[Twelve]

4.7K 124 4
                                    

H A I

Chapter 12

Jess POV

Kanina pa hindi maipinta ang buong mukha ko dahil sa labis na pagkayamot kay Prince . Pagkatapos ng nangyari kanina sa gate namin na kung ano ano ang tinanong ni Papa, sa huli ay pinapasok din siya dito sa loob ng bahay. At ang isa pang kinaiinisan ko ay inimbitahan pa siya ni Papa na maghapunan dito sa bahay kasama namin.

Feeling close agad siya sa mga kapatid ko. At hindi ko malaman kung bakit dahil enjoy na enjoy ang mga ito sa pakikipag-kwentuhan sa kanya na laking pagtataka ko. Mukha siyang genuine sa lahat ng pinapakita niya sa pamilya namin. At bilib naman na bilib ang mga kapatid ko nang malaman na isa siyang Medicine student. Ano naman ngayon?

"Mahilig ka ba sa mga hayop Kuya Prince?" tanong ng bunso naming kapatid na si Jairon. Nanunuod sila ngayon ng Animal report ni Kuya Kim at ang pagkakalam ko may assignment siya tungkol sa mga unggoy.

"Oo naman, I have a soft spot in my heart for the animals." Proud niyang sagot.

"Gusto mo ba ang mga unggoy, Kuya?" tanong ulit ni Jairon. Na tila ine-interview niya si Prince tungkol sa assignment niya.

"Yeah, I kind of like them. Naawa pa nga ako sa kanila kapag ikinukulong sila sa mga cage. Alam niyo, mas maganda kapag Malaya sila." Sagot niya.

"Hindi awa ang tawag diyan. Lukso ng dugo." Sabi ng isa kong kapatid na si Jasper na nabalutan ang buong bahay namin ng lakas ng tawa. Habang pulang-pula naman si Prince sa kinauupuan niya dahil sa nangyari.

Nang matapos kaming kumain, ilang minute pa ay nagpaalam na siya sa mga kapatid ko at kay Papa.

Hinatid ko naman siya hanggang sa labas ng gate.

"Thank you Jess. I like your family." Saad niya habang hindi nakatingin sa akin dahil siguro nahihiya.

Napatitig lang ako sa mukha niya na nasisinagan ng street light sa tapat ng gate namin. When our eyes met together, I could see him getting closer towards me. Napalunok ako ng wala sa oras. I have to break his spell before it's too late.

"Uuwi ka na diba?" halos ipagtulakan ko siya papaalis "Bye!" dagdag ko pa tsaka tumalikod na sa kanya nang bigla siyang nagsalita.

"Jess." Malamig niyang saad kaya napalingon ako sa kanya.

"Why?" maikling sagot ko.

He just smiled with his most gorgeous smile ever. "Goodnight!"

I just smiled back. "Goodnight!" for the first time I felt good to have him around.

Pagkapasok ko sa bahay saka naman napuno ng malakas na tuksuan mula sa mga kapatid ko. We just ended up tickling each other and laughing merrily.

Prince POV

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita kong nakaupo sa grand sofa ang aking ina. Dalawang palapag ang bahay namin at parang palasyo kung ituring ng iba. May pitong kwarto at maid's quarters area. Ang mga gamit namin dito sa bahay halos galing ibang bansa.

Our house is bigger and better than Jess', but her home is a thousand times more beautiful than ours. There is something in their house that is lack in our house. And that is Love!

Marangya man ang nakalakihan kong pamilya, nakukuha ko man lahat ng mga gusto ko. Money, girls, material things. Pero hindi kayang ibigay ng mga iyan ang kasiyahang nais ko. Ni hindi nga nila alam kung anong unay na makapag-papasaya sa nag-iisang anak nila eh.

Gusto kong humalik sa pisngi at yumakap sa Ina ko ngunit hindi ko magawa dahil hindi ganoon ang nakasanayan ko. Ni hindi ko nga matandaan kung kailan ako huling himalik at maglambing sa kanya. I just suddenly missed my Dad. Mas close kami ni Dad kompara kay Mom. My Dad is at California, for our Shipping Company there. My Dad is war and funny, unlike my Mom. She is very strict.

"What have you been doing lately Raven?" makahulugang tanong niya na napatigil ako sa paglalakad paakyat ng hagdan.

Nagkibit-balikat lang ako. "Nothing much Mom. I'm quite busy in school." Sagot ko lang.

"Yeah, that's why I was discouraging you from taking up Medicine and take up Marketing instead." Saad ni Mom and she cross her legs.

"Let's not talk about it again Mom. I'm going to my room." Walang gana kong saad at dali daling umakyat sa hagdan patungo sa kwarto ko

That was the reason why my Dad did not here with us. Mas gugustuhin pa niyang mag-focus nalang sa Company namin sa California kesa sa pagma-manipulate ni Mom sa kanya. Kung si Mom ay tutol sa pagkuha ko ng Medicine, si Dad naman ay sang-ayon at sinu-suportahan ang kagustuhan ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay binagsak ko buong katawan ko sa kama. Napapa-ngiti nalang ako nang wala sa oras ng maalala ang mukha ni Jess. Tinamaan na nga ata ako sa kanya. Naalala ko naman ang tips na sinabi ni Kate kanina. And something popped up in my mind. I just smile broadly and went inside the bathroom.

----

(Prince at the multimedia...) sensya short update

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon