[One]

14.9K 225 6
                                    

A N N Y E O N G

Chapter 1


Jessie POV

Kahit kailan talaga ang babaeng 'yon hindi na nagbago. Anong oras na ba? Masyado lang ba akong maaga o late lang sya. For pete's sake, mag-iisang oras na akong naghihintay dito. At nalibot ko na ang buong mall. Ito pa naman ang pinakayaw ko, ang umikot ikot sa matataong lugar na mag-isa.

Napatingin ulit ako sa relos ko na kanina pa patingin-tingin doon. Alas-kuwatro na ng hapon at wala pa din sya, alas-tres ang usapan namin ah. Kahit kailan talaga hindi na nagbago 'tong bespren ko oh.

Nandito ako ngayon sa A&B Shopping Centre. A shopping mall na sikat dito sa lugar namin.

Hindi ko alam kung pa'no ko ba naging bespren yun. Sigurado naman akong alas-tres ang usapan namin ah. Take note, isa ito sa pinaka ayaw kong ugali ng bespren ko, pero bakit ganun? Bespren ko pa din sya hanggang ngayon?

Well, marami rin naman kaming pagkakatulad. Parehas kami ng pinapasukang eskwelahan. Parehas din kaming fourth year college, at parehas din kami ng kurso, pero hindi kami magkaklase, dahil ako magor in Physical Education, sya major in Science.

"Ten more minutes Jess" bulong ko sa sarili ko at kung wala pa sya, uuwi na talaga ako.

Humanap ako ng bench na mauupuan dahil nangangalay na ang mga binti kong kanina pa lakad nang lakad. Isang oras din kaya akong paikot ikot dito sa mall. Hindi ako nagtetext o tumawag dahil una sa lahat, wala akong load. At siguradong wala ding load nung si Kate. Hindi kasi naming ugali ang mag-aksaya ng pera sa mga bagay na hindi naman kailangan. Naglo-load din naman kami pag may emergency.

Tumingin ulit ako sa wrist watch ko.

"okay, ten seconds to go" bulong ko at tumayo na sa kinauupuan ko.

"six, five, four, three,.." napatingin ako sa nangalabit sakin na nakangiting Kate ngayon.

"sorry Jess" agad nyang sabi, at nag-abrasyete sa'kin. naglalambing na sya dahil alam nyang umuusok na ang ilong at tenga ko.

"sorry your face" sabi ko lang inalis yung kamay nya sa braso ko at umupo ulit.

"Ito naman oh. Sige na, hindi na mauulit. Nandito naman na ako eh" sabi nya at nagpapuppy eyes pa. yuckssss.

"one hour lang naman kasi akong naghintay Katiebelle. Yon lang naman ang ginawa ko" sarcastic kong sabi.

"oh, ayan quits na tayo ha" malungkot na sabi nya. ayaw nya kasing tinatawag sya sa totoong pangalan nya. kaya inaasar ko sya.

"anong quits ang pinagsasabi mo jan? hindi pa tayo quits Katiebelle" asar ko ulit. Gusto ko nang matawa sa itsura nya ngayon. Haha

"Bahala ka na nga sa buhay mo" sabi nya at tumayo na at sinimulang maglakad.

"Aba, ikaw pa ngayon ang may ganang magalit Katiebelle ah" sabi ko lang ulit at sumunod din sa kanya.

Hanggang sa binilisan lang nya ang paglalakad. Kaya naman dali dali ko din syang sinundan. Ganyan talaga yan madamdamin, ayaw na ayaw nya ang pangalang binigay sa kanya ng lola nya. at napakababaw ng mga luha nya. kagaya ngayon, naiiyak na yan.

"Hoy Katiebelle, tama na yan. Oo na quits na tayo" hinablot ko yung kamay nya at isang ma awak na ngiti ulit ang makikita sa mukha nya.

"okay let's go na bespren" sabi nya at umabrasyete ulit sa'kin at naglakad na ulit.

'weird talaga' sabi nalang ng utak ko.

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon