[Thirty-five]

3.7K 103 3
                                    

N I H A O

Chapter 35

Jess POV

Nandito kami ngayon sa isang restaurant nang maramdaman naming pareho ang gutom kanina habang nasa byahe kami kaya nagkasundo kaming kumain muna dito.

Hindi ko pa din mapigilang mapangiti hanggang ngayon dahil sa mga nangyari kani-kanina lang. I just cant help not to smile.

"Oh tama na ang kakangiti jan baka masobrahan yan at hindi na bumalik sa dati." Lokong biro ni Prince na nasa harap ko ngayon habang nag-oorder. Alam naman kasi niyang hindi ako nagpupunta sa mga restaurant. Hanggang Jollibee at McDo lang kasi ako.

"Mag-order ka nalang jan at nagugutom na ako." Kinikilig ko pa ding saad. Kinuha ko lang ang isang menu book para icover ang mukha kong nakangiti pa din.

Sobrang saya ko talaga ngayon, walang makakapantay sa kasiyahan ko ngayon. Hindi ko na tuloy mahintay ang pagtatagpo ng mag-ama ko mamaya. 'Yon kasi ang gusto kong sabihing sekreto sa kanya at pupunta kami sa bahay mamaya para ipakikila siya sa anak namin.

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nagkita sila? Kapag nagtatanong kasi si Jai tungkol sa Dada niya, ang sinasabi ko lang ay nasa abroad siya gaya ng mga ibang magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi naman niya ako kinukulit pero parati niyang tinatanong kung kailan uuwi ang Dada niya at ang parati kong sagot ay 'Soon'.

"Ma'am may I get the menu book?" napitlag lang ako nang nagsalita ang waiter. Naka-order na pala si Prince. Binigay ko lang sa kanya ang hawak ko tsaka napatingin kay Prince na nakatitig na sa akin.

"What?" inosente kong tanong nang nakalayo na ang waiter.

"Wala I just wanted to look at you forever." Ayan na naman, kinikilig na naman ako dito, susko!

"Stop it Prince. Masyado mo na akong pinapakilig ngayong araw na 'to." Pilit kong saad.

"Ayaw mo? Cge ka, baka magsisisi ka kapag sa ibang babae ako babanat." Birong saad naman niya. Tinignan ko lanag naman siya ng masama.

"Tignan mo?" saad lang niya.

Maya-maya pa ay dumating na ang inorder niyang napakarami. Haaaay, talagang gutom na ako. Nilantakan ko agad ang mga pagkain dahil nga sa sobrang gutom ko. Nagkape lang kasi ako kaninang umaga at ala-una na ngayon.

"Dahan dahan Sweetheart, baka makain mo pati kutsara at tinidor." Biro ni Prince na patawa-tawa sa harap ko.

"Mind you own food." Maikling saad ko tsaka siya tinignan ng masama, eh sa gutom talaga ako eh.

Kumain na din siya dahil alam kong gutom din siya. Wala kaming imikan at tanging mga kutsara, tinidor at plato lang ang naririnig mo. pag nagtatama ang mga tingin namin which is halos magtitigan na kami habang kumakain ay napapangiti nalang kaming pareho.

"Ah, wala na ang aking abs." natawa nalang ako sa saad ni Prince habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa tyan niya. Ang dami ba naman kasing kinain.

"Hahahaha. Wait.. CR lang ako." Saad ko nang makaramdam ng hindi maganda. Naparami din ata ang nakain ko.

Pagbalik ko ay ganun pa din siya nakaupo at nilalaro ang straw sa baso niya. Maya-maya ay binayaran na niya ang kinain namin tsaka nagpaalam na pumunta sa CR.

Ilang minute na akong naghihintay dito pero wala pa din siya. Don't tell me kinain na siya ng toilet bowl? No, hindi pa sila nagkikita ng anak niya. Okay! OA much Jess. Kaya naman naisipan kong puntahan siya sa Male's Restroom, pero syempre sa labas lang ako. Nang may lumabas na lalaki mula roon ay nginitian lang ako, syempre nginitian ko din, pero weird? Medyo awkward kasi. Haha.

Maya-maya pa ay tumunod ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha at sinagot.."Hello?"

"Ate nandito kami sa Gym Fitness mo, asan ka? Kasama namin si Jai, nagpumilit na puntahan ka eh pero wala ka naman dito ayun, nagwawala na ang anak mo." sabi ni Jeric.

"Pauwi na kami, pakausap ako sa kanya Jeric." Sabi ko lang, at narinig kong pinasa nga niya and cellphone.

"Momma, where are you?" medyo galit na tono ng anak ko.

Medyo nagtatampo kasi 'yan kasi hindi ko pa siya naipapasyal gaya ng promise ko sa kanya bago ako magpunta dati sa anniversary ng mag-asawang Kate at BJ dati, remember? At ang sabi ko, maybe weekends or pagkatapos ng klase niya. Nasa Nursery na kasi siya at half day lang ang klase niya everyday.

"Baby, wait us there. May surprise ako sa'yo." Masayang saad ko.

"Surprise?" excited niyang tanong. Matampuhin 'yang anak ko pero madali ding lambingin.

"Yes baby. Wag ka nang magtampo, promise you'll gonna love it." Saad ko pa.

"Really Momma? I cant wait.." saad niya.

Tumawa lang ako.. "Cge baby, papunta na kami jan. hintayin nyo kami jan ah." Saad ko.

"Yes Momma. I love you Momma." Saad niya.

"I love you too baby." Masayang saad ko din tsaka binaba. Humarap ulit ako sa pintuan ng Male's Restroom at nagulat ako nang nakatayo na pala si Prince sa likod ko.

"Are you already cheating on me?" seryosong tanong niya at medyo galit na tono ang pinakawalan niya.

WHAT?

---

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon