[Twenty-four] End of Book 1

3.9K 95 6
                                    

H A I

Chapter 24 [Epilogue]

Jess POV

Graduation namin ngayon pero para akong dadalo sa isang burol dahil sa kalungkutan na makikita mo sa buong mukha ko. Ako, si Jasper at Jairon lang ang nandito dahil nasa ospital pa si Papa dahil hindi pa daw siya pwedeng lumabas, kasama naman niya doon si Jeric.

Nabalitaan ko nalang kasi kay Kate na lumipad na daw si Prince papuntang US. At sa pag-alis niya ay dala-dala niya ang aking puso.

Tanging si Kate lang ang nakakaalam sa lahat ng nangyari at ang buong katotohanan. Galit na galit siya at umiiyak habang kinukwento ko 'yon kaya napapaluha din ako habang kinukwento ko ang lahat sa kanya. Sinabihan ko din siya na huwag niya iyon sasabihin sa kahit kanino lalong-lalo na ang kanyang nobyo na si BJ.

Nakuha ko na nga ang aking diploma pero imbis na Masayang-masaya ako ngayon ay hindi.

Nang papauwi na kami, napalingon ako sa daan papunta sa Puno ng Mangga kung saan ako dinadala ni Prince habang hinihila ako.

"Jan muna kayo, may pupuntahan lang ako saglit. Hintayin niyo ako ah." Sabi ko sa mga kapatid ko na busy sa pagkain ng Siomai. Tumango lang naman sila.

Dali-dali akong tumungo sa Puno ng Mangga. Nakikita ako ng matulis na stick sa baba at kinuha ko 'yon. "I'm so sorry Prince. Sana balang araw mapatawad mo ako. Mahal na mahal pa din kita at hindi na mawawala 'yon. Hihintayin kita." Umiiyak kong saad habang inuukit ang 'Jess >3 Prince' sa may puno ng Mangga.

Pinangako ko sa sarili ko na magsisikap akong mabuti at yayaman. And maybe, maybe, I could have My Prince back.

---

(Jess' crying at the right side...)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon