[Thirty-eight]

3.8K 91 1
                                    

B O N J O U R

Chapter 38

Jess POV

Pinahiga na ni Prince si Jai sa kama dahil knock-out na talaga ang bata. Nag take-out nga kami ng dinner namin but I guess magiging breakfast nalang namin bukas dahil hindi din nakain. Pinalitan ko din ng pajama si Jai na galing sa paperbag na binigay ni Prince.

Nandito na kami sa Baguio ngayon, dito sa resthouse ng mag-asawang BJ at Kate. Pinaalam na daw ni Prince sa kanila, na tutuloy muna kami dito ng mga ilang araw.

Binigay din ni Prince ang isang malaking paperbag sa akin tsaka siya lumabas ng kwarto. Nang mapalitan ko na ang anak namin na hindi man lang nagising dahil sa sobrang pagod ay naligo din ako kahit malamig. Kaya nang pagkatapos kong maligo ay nilalamig talaga ako kaya lumabas muna ako para hanapin ang kitchen para makapag-kape man lang.

"You're cold, aren't you? Bakit ka pa kasi naligo? Here, gumawa ako ng hot chocolate." Saad ni Prince tsaka inabot sa akin ang isang tasang hot chocolate.

Napatingin lang din ako sa kanya, nakabihis na din siya ng pajama niya. Kahit nakapangtulog lang siya ay napaka-gwapo pa din niya tignan.

Napitlag lang ako nang hawakan niya ang isang kamay ko at hilain ito. "Naiinlab ka naman sa ka-gwapuhan ko." saad pa niya habang papaupo kami sa malambot na sofa. Napangiti lang ako sa sinabi niya, well, sino ba naman ang hindi maiinlab sa katangian niya?

In-on niya yung tv sa harap namin, saka tumayo. Ako naman humigop lang sa hawak kong hot chocolate. Pagbalik niya ay may dala siyang maliit na comforter. Umupo siya sa tabi ko tsaka iyon ikinumot sa likod namin sabay sabing "Mahirap magkasakit."

Mga ilang minute din ang lumipas na tanging ang mahinang tv lang ang maririnig mo. nakaganoon pa din kaming posisyon. Magkatabi sa gilid ng napakaluwang na sofa. Nang naubos na niya ang hot chocolate niya, nilapag na niya sa mini table sa harapan namin, habang ako ay nakahawak lang ang dalawa kong kamay sa tasa dahil mainit ito at malamig ang kamay ko kaya gustong-gusto ko.

Maya-maya pa ay niyakap niya ang bewang ko saka pinatong ang ulo niya sa may balikat ko. "I'm still cold Sweetheart." Malambing niyang saad.

"Tara buhos natin sayo yung hot chocolate na natira pa doon." Lokong saad ko, gusto ko nang matawa sa itsura niya dahil alam ko ang gusto niyang mangyari.

Nakanguso lang siya na nasulyapan ko sa may balikat ko. "Why didn't you tell me about Jai?" seryosong tanong niya, hinigop ko muna ang natitirang laman ng tasa ko tsaka iyon nilapag sa may lamesa.

Nagkatitigan muna kami sa isa't-isa tsaka ako yumuko at nagsalita. "Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa'yo, matindi ang galit mo sa akin noon at natatakot ako na hindi ka maniwala." Nakayuko pa din ako habang mahinang sinasabi ang mga 'yan.

Hinawakan niya ang baba ko saka marahan na tinaas ito para magkatinginan kami. "I'm so sorry, nabalot ang puso at buong pagkatao ko sa paniniwalang hindi naman pala totoo. I'm so sorry for not there when Jai was born and grew up. Pangako hinding-hindi na ako mawawala sa inyo." Saad niya tsaka ako binigyan ng matamis na halik sa labi. Tumugon lang naman ako "So kailan mo na ako papakasalan?" bigla siyang kumalas tsaka tinanong 'yan. Kainis, nag-eenjoy na ako eh.

"Hindi ko alam sa'yo, ikaw naman ang nagyayang magpakasal diba?" birong sagot ko.

"Kung pwede lang ngayon ay gagawin ko, pero tulog na ang mga pari kapag ganitong oras. Bukas nalang." Saad niya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Seriously?" mahina kong tanong dahil sa sobrang higpit ng mga yakap niya.

"Ayaw mo?" sabi lang niya tsaka niluwangan ang yakap niya sa akin, kaya pinulupot ko din ang mga kamay ko sa bewang niya tsaka niyakap, napasubsub lang naman ako sa matigas niyang hinaharap.

"Agad-agad kasi. Gusto ko din naman kasing ikasal sa simbahan at naroon ang mga kapatid at si Papa, pati na din ang mga kaibigan na'tin. Paghandaan nalang muna natin." Malumanay kong saad.

"Okay, if that's what you want." Sabi lang niya saka hinalikan ang tuktuk ng ulo ko. napapikit lang naman ako.

"Sana ganito nalang tayo palagi." Mahinang saad niya. 'Oo nga' gusto ko 'yang ibigkas pero bigla akong may naisip.

"No, hindi pwede. I mean kailangan ko nang tumabi sa anak ko, didilubyo 'yon kapag nagising siya na makitang walang katabi." Pagpapanik ko. ngumiti lang naman si Prince.

"Tara na nga. Matulog na din tayo para may lakas para bukas." Saad niya. Nakatingin lang ako sa kanya na tila inaabsorb ang mga sinasabi niya.

"Sabi ko tara na. Aaaah!" napatili lang ako nang buhatin niya ako. "Ano na naman bang iniisip mo ah? Matutulog lang po tayo kasama ang anak natin." Saad niya habang naglalakad papunta sa kwarto. So ibig sabihin matutulog kaming magkakatabi?

Nilapag na niya ako sa kama at humiga na din siya sa kabilang side ni Jai pero hindi pa rin ako makapaniwala. Ang tagal ko kasing hinintay ito. Ang magkakatabi kaming tatlo sa pagtulog. Napaluha nalang ako sa saya.

"Why are you crying?" tanong niya habang nakaupo sa kama. Umiling-iling lang ako tsaka ngumiti sa kanya saka na humiga.

"I'm just happy. Thank you Prince. Good night!" saad ko tsaka pinatay ang lampshade sa tabi ko saka pinikit ang aking mga mata.

"I'm happy too. Good night love!" nagulat nalang ako sa bumulong sa may tenga ko tsaka may humalik sa noo ko. pero nakapikit pa din ang mga mata ko habang nakangiti.

----

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon