[Fourty-one]

3.2K 81 0
                                    

K U M U S T A





(◕‿◕)¸¸.•*¨*•(◕‿◕)¸¸.•*¨*•(◕‿◕)¸¸.•*¨*•(◕‿◕)





Chapter 41





Jess POV





"Jai, let's go?" tanong ko sa kanya. Matamlay lang naman siyang tumango at sumunod sa'kin. Nandito kasi kami sa tabi ng dagat ngayon, palakad-lakad. Naglalakad na kami ngayon pabalik ng bahay.


Dalawang buwan na ang nakalipas at sa bawat dumadaang araw ay lalong namimiss namin si Prince, lalong-lalo na si Jai. Naging matamlay na siya nang nalaman niyang nasa coma ang Dada niya. Ang isa pang dahilan ay nawalay kami kay Prince, nandito na kasi kami sa Balawan ngayon, dito sa probinsya ni Papa.


Matapos kasi ang aksidenteng naganap dati ay nacoma si Prince at galit na galit ang Mommy niya sa'kin at ginawa ang lahat para hindi ko na makita si Prince. Binili niya mismo ang building kung saang nandoon ang Gym Fitness ko at pinalayas nga kami doon. Pati ang mga kapatid ko ay talaga gumawa siya ng paraan para mapatalsik sa trabaho at eskwelahan. Kaya nagdesisyon muna ako na dito muna sa probinsya manirahan. Iwas sa gulo.


Nag-apply ako sa malapit na high school academy dito, para naman may pagkakaabalhan ako. At natanggap naman agad ako. Dahil nangangailangan sila ng PE teacher dahil naaksidente ata ang dating PE teacher nila at dahil kakatapos lang ng Sem break nila kailangang-kailangan na dapat may PE teacher sila dahil sa dadating na Finals ng mga estudyante. Ang mga kapatid ko naman ay nag-enrol na din sa malapit na eskwelahan kahit late na sila, si Jai ay naenrol ko na din sa Nursery class ng Barangay, si Jasper naman ay naghahanap pa din ng trabaho niya. Si papa naman ay inaasikaso na ang palayan niyang iniwan dati sa mga pinsan namin.





Nagsimula na kaming maglakad ni Jai pabalik ng bahay. Pagkarating namin, dahil ala-sais naman na ng gabi, nakahanda na ang panghapunan kaya sabay-sabay na kaming kumain.


"Kumain ka ng marami Jai ah, bukas na magsisimula ang klase mo. Gusto mo bang bantayan kita sa unang araw mo sa klase?" tanong ni Papa kay Jai na tahimik na kumakain sa tabi ko.


"Hindi na niyo na po ako kailangang bantayan Lo. I'm a big boy na po, hatid niyo nalang po ako." Saad naman ni Jai.





"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Oh kumain ka pa oh." Sabi ni Papa saka nilagyan pa ng pagkain yung plato ni Jai.


Pagkatapos naming kumain, nanuod muna kami ng mga ilang minute bago matulog. Dahil nasa probinsya kami, maagang natutulog ang mga tao dahil maaga silang nagigising. Kaya natulog na din kami.


Nang kinaumagahan, maaga nga kaming nagising dahil unang pasok ng lahat. Naghanda ang lahat saka sabay sabay na lumabas ng bahay.





"Anak, papakabait ka ah, gusto mo bang ako ang maghatid sa'yo sa classroom mo?" tanong ko kay Jai habang nakaupo sa tapat niya para magka-label kami.





"Momma, I'm okay with Lolo." Sabi naman ni Jai, tumango nalang ako saka ngumiti. Hinalikan ko siya sa noo saka tumayo na.





"Sige baby, mauna na kami ah. Pa ah!" saad ko bago tuluyang pumasok sa sasakyan.


Si Jasper na ang nagmaneho, este binigay ko na talaga sa kanya yung sasakyan na nabili ko dahil ayoko ng mag-drive, natrauma na ako na nangyari sa'min. Dahil wala pang nahanap na trabaho si Jasper, siya muna ang hated sundo namin. Nakapo naman si Jeric sa passenger seat at nasa backseat naman kami ni Jairon. Iisang paaralan naman kasi ang pupuntahan namin ni Jairon at sa kabilang paaralan naman si Jeric dahil huling taon na naman na niya sa kolehiyo. Binaba na kami sa parking area saka din sila umalis.





Maganda naman ang nangyari ngayong araw na 'to sa'kin. Pinakilala lang naman kasi ako sa mga estudyante ko at sa mga ibang guro. Tuwang tuwa pa ang ibang estudyante dahil sawakas ay magkakaroon na sila ng babaeng PE teacher. Dati daw kasi balita ko terror na matandang lalaki ang PE teacher nila. Pero 3rd year at 4th year ang tuturuan ko at every Thursday and Friday lang ang PE nila.





Pag-uwi namin, kinumusta ko lang ang mga kapatid ko at si Jai. Okay naman daw sa mga kapatid ko kahit kailangan nila ng matinding pag-a-adjust. Si Jai naman, okay na okay daw dahil mababait naman ang mga kaklase niya at maganda daw ang teacher niya.





Bago ako matulog tinignan ko muna ang phone ko kung may nagtext o tumawag. Pero wala, kaya napunta lang ako sa photos ng phone ko na ngayon ko lang ulit mabisita mula nung pumunta kami sa Baguio. Hindi ko namalayn na umiiyak na pala ako habang tinignan ang mga litrato naming tatlo na kasama si Prince.


Kailan ko kaya ulit siya makikita, kailan kaya ulit namin siya makakasama?





to be continued...





soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon