A/N: Hello po sa lahat. Salamat sa mga nagbabsa kung meron man. Hehe! Hindi na po siya slow update. Yey! Malapit na kasing matapos at gusto ko na talagang tapusin. Sana subaybayan nyo hanggang sa pagtatapos.\
H E L L O
Chapter 45
Jess POV
"Have we met before?" nagkatitigan lang kami nang sinabi niya ang katagang iyan. Napaawang naman ang aking mga labi sa tanong niya, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya nakatitig lang ako sa mga mata niya. Gosh! How I miss those eyes!
"Ah-ahm, no sir. I am new here and it's my first time to see you sir." saad ko ng nakaisip kung ano ang isasagot ko.
"Oh, okay! So you're new here, good. Atleast may kasama pala akong bago dito. So alam mo na ba kung anong trabahong pinasok mo?" matigas niyang tanong. Bakit parang may nagbago?
"Oh-opo sir. Na-train na po ako ng dalawang lingo." Sagot ko nalang
"Good, dahil workaholic akong tao at ayoko ng papatay-patay na assistant. May mga meetings na ba ako ngayon?" sunod-sunod niyang saad. Napalunok nalang ako, bakit ganoon? Anong nangyari?
"Ah opo. 10:30 am po dito sa conference room po kasama ang mga board of directors. Parang pang-welcome po daw sa inyo. At 2 o'clock pm naman po kay Mr. Endojar of BC Shipping Line at 7 o'clock po dinner de-date niyo sa fi-fiancee niyo." Basa ko sa file na hawak ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko, any minute tutulo na ang mga luha ko, kaya naman tumingin-tingin lang ako sa taas.
"Pssh! Again." Narinig ko pang bulong ni Prince na buti nalang may binabasa siyang file sa harap niya kaya hindi niya ako napapansin. "Okay you may go now. Thanks!" saad niya, kaya naman dali-dali akong lumabas.
Nilapag ko agad yung hawak kong file saka dumiretso sa comfort room, hindi ko na nga pinansin ang mga nabubunggo ko. Pero humingi naman ako ng pasensya, kaya lang hindi ko na sila tinignan pa at tuloy-tuloy sa paglakad.
Nang makarating ako sa CR, pumasok agad ako sa isang cubicle at doon umiyak. May fiancée na pala siya. Pano na kami ng anak ko niyan? Pano na ako? Ganito nalang ba ang kahihinatnan lahat ng ginawa at sinakripisyo ko? Umuwi na kaya ako? Wala naman na palang silbi 'tong ginagawa ko dito eh, bakit pa ako magsasayang diba?
Nang makapag-isip-isip ako, tinawagan ko si BJ. "Hello, Jess? Got a problem? Anything I can help?" tanong niya agad.
"BJ ayoko ng ituloy 'to. Pwede bang magresign na ako?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Wha-what? What happened? Sinaktan ka ba ni Prince? Pinagbuhatan ka ng kamay?" tanong niya ulit
"No! Hindi sa ganun, pero ano pa ang silbi ko dito pala, hindi niya ako maalala. Tapos may fincee na pala siya. BJ hindi na ako nararapat dito." mahinang saad ko.
Matinding katahimikan ang namutawi ng mga ilang segundo bago siya nakapagsalita. "I'm sorry Jess I can't do anything about that. Hindi ka pwedeng magresign hanggang hindi natatapos ang kontrata mo. Just try it first Jess, atleast try it first before do something. 3 months Jess, kung walang mangyayara sa 3 months na yan saka mo ituloy ang binabalak mo." saad ni BJ na nag-isip ako.
"Sige, subukan ko. Salamat BJ, wag mo nalang sabihin kay Kate 'to ah, baka mag-alala pa eh. Salamat talaga ah." Sabi ko nalang
"Wag mong subukan, gawin mo. Tandaan mo nandito lang ako sa likod mo, tawagan mo lang ako kung may problema ka." Saad niya.
"Sige." Maikling saad ko
"Cheer up Jess. Anything is possible! Sige, magda-drive na ako. Bye." Paalam niya.
"Bye!" saad ko nalang din.
Lumabas na ako ng CR habang nag-iisip pa din. Kaya ko 'to. Walang imposible kung pinaghirapan mo. Posible lahat basta gawa mo. nang makarating ako sa table ko na nasa harap ng office ni Prince, nagulat ako ng nandoon si Joel na nakasandal sa glass wall ng office ni Prince at mukhang hinihintay ako.
"Umiiyak ka na naman. Bakit ba parati kitang nakikitang umiiyak?" tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siyang lumapit sakin. "Oh, tinimpla ko 'yan para sa'yo. Sana sa susunod na mikita kita, yung nakangiti o tumatawa ka naman." Saad pa niya.
Napanguso nalang ako sa saad niya. Nagulat ulit ako at lumaki ang aking mga mata sa sunod na ginawa niya. Pinisil niyang dalawa ang pisngi ko habang pinapa-iling-iling niya ang ulo ko. "Wag kang ngumuso, mas lalo kang magmumukhang—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pintuan ng office ni Prince saka siya linuwa doon na may masamang aura.
"First warning!" bossy niyang saad. Agad naman kaming humarap sa kanya at naging seryoso habang nakatingin sa baba. "Sorry, sir." Sabay naming saad.
"Pag maglalandian kayo, huwag dito sa harap mismo ng opisina ko. Kapag naulit ito, you're are completely fired. Get back to work." Maotoridad niyang saad.
"Yes sir." Sabay ulit naming saad ni Joel. Dali-dali namang bumalik si Joel sa kabilang banda.
Grabe! Nakakatakot siya. Teka nakita niya kami, ibig sabihin nakikita niya ako dito sa pwesto ko? Pero ano yung nakita ko kanina sa mga mata niya? Jelousy? Seriously, what am I thinking? Bakit naman siyamagseselos, eh hindi nga niya ako maalala eh, magselos pa kaya?
Pero hindi naman bawal humangad diba? Sabi nga sa mga napanuod kong mag amnesia-amnesia. Maybe he forgot about me with him but his heart's possibly remembers me. Hopefully. Sana tama ako
—-
soshi_MYE
BINABASA MO ANG
When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩
RomanceBakit pag mayaman at mahirap hindi na agad bagay? Pag prinsipe at alipin? Yung Popular at wala lang? hindi ba pwedeng pwede din naman. Pero dadating din yung time na magsisilabasan ang mga kontrabida sa relasyon nyo eh. Yung may dadating na witch at...