A N N Y E O N G
Chapter 32
Jess POV
Papalubog na ang araw nang magyaya ang mag-asawa na mag-inuman. Bumaha ng alak sa buong lugar at ang musikang pumapailanlang sa paligid ay malamyos na tugtugin. May kanya-kanyang grupo ang mga bisita sa pag-iinuman. Nasa iisang mesa lang kami ni Prince, kasama namin ang mag-asawang Kate at BJ at may dalawa pang couple na kabatch din namin nung college na hindi ko masyado kilala. Bagaman hindi kami nag-uusap ni Prince ngunit magkatabi kami ng upuan.
Mukhang lasing na si Kate kaya medyo makulit na siya, buti nalang nanjan ang asawa niya. Ako din ay tinamaan na ng alak dahil hindi naman talaga ako umiinom. "Okay, maglaro pa tayo ng isa pang game, payag ba kayo?" saad niya. Kakatapos lang kasi ng laro naming 'Drink that ALL' kaya medyo may tama na kaming lahat dito sa mesa namin.
Hindi nalang ako umimik pero ang iba naming kasama ay sumang-ayon.
"Sige, spin the bottle ang lalaruin natin ngayon. Sasagot sa tanong ang matapatan ng nguso ng bote, okay?" wala na akong nagawa nang nilagay na ni Kate ang bote sa gitna at pinaikot na ito tsaka tumapat kay BJ.
"Sino'ng first love mo?" tanong n Kate sa kanya.
"Of course, you." Sagot agad ni BJ at naghalikan pa sila na naghiyawan ang lahat sa table namin, napangiti nalang ako at tumingin sa katabi ko. Prince look so serious, as if he is in a deep thoughts.
Muling pinaikot ni BJ ang bote at tumapat sa isang babae na hindi ko masyadong kilala pero parang familiar siya. Tila may nabuong tensyon sa kanila na hindi ko maintindihan. Lalong lalo na sa sumunod na natapatan at sa mga sumunod pa. Pagkatapos nilang sagutin ang mga tanong ay muling inikot ni Kate ang bote. Sa pagkakataong ito ay kay Prince tumapat.
Ang babaeng huling sumagot kanina ang nagtanong sa kanya "What's the thing in the past that hurt you the most?" kitang-kita ko sa mukha ni Prince ang mga sagot. He look like he still in pain. Hindi ako makapagsalita at wala ring gustong magsalita sa aming lahat, nakakabingi lang ang sobrang matahimikan na bumalot sa mesa namin na tila hinihintay ang mga sagot niya.
'You don't know how much I feel sorry until now' saad ng utak ko. hindi ko na magawang kumurap nang magsimula niyang magsalita.
"There's only one thing that hurts me. Kahit kailan ay hindi ko naranasang masaktan nang totohanan except for this one. I thought that this girl that I loved so much loved me too, but I was wrong. I hate the feeling of being hurt. Gusto ko siyang tanungin nang paulit-ulit kung alam ba niya ang pakiramdam ng nasasaktan. Kung naranasan na ba niya ang mga naranasan ko dahil sa kasinungalingan niya...Puro bakit, napakaraming bakit." Tila mapakarami talaga niyang hinanakit habang sinasabi 'yan. I just wanted to cry so badly. Oo nga pala niloko ko nga pala siya. Nagsinungaling ako sa kanya. Bakit ba ako umaasang pwede pa naming maibalik sa dati ang lahat?
Binasag ni Kate ang namamayaning katahimikan. "Okay, sige, let's spin—" pinutol ni Prince ang sasabihin sana ni Kate.
"Let's not Kate. Total si Jess na lang naman ang hindi natatapatan ng bote, let her answer my question." Nasa tono pa din niya na galit siya sa akin.
"Ah sige, ikaw ang bahala." Pagpapaubaya naman ni Kate.
Humarap si Prince sa akin na may nang-uusig na mga mata. The love that I saw a while ago is gone. "Naranasan mo na bang masaktan ng sobra? Have you ever felt heartbroken? Do you know the feeling?" napayuko ako, feeling ko anumang oras tutulo na naman ang mga luha ko, pero pinigilan ko lang 'wag kang iiyak'. this feeling again, hurt all over again. Hindi naman talaga iyon nawala eh, sa halip ay mas nadagdagan pa sa bawat araw na lumilipas.
Inangat ko ang mga tingin ko sa kanya at matapang na sinalubong ang mga mata niya. "Simple lang naman ang mga naranasan ko, sigurado ako na walang-wala iyon ikukumpara sa mga naranasan at naramdaman mo. Naranasan kong hindi matulog at kumain ng ilang araw o sabihin nating mga ilang lingo. Hindi ko na kaya nang malaman kong umalis na siya. Hindi nawawala ang sakit, bagkus ay lalo pa iyong lumalala sa bawat araw na lumipipas. Sobrang sakit dahil mahal mo siya nang sobra-sobra pero hindi mo man lang nasabi na mahal na mahal mo siya. Ang masakit pa doon ay alam mong kahit kailan ay hindi ka na uli magkakaroon g pagkakataon na sabihin sa kanya kung gaano mo siya kamahal." Marahas kong pinahod ang tumulong luha sa aking pisngi. I just promised not to cry but I just couldn't help it.
"Lumiit ang mundo ko. Alam mo ba kung bakit? Dahil halos lahat ng lugar ay naaalala ko siya. 'Yong mga lugar at bagay na dating natural lang sa akin ay nag-iba. Pati parang nakikita mo siya araw-araw dahil sa iniwan niya sa'yo? Napakasakit dahil hindi man lang niya alam na nagkakaganito ako. Hindi man lang niya alam na noong umalis siya ay dala niya ang puso ko at parang kahit kahit kailan ay hinding-hindi niya malalaman ang tungkol doon. Ang sakit isipin na ako lang ang nakakaramdam ng Ganito, dahil habang umiiyak ako gabi-gabi ay labis-labis naman niya akong kinamumuihan." Tuloy tuloy na ang pag-agos ng mga luha galing sa mga mata ko, hindi ko na talaga mapigilan at hindi ko na din makontrol ang emosyon ko.
"Ikaw, alam mo ba ang ganoong pakiramdam ha? Naranasan mo na bang parang gusto mo nang mamatay dahil hindi mo na kaya ang sobrang kalungkutan? Alam mo ba ang ganoong klase ng pakiramdam? Iyong ayaw mo nang gumising sa umaga? Alam mo ba, ha? Alam mo ba? Gusto ko nang maglaho pero hindi ko makaya, dahil may umaasa at nangangailangan pa sa akin. At dahil kapag ginawa ko iyon ay lalong hindi ko na siya makikita kahit kailan!" that's it. I can't control myself anymore. I just instantly stood up and run away before I broke down infront of everybody.
Tumakbo ako nang tumakbo habang humahagulgol. Kung kaya ko lang talagang maglaho ay ginawa ko na. Hindi ko namalayan na nasa buhangin na pala ako sa tabi ng dagat. Ilang ulit na akong nadapa dito ngunit tumayo lang ulit ako at tumakbo nang tumakbo papalayo sa lugar na 'to. Papalayo kay Prince Raven Aguilar.
Sa isa pang pagkadapa ko ay hindi ko na makuhang tumayo. I just cried on the ground. Nagulat lang ako nang may biglang humatak sa akin patayo. And slammed into a familiar hard chest. Pilit kong nagpumiglas para makawala pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin. Nanghihina na akong nagpaubayang yumakap din sa kanya.
He kissed the top of my forehead tsaka ako unti-unting kumalma. "I love you... I still do. A while ago, hindi ko matanggap na sa kabila ng ginawa mo ay mahal na mahal pa rin kita. I thought you didn't really love me. I'm sorry..." he cupped my face and wipe me tears away with his bare hands at look straight into my eyes. "Will you accept me again?"
Tumulo na naman ang aking mga luha tsaka sunod-sunod na tango ang sinagot ko..
-----
(Yay! Bati na sila, magdiwang na tayo!. :)))
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...