[Fifteen]

4.3K 103 0
                                    

N I H A O

Chapter 15

Jess POV

"Aaaaaah..." kulang nalang mag-cartwheel si Kate sa sobrang tuwa nang naikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Prince kahapon, including my feelings for him.

"Sabi ko na nga ba! Dati ko pang nase-sense 'yan eh!" at tumili na naman po ang bruha kong besfriend.

"Sshh!" saway ko lang sa kanya dahil wala atang balak na tumigil ang lola niyo sa kakatili. Naglalakad kami ngayon dito sa corridor. Kakatapos lang ng klase namin at nagkita kami kanina, magkatabi lang naman kasi ang classroom namin. "Baka may makarinig sa'yo kaya itikom mo 'yang bibig mo!" dag dag ko. Kahit wala masyadong tao dito sa corridor, nag-aalala pa rin ako na baka may makarinig.

"Bakit ba? Totoo lang naman ang mga sinasabi ko." At proud pa niyang saad.

"Wla pa kaming relasyon." Saad ko.

"Pero doon na rin ang punta nyo ni Prince Ra---!" kinikilig pa din niyang saad pero mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"Katiebelle!" inis kong saad sa kanya habang papaupo sa bench na nadaan namin malapit sa grass field

Sumimangot lang siya. "Basta! Sigurado na ako na hindi magtatagal at magiging kayo na." sabay hampas sa balikat ko.

"Whatever! Tara na nga sa canteen. Gutom na ako." Sabi ko tsaka tumayo sa kinauupuan namin.

Nag-order na kami ni Kate at umupo sa bakanteng upuan sa gilid ng canteen. Simpleng pagkain lang ang pagkain ko pero parang masarap.

I missed Prince already. Kahit kahapon ko pa siya huling nakita, sa rooftop, kung saan siya nag-confess at hinalikan ko.

Halos puno na ang canteen at maingay na ang buong paligid. Our cafeteria was quite huge. Hindi masyado magkakadikit ang mga mesa kaya mayroon pa ring privacy ang bawat kumakain.

Natapos na kaming kumain ni Kate nang biglang tumahimik ang paligid. Nakatalikod kasi ako sa main entrance ng canteen na hindi ko alam kung bakit nakatingin lahat ng mga tao doon. Wala naman akong balak na tumingin din doon dahil hindi naman ako itsurera, pero..

"Gooooosh! Jess!" napatingin lang ako kay Kate na nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa likuran ko kaya lumingon din ako ng wala sa oras.

My heart skipped a beat with what I saw. Prince is holding a bouquet of pink roses. Palingon lingon ito na tila may hinahanap.

"Jess, siguradong ikaw ang hinahanap niya. Lapitan mo na, bilis!" saad ni Kate na tila ipagtulakan ako.

I was about to stand up, but I froze when a woman came to Prince and threw herself in his arms.

Biglang nagbulong-bulungan ang paligid at agad na nawala iyon nang biglang halikan ng babae si Prince sa labi.

I felt like my heart was snatched from my chest and crashed on the wall.

That's it!

That's the reality!

Wala lang ako sa kanya. I was so stupid to hope that there was something special between us. Napakalaki kong tanga para umasa.

His eyes grew wide when our eyes met. Dali-dali niyang nilayo ang mga labi niya sa kahalikan niyang babae gaya ng ginawa kong pagkuha sa bag ko at dali-daling lumabas sa kabilang pintuan ng canteen.

Hindi ko alam kung bakit ang sakit-sakit. Hindi ko namalayan na nagtutubig na pala ang mga mata ko.

Lakad lang ako ng lakad habang hindi ako nakatingin sa lalakaran ko nang may nabungo ako ang ang lakas ng impak non para mapaupo ako sa sahig.

"Sorry Miss.." saad niya at tinulungan akong tumayo "Hey, are you okay?" nakatingin siya sa mukha ko.

Hindi ako yung taong pinapakita ang aking mga luha sa iba kaya dali-dali kong pinunasan ang mga patak ng luha ko.

"Wala ka nang pasok diba?" tanong niya. Tumango lang ako tsaka niya ako hinila.

"Te-teka!." Sabi ko pero parang wala siyang narinig. Wala ako sa kondisyon para makipag-away sa kanya kaya nagpatangay lang ako.

Maya-maya, nakarating kami sa mga nagtitinda ng Street foods.

"Oh! Libre ko 'yan. Wag na nang mahiya." Sabi niya tsaka binigay sa akin ang bagong lutong kwek kwek.

Kumain lang kami nang tahimik hanggang sa mabusog kami.

"Okay ka na?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa eskwelahan. Tumango lang ulit ako.

"Hindi ka palasalita noh? I'm Blake by the way. Blake Morales." Sabi niya at nakikipag-kamay.

"Jess." Maikli kong saad tsaka nakipag kamay sa kanya.

Bumalik kami sa eskwelahan habang nagku-kwento siya. Nag-enrol daw siya kanina ng back-up subject niya. At malungkot siya kasi hindi siya ga-graduate ngayon. At kung ano-ano pang kinu-kwento niya tungkol sa tala ng buhay niya. At kahit papano nalibang ako.

---

(Meet the new cast, Blake Morales at the Multimedia.. Ano naman kaya ang magiging papel niya sa storya nina Prince at Jess?)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon