A N N Y E O N G
☆◘◘◘◘☆◘◘◘◘☆
Chapter 43
Jess POV
Sa huli ay napag-isip-isip ko na yun ang pinaka-tamang maging desisyon ko ngayon na dapat kong gawin para maibalik sa'kin este sa'min ni Jai si Prince. Tinawagan ko ulit si Kate kinabukasan para sabihin sa kanya ang alok niya, kinausap ko si BJ at payag na payag naman siya sa gusto ko. Tanging ang mga kapatid ko at si Papa lang ang nakakaalam sa balak ko at sinusuportahan naman nila ang mga desisyon ko, kaya hindi na muna namin sinabi kay Jai ang mga binalita ni Kate at ang pasya kong magpunta ulit sa Manila para makapagtrabaho sa companya nila Prince.
Tatapusin ko muna ang pagtuturo dito sa paaralan na pinapasukan ko, dahil sa dalawang buwan nalang naman na bago magbakasyon. Kinausap ko na din ang Principal namin ang desisyon kong magpunta sa Manila dahil may aasikasuhin ako. At laking pasasalamat ko naman dahil maalalahanin at maunawahin and Principal namin. Titingin nalang daw ulit sila ng bagong kapalit ko next year.
—-
"Momma, bakit kailangan mo pa pong pumunta ng Manila para magtrabaho? Hindi po ba may work ka na dito?" malungkot na saad ni Jai dahil nagpapaalam na ako sa kanya na magtatrabaho ako sa Manila at bukas na ako aalis.
"Kasi baby, para naman sa'yo ito. Para sa future mo, para maibili kita ng mga kailangan mo at para makapag-aral ka ng mabuti. Hindi ka naman iiwan ni Momma eh, magtatrabaho lang siya sa malayo, nandyan naman ang mga kuya at Lolo mo diba? Tsaka tatawag ako sa'yo gabi-gabi, okay ba 'yon?" mahabang paliwanag ko sa kanya. Tumango-tango lang naman siya saka ako niyakap.
Nandito na kami ngayon sa kwarto namin dahil gabi na at maaga ang alis ko bukas. Humiga na kami saka ko siya kinumutan at niyakap naman niya ako agad.
"I'm gonna miss you Momma, tawag ka po gabi-gabi ah. Wala na po akong katabi sa pagtulog." Saad niya habang nakayakap sa'kin.
"Diba big boy ka na? Diba hindi ka takot sa Mumu?" tanong ko at umiling lang naman siya bilang sagot niya pero alam kong takot pa din siya. "Promise baby, gabi-gabi tatawag sa'yo si Momma." Saad ko saka naman siya niyakap ng mahigpit.
Natulog na kami ng sabay na nakayakap. At nagising nalang ako ng naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Si Kate ang nagtext, kaya naman dali-dali ko itong binasa.
'Jess okay na ang pwesto mo sa companya bilang Personal Assistant ni Prince. Pwede ka nang magsimula sa Monday. Kailan ka babyahe dito?' text niya.
Friday lang kasi ngayon. Balak kong bukas ako luluwas ng Manila dahil maghahanap pa ako ng apartment ko doon na matitirahan.
'Bukas na ako luluwas, salamat ah. Salamat sa asawa mo at sayo din, kung hindi sa'inyo hindi ko alam ang gagawin ko.' reply ko.
'Naku, ano ka ba. Wala yun! May titirahan ka na ba dito? Dito ka nalang sa bahay kung gusto mo.' reply niya agad.
'Naku, wag na uy! Malaki akong istorbo sa inyo. Maghahanap palang ako kapag nakarating na ako jan. Wag mo na akong alalahanin.' Reply ko naman.
'Oh kung ayaw mo dito sa bahay, may alam akong condo na matitirhan mo malapit sa companya ng AG.' Text niya.
'Hindi na, baka mas mahal pa sa magiging sahod ko ang upa doon. Wag mo na akong alalahanin, okay na ako. Makakahanap din ako. Teka, kumusta naman ang bagong baby mo?' tanong ko.
'Eto okay naman, healthy. Matakaw sa gatas. Sige, ukiiyak na naman eh. Ingat ka ah, dalaw ka dito kung nandito ka na.' text niya.
'Sige. Salamat.' Reply ko nalang.
Dahil alas-onse naman na ng gabi at hindi ako makatulog, nag-empake nalang ako ng mga damit ko. Mamayang alas-tres kasi ang alis ko dito para alas-nuwebe ng umaga ay nasa Manila na ako.
Nang makalipas na ang oras at ito na ang sandaling mamawalay ako sa mga kapatid ko at sa anak ko. Nakakalungkot pala.
Hinalikan ko si Jai sa noo habang tulog pa din siya. Pinigilan kong hindi tumulo ang mga luha ko, ayoko ng ganito. Matapang ako eh, kakayanin ko 'to. Para sa'min, para kay Jai.
Hinatid ako ni Papa at ni Jasper sa sakayan ng Bus papuntang Manila saka na ako nagpaalam sa kanila.
"Pa, si Jai ah. Jasper yung mga kapatid mo." saad ko bago tuluyang pumasok sa loob ng Bus. Tumango lang naman sila saka ngumiti.
Winawagayway ko lang naman ang kaliwang kamay ko kay Papa at Jasper habang nagsimulang umandar ang Bus. Ng hindi ko na sila makita ay kusang tumulo na ang mga luha ko. Ano ba yan! Nandito palang ako, umiiyak na ako, pano nalang kapag nandoon na ako.
"Miss panyo." Saad ng katabi ko sabay bigay ng panyo.
"Salamat." Sabi ko nalang.
"First time mong mawalay sa pamilya mo?" tanong niya, tumango lang ako bilang sagot sa kanya. "Ganyan talaga sa una, pero masasanay ka din. Sanayan lang 'yan. Pagkaraan ng mga ilang araw o linggo, magiging maayos din ang lahat." Makahulugang saad niya. Hindi nalang ako sumagot.
Nagising nalang ako ng may yumuyugyug sa'kin. "Miss nandito na tayo." Sabi niya. Napatingin naman ako sa paligid at kaming dalawa nalang ang nasa loob ng Bus, nakaunan kasi ako sa balikat niya. Ano ba yan, nakakahiya.
"Sorry." Saad ko nalang saka tumayo, nauntog pa ako sa may lagayan ng baggage sa taas. "Aw!" saka ko hinilot ang ulo ko. Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko na na tumatawa.
"Gutom lang 'yan Miss. Tara na." saad niya at inirapan ko lang siya, tumunog pa kasi ang tiyan ko kaya napatawa pa siya lalo.
Nang tuluyan na kaming makababa ng Bus, sinundan ko lang siya. Eh doon din ako pupunta eh, sa sakayan ng taxi.
"Oh sinusundan mo ako Miss? Ang gwapo ko naman talaga oh." Saad niya na napakunot ang noo ko. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to. Nilagpasan ko siya tsaka tuluyang pumasok sa taxi na nakaparada.
Nagulat nalang ako ng bigla din siyang pumasok na loob at pinagsiksikan ang mga gamit namin.
"San po tayo?" tanong ni Mamong driver. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Oo nga, san nga ba ako?
"Sa RichVille tayo Manong, salamat." Saad naman nung lalaking nasa tabi ko. napatingin ako sa kanya na parang nagtatanong ang mga mata ko.
"Oh, bakit? Hindi ka nagsalita eh. San ka nga ba Miss?" tanong din niya.
Napayuko ako sa tanong niya na nahihiya.
"Don't tell me, wala ka pang titirhan dito sa Manila?" tanong niya. Umiling lang ulit ako.
"Psh! Pasalamat ka maraming bakante sa building namin dahil nagsiuwian at nakatapos na ang mga boarder doon." Saad niya, napatingin naman ako sa kanya na parang nagpapasalamat.
"Joel pala, Joel Fernandez. And you are?" tanong niya saka inabot ang kanang kamay niya.
"Jess, Jessie Navarro. Salamat ah." Nahihiyang saad ko.
"Walang anuman, ako ata ang Knight in Shining armor mo eh." Biro niya saka kami tumawa.
Yeah, maybe he is. But my heart belongs to someone. Only belongs to him, to my Prince!
to be continued...
—-
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...