasa tapat ng office ni Prince. Binigyan na din niya ako ng gagawin ko parang sample lang kung baga. Nang makalipas ang alas-tres at natapos ko naman na ang pinapagawa niya sa'kin, pinauwi na niya ako. Actually hinatid pa nga niya ako sa bagong apartment ko bago siya umuwi sa bahay nila.

"Salamat BJ." Saad ko saka sinara ang pintuan ng kotse niya.

"Wala yun, goodluck sa mga susunod na araw. Magiging maayos din ang lahat." Saad din niya saka ngumiti.

"Sana nga. Sige. Salamat ulit." Saad ko saka kumaway na.

Naglakad na akong papasok sa apartment ko saka tinawagan si Jai. Miss na miss na daw niya ako pero okay lang daw kasi naiintindihan naman niya na para sa kanya ang ginagawa ko. Napaluha nalang ako pero hindi ko pinahalata sa kanya habang kasusap ko siya. Kinumusta ko siya at okay lang naman daw siya dahil inaalagaan naman daw siya ng maayos ng mga kuya at Lolo niya.

Nagkwentuhan pa kami ng mga ilang oras hanggang sa wala na akong marinig na boses ng anak ko at mga munting hilik nalang. Nakatulog na pala siya habang magkausap kami.

"Goodnight my baby, sweet dreams." Mahinang saad ko saka iyon binaba.

-----

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon